Chapter 8 - Walkout

12 4 0
                                    

"Ba't pala 'di mo kasama yung dalawa?" alam ko na agad kung sino tinutukoy niya.

"Sila yung nakatoka ngayon na magasikaso about SC stuff."

"Ah.. Ngayon din nakatoka sila Fatima."

"Kaya pala ikaw lang mag-isa." tumango siya.

Napangiti na lang ako. Kanina ko pa siya pasimpleng pinagmamasdan. Buti na lang mejo mabagal-bagal kaming mag-lakad, matagal-tagal ko siyang masosolo. Hehe.

"Pre!" sabay kaming napalingon ni Eliezer.

Bumungad saamin sila Matt at Jex na kakababa lang ng hagdan.

"Uy pre." nagkamayan sila.

Sabay-sabay na kaming pumasok ng cafeteria. Akala ko pa naman mas matagal-tagal ko pa siyang masosolo. *insert sad emoji*

Wala pang masyadong tao dito sa cafeteria kaya agad kaming nakahanap ng pwesto.

"Asan yung iba?" tanong ni Matt.

"Baka mamaya-maya pa yun." sagot ni Eliezer.

"Sila mga nakatoka ngayon 'no?" tanong ni Jex.

Tumango kami ni Eliezer.

"Kailan daw ba gaganapin botohan?" tanong uli ni Matt.

Nagkatinginan kami ni Eliezer. Yie.

"Ang alam ko, baka next week?" sabi ko.

"Hindi ba this week?" tanong saakin ni Eliezer.

"'Di pa ata sila nakaka decide kung sino-sino mga patatakbuhin. Wala atang willing." tumango-tango si Eliezer.

Mamaya-maya, may narinig kaming isang grupong maiingay na pumasok sa cafeteria. 'Di pa kami lumilingon alam na namin kung sino.

Nung makalapit sila sinermonan agad sila ni Jex. "Fatima alam mo bang nangingibabaw boses mo? Napakasakit sa tenga." tinakpan niya pa saglit yung tenga.

Kanya-kanya na silang naghanap ng pwesto. Magkakatabi kaming mga babae, samantalang ang mga lalake katapat namin.

"Gutom na naman 'to 'no?" tinuro ni Fatima si Jex gamit ang hinlalaki niya.

Nag face-palm si Jillian. "Pwede bang mamaya na kayo mag-away? Kumakalam na sikmura ko."

"Kumuha ka na kaya ng pagkain mo." nakasimangot na bwelta ni Jex.

Napailing si Haze. "Ang iinit talaga ng mga ulo niyo kapag gutom ano?" natawa kami. "Ano ba mga gusto niyo? Kami na ni Rai kukuha."

Pagkatapos naming alamin mga gusto nila, tumayo na kami ni Haze.

Ako na yung nag-order ng mga pagkain namin habang si Haze nasa tabi ko lang.

Liningon ko siya. "Ano pala yung iyo? Sampung kanin tapos?"

"Anong sampung kanin?" bwelta niya na ikinatawa ko. "Paborito ko, alam mo naman yun."

"Okay, okay." humarap na uli ako kay ate. "Dalawang order po ng tortang talong tska nilagang itlog po."

Kinalabit ako ni Haze. "O, bakit dalawa?"

"Bakit? Favorite ko din yun a."

"Weh, gaya-gaya ka lang e."

Di ko na lang siya pinansin dahil mabui-buisit na naman ako neto. Sakto namang sinabi na ni ate kung magkano, kaya inabot ko na yung bayad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon