"Now Aga tell me what's your problem?" tanong ni Lea ng maka pasok ito sa kanilang kwarto at naupo sa kama.
"Babes... tatanggapin mo ba talaga yung The Voice?" tanong ni Aga sa asawa kaya napa buntong hininga naman si Lea.
"Aga... diba napag usapan na natin to? babes trabaho lang naman yun eh" sabi naman ni Lea.
"pero kasama mo pa din siya" bulong ni Aga, hindi naman ito na rinig ni Lea.
"babes... Naman eh, yan ka nanaman bakit ba ayaw mo na tanggapin ko yung The Voice na yan?" tanong ni Lea.
"Wala." simpleng sagot ni Aga
"Wala? Aga naman eh wag mo nga akong pinag lololoko?" naiinis na tanong ni Lea, pero hindi umimik si Aga kaya tumahimik na din siya at nag bihis.
Lea's POV
Ghad I hate this kind of atmosphere, yung kasama mo yung taong mahal na mahal mo tapos di kayo nag papansinan. Ang bigat ng ganito sa dibdib. Sobra.
"Babes..." tawag ko sa kaniya pagka labas niya sa banyo, dumiretso naman siya sa vanity mirror at sinuklay ang basa niyang buhok.
Kanina pa kasi siya tahimik tapos ngayon lang din yan hindi nag sabi ng problema niya pwera nalang kung nagseselos siya.
Wait... Is he jealous? Kanino naman? eh si Bamboo lang naman ang lalaki na........ ka close ko sa the voice.
Ohmygod!
"Babes..." tawag ko ulit sa kaniya sabay yakap sa likod niya, habang siya naman ay naka upo sa may vanity mirror.
"hey, pansinin mo naman na ako oh!" sabi ko sakaniya,at yumuko para halikan siya sa pisngi niya dahil naka upo siya at naka tayo naman ako. Asus nag papalambing ang asawa ko. Humarap siya sa akin at tinitigan ako, ano bang meron sa lalaking to ang hilig manitig nakakaloka.
Tumayo siya "sorry" sabi niya at hinalikan ako sa ulo
"huh?" tanong ko.
"Babes, sorry. Kasalanan ko."sabi niya kaya napa ngiti ako.
"hmmm... Ano ba kasi ang problema?" tanong ko sa kaniya, kahit alam ko na. Gusto ko lang talaga marinig mismo sa kaniya.
"kasi naman, alam mo namang seloso ako tapos kasama mo pa sa trabaho yung Bamboo na yun." diretso niyang sabi kaya napa ngiti ulit ako. Kaya mahal ko tong lalaking to hindi nahihiyang sabihin kung ano ang nararamdaman niya.
"asus... Sabi ko na nga ba eh!"sabi ko saka hinalikan siya sa labi.
"babes wag ka ng mag selos. Katrabaho ko lang naman si Bamboo eh, tsaka ikaw ang asawa ko at ikaw ang mahal ko" sabi ko sakaniya at pinisil ang ilong. Naku napaka seloso talaga.
"mahal din kita. Mahal na mahal na mahal." sabi niya at pinisil ang pisnge ko at hinalikan ako. Good God alam ko kung saan nanaman mapupunta tong halikan na to.
*knock* *knock*
"mom? dad?" biglang katok ni Tammy kaya nag katinginan kami ni Aga. Natawa naman ako nung napa kamot nalang siya sa ulo at binuksan ang pinto. HAHAHA kawawa naman nabitin, well we're even babes. Nabitin din naman ako, pero anak natin yan eh! HAHAHAHA.
"Bakit?" masungit na tanoong ni Aga kay Tammy nung mabuksan niya ang pinto napayuko naman si Tammy at nilaro ang daliri saka umiling.
"wala po." mahina niyang sabi, natakot nanaman to sa kasungitan ng tatay niya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko.
"nak! dito kana matulog." sabi ko at ngumiti, tumingin naman siya sa dad niya at ngumiti ng tipid
"wag na po 'my. Sige po balik na po ako sa kwarto ko." sabi niya at akmang tatalikod ng takbuhin ko ang pagitan namin niyakap siya sa likod ng mahigpit na mahigpit.
BINABASA MO ANG
Because It's Love (LeAga SPG Story)
RomanceRATED 18|Mature Content| Pero kung gusto niyo!bahala kayo hahaha😂 Lea and Aga a two person with different personality in one erotic story by: dain-madi
