Chapter 4 - FQ

65 23 3
                                    

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

- - - -

Kanina pa 'ko nakaupo sa dulo ng kama ko. 'Di ko alam kung bababa na ba ako o dito na lang ako sa kwarto. 'Di na lang muna kaya ako pumasok?

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko.

Mag se-7:05 na pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag se-7:05 na pala. Kailangan ko na din talaga lumabas. Sana naman umalis na si Haze. 'Di ko alam kung papano siya haharapin, pagkatapos ng nangyari kanina. Grabe mukhang may mas iintense pa sa araw ko kahapon.

Rereplyan ko sana si Jillian nang biglang may kumatok at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Halos mapatalon ako sa pagkakaupo, kaya naman nalaglag sa pagkakahawak ko yung cellphone.

"O Raizel, ayos ka lang?"

Sinuubukan kong tanguan si dad ng nakangiti habang hirap na hirap akong kunin sa ilalim ng kama ko ang cellphone ko. Ba't ang layo ng narating ng phone ko? Kakaloka naman.

"Kailangan mo ba ng tulong jan?" tanong uli ni dad. Agad naman akong humindi.

Maaabot ko na sana yung cellphone ko nang biglang may nagsalita.

"Tulungan na kita jan." kilalang-kilala ko yung boses na yun kaya naman nagulat ako nang yumuko rin siya para abutin ang cellphone ko.

Sa gulat ko, sinubukan kong tumayo mula sa pagkakayuko, nang mauntog ako sa matigas na parte ng kama. Eto na naman.

Napahawak ako sa noo ko. 'Di pa nga ako nakaka-recover sa sakit ng balakang ko, may dumagdag na agad. Kapag sinusuwerte ka nga naman.

Iniabot niya na saakin yung cellphone ko nang bigla niyang mapansin na nakahawak ako sa noo ko.

"Anong nangyari sayo?" natatawa niyang tanong.

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon