Chapter 3 - TOWEL

47 26 3
                                    

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS PICTURE. ©

- - - -

Nabalot uli kami ng katahimikan pagkatapos naming magtawanan. Andito na kami sa loob ng subdivision, ibinaba kami kanina ng tricycle sa tapat ng subdivision.

Mas gusto ko sanang ibaba na lang kami sa tapat na ng bahay ko mismo, para na din may masakyan palabas si Haze kaso, siya ang may idea na mag-lakad na lang daw kami. Kesyo mas maganda daw sa kalusugan ang mag-lakad. 'Di naman ako informed na health conscious na siya ngayon (hahaha).

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga kaya natawa ako ng mahina. Ramdam ko namang tumingin siya saken.

Inangat ko yung tingin ko sakanya habang patuloy lang kaming naglalakad. "Pagod ka na 'no?" tumawa lang siya.

Malaki-laki rin kasi itong subdivision, e medyo nasa dulo pa yung bahay namin. Wala pa kami sa kalagitnaan bago makarating sa bahay namin.

"Sabi ko naman kasi sayo," pagpatuloy ko. "dapat nag tricycle na lang tayo."

Inakbayan naman niya 'ko saka ginulo buhok ko. Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napaaray siya. Natanggal din ang pagkaka-akbay niya sakin.

"Buti nga sa'yo." sabi ko sakanya.

Tumawa lang siya at inilagay niya ulit ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Habang ako, inaayos ko yung buhok kong ginulo niya.

"Hindi ako pagod." dinedma ko lang siya. Inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"May naalala lang." napatingin naman ako sakanya.

Dahil sa mga ilaw ng poste, nakita kong ngumiti siya ng marahan habang nakatingin sa langit. Tinignan ko din ang langit. Napansin ko ring mas maraming bituin ngayon kesa sa mga nakaraang gabi.

Nagsalita ulit siya, kaya napatingin na naman ako sakanya. " 'Di mo ba tatanungin kung ano yung naalala ko?" tumingin siya saken ng nakangisi.

Inirapan ko siya at binalik ang tingin sa langit. "Alam ko namang 'di ka magsasabi. Ba't pa kita tatanungin?"

"Wow, advanced mag-isip." nagtawanan naman kami.

May pinag-uusapan lang kami habang naglalakad nang bigla siyang tumigil. Dun ko lang namalayan na andito na pala kami sa tapat ng gate namin.

Humarap ako sakanya, dahilan para mapaharap din siya saken. "Salamat sa pag-hatid." kinuha ko yung bag ko sakanya.

" 'Kala ko ba ayaw mo." pang-aasar niya kaya inirapan ko siya.

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon