Chapter 2 - PETER

57 25 0
                                    

Time check: 4:35 PM

Kakatapos lang ng klase namin nila Jillian at Haze kaya papunta na kami sa waiting area ng school. Dun na lang namin aantayin yung iba.

Wala naman kaming masyadong ginawa ngayong araw, kundi magpakilala lang ng sarili at kilalanin ang mga subject teachers. Wala pa rin namang pinapagawang homework pero binilinan kami na mag advance reading. Pa chill-chill lang kami sa ngayon. Tignan na lang natin sa mga susunod na araw (lol).

"Kain kaya tayo?" pag-aaya ni Haze habang pinaglalaruan ng paa niya ang maliit na bato sa harapan niya.

"Sa labas?" tanong ni Jillian.

Hay. Parang alam ko na ang susunod dito.

Tumingin sakanya si Haze. "Gusto mo bang kumain sa cafeteria? Sige mag-isa ka dun." ngumisi siya ng nakakaloko.

Inirapan siya ni Jillian kaya tinawanan siya ni Haze. Haabang ako naman, nagpipigil ng tawa.

Yinakap naman ako ni Jillian sa gilid na para bang nagsusumbong. Hanggang ngayon kasi 'di pa rin natigil si Haze sa pang-aasar.

Kaya naman sinimangutan ko si Haze ng pabiro. Nagulat ako nung ngumuso siya saken, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya kaya 'di ko mapigilang matawa.

"Kain tayo sa labaass." napatingin kami sa direksyon nila Fatima na naglalakad papunta saamin. Kasama na din nila sila Jex.

Narinig ko namang may binulong si Haze kay Jillian. "Oh, sa labas daw ha. Sa labas." pagdidiin ni Haze.

Kinurot naman siya ni Jillian sa braso dahilan para mapa-aray si Haze. Napailing na lang ako nang nakangiti.

"O, ano na naman ba pinag-aawayan niyo?" pinalipat-lipat ni Fatima ang tingin niya kila Haze at Jillian, habang nakatiklop yung braso sa harapan niya.

Binaba ko yung braso niya at hinila paupo sa tabi ko. " 'Di ka pa nasanay."

Nagkasabay pa kami ni Matt ng pagkakasabi, dahilan para magkatinginan kami at tumawa.

"Nasaan pala sila Eliezer at Addie?" napa 'oo nga no' naman kaming lahat.

'Di ko naman maiwasang mapangiti nung nabanggit yung pangalan ni Eliezer, naalala ko na naman kasi yung nangyari kanina. Parang gusto ko tuloy sumigaw sa kilig.

"Huy okay ka lang?" napatingin naman ako kila Jillian na nakatingin saken na para bang inaantay ang sagot ko sa kung saan.

"Sorry, ano ulit yun?" wala sa sarili kong tanong.

Tinignan naman ako ni Jillian na para bang alam niya kung bakit lumilipad ang isip ko.

"Ang sabi namin, sa mall na lang tayo pumunta. Food court na lang tayo kumain. G ka ba?" pag-uulit niya. Umoo naman ako agad.

Bigla ko namang naalala sila Addie at Eliezer na nabanggit kanina.

"Asan daw pala si Addie?" tanong ko kila Fatima. Siniko naman ako ni Jillian at binigyan ng 'sus si Addie nga ba' na tingin. Inirapan ko naman siya.

"Pinatawag daw sila sa library ni Mr. Bernardo para sabiha— O ayan na pala sila." napatingin naman ang lahat sa direksyon nila.

"Kanina paba kayo naghihintay?" umiling naman ang lahat. Napatingin naman ako kay Eliezer na abala sa pagce-cellphone.

Kinagat ko yung ilalim ng labi ko dahil 'di ko mapigilang ngumiti. Hay. 'Bat kasi kahit busy siya sa cellphone niya, ang gwapo padin? 'Di ko tuloy mapigilang ngumiti habang tinitignan siya.

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon