Chapter 5 - NO I.D. NO ENTRY

57 26 3
                                    

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

- - - -

Mejo malapit-lapit lang din sa school yung kinainan namin. Sa sobrang lapit nilakad nga lang namin— which is pinagsisisihan namin kasi mejo malayo pala siya kapag nilakad (lol!). Tinry naman naming mag jeep kaso lahat ng jeep na dumaan halos puno na— 'di lang halos; puno na talaga.

Ang dami pa naman namin tas 'di pa kami makahanap ng jeep na masasakyan so naglalad na lang kami. Grabe yung sakit ng binti ko, idagdag mo pa yung balakang kong 'di pa nakakarecover!

Tapos na naman kaming kumain, nagpapahinga na lang kami. Masarap din namang tumambay dito kasi may bandang tumutugtog. Soft music lang ang mga pinapatugtog, kaya masarap sa tenga. Isama mo na din yung magandang boses ng vocalist ng banda.

Masasarap din yung pagkain dito at maraming pagpipilian. Bagong bukas lang kasi itong bagong food park sa lugar namin kaya 'di masyadong ganoon karami ang tao sa ngayon.

Kaya habang 'di pa masyadong patok na patok ang lugar na 'to, gusto naming masubukan ang mga pagkain dito.

Yung kain namin dito, diretso na din para sa hapunan kaya nag-decide kami na mag 'korean pork and fish bbq" na lang kami. Isa daw kasi sa mga masasarap dito yan. Yung kami maggri-grill ng mga karne at isda tas meron pang side dishes.

Kagaya ng nakasanayan, nagkwe-kwentuhan lang kami, tawanan, asaran, pikunan— ano pa ba aasahan, palagi namang ganun.

"Ano bang nangyari sainyo?" natatawang tanong ni Jex habang tinuro kaming dalawa ni Haze.

Ba't na naman ba napunta saamin yung topic. Nagkibit-balikat lang si Haze, samantalang ako napainom na lang ako ng juice.

"Tignan mo 'tong dalawa. Pa-showbiz!" nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Fatima; kahit si Haze nakitawa din.

Ako? Naglagay pa uli ako ng juice sa baso ko. Natungga ko na lahat e (lol).

'Di parin sila natigil sa pagho-hot seat saamin—kulang na lang mag-liyab na kami dahil sa init ng upuan! Joke ang corny :((— pero wala namang nasagot saaming dalawa ni Haze. Pangiti-ngiti lang siya; ako naman, pilit kong dinededma mga tanong at pang-aasar nila. Jusko, kailan ba sila titigil?

Makalipas ang mga ilang minuto— shet ilang minuto lang ba yun?— 'di pa rin sila tumitigil. Masyadong consistent ha! Kaya napag desisyunan kong mag cr. Takas-takas (hehe).

Syempre nagsabi muna ako na pupunta akong cr. Di ako nag walkout 'no! Edi mas lalo kaming pinag-pyestahan pag-balik ko!

'Di naman talaga ako naiihi or natatae, gusto ko lang talagang makatakas sa pang-iinterview nila. Pero pag pasok ko ng banyo, nakaramdam ako ng ihi.

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon