CHAPTER 17

2K 15 5
                                    

HELLO GUYS! SENSYA NA TALAGA KUNG HINDI AKO MAKAPAG UD. SARREH! PERO DAHIL CHRISTMAS NAMAN BUKAS EH, MAG U-UPDATE AKO. ITO NALANG REGALO KO SAINYO HIHIHI.....
——————————————————

Two days before Christmas ay nag punta sa Baguio. Mayroon silang sariling strawberry farm at kaya sila nag punta sa Baguio para i check ang mga tauhan dahil siguradong madaming kompanya nanaman ang pag di-diliveran nila ng strawberry wine.

"Dad, gusto kong mamitas ng strawberry."sabi ni Tammy na nakatingin sa malawak nilang strawberry farm.

"Sige na, mamitas ka na wag mo lang ubusin baka malugi tayo." pabirong saad nito sa anak.

"Grabe siya oh! Ang laki kaya ng farm di naman tayo mauubusan tsaka kung pipitasin ko ba lahat yang mga yan sa tingin mo ba mauubos ko? Ang sama neto" sabi ni Tammy na ikinatawa ng ama.

"nag bibiro lang oh, sige na kumuha ka na ng basket dun at mamitas kana doon lang kami sa loob ng bahay." sabi ni Aga ng tinapik ang ulo ng anak. They had a three storey white house in Baguio. Naka ngiting tumango naman ang anak.

Aga's POV

We're now here at Baguio. Lea asked me if we can visit here since matagal tagal na din kaming hindi nakaka punta dito. Nag patayo lang naman ako ng bahay para may matutuluyan kami pakag nakapag isip kaming mag bakasyon.

Pumasok ako sa loob ng bahay para hanapin ang asawa ko pero nakaka ilang ikot na ako pero hindi ko pa din siya mahanap.

"Nancy nakita mo ba si Lea?" tanong ko sa isa naming katulong na dito din lang nakatira sa Baguio.

"ay naku sir, kasama ho ni ma'am Lea si nanay, nag punta ata sila sa pagawaan ng strawberry wine." sagot nito at nag paalam na mag lilinis lang daw siya ng bahay kaya tumango nalang ako at nag lakad papuntang pabrika. Habang nag lalakad ako ay may biglang tumawag saakin.

"Aga!" yung ngiti ko kanina nawala. Ano nanaman ba ang ginagawa ng taong toh dito? Parang kabute! Kung saan saan sumusulpot, bwiset!

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngumiti naman siya na parang tanga.

"I miss you." sagot niya at lumapot saakin.

"Bakit? Hindi mo ba ako na miss?" tanong niya ulit at akmang yayakap sa leeg ko ng biglang may humila saakin.

"Subukan mong hawakan ang asawa ko at sinasabi ko sayo, masasaktan kana talga." It's Lea. Well my Lioness wife is here!

"Hayyy Lea! Ba't ba masyado kang pakealamera?" inis nitong tanong sa asawa ko na matalim ang mga matang naka titig sakaniya.

"Ba't ako nakikialam? Simply because, itong lalaki na nilalandi mo, Eh asawa ko. Kaya nakikialam ako kasi, saakin lang ang asawa ko. And sorry, I. Don't. Share." naka taas kilay na sabi ni Lea na katabi ko. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pulsuhan ko at nilagay ako sa likuran niya.

"Oh my dearest sister, kahit na anong gawin mo akin si Aga. At hinding hindi ako papayag na mapunta siya sayo." naka ngisi nitong sagot at lumapit saamin. Hindi gumalaw si Lea sa kinatatayuan niya at nasa likod niya lang ako.

"Una palang akin na si Aga, inagaw mo lang siya saakin. Mang aagaw ka Lea, hindi ka nakukuntento sa kung anong meron ka gusto mo lahat nalang sayo. Kahit may nasasaktan ka na wala ka paring pakealam." mapakla itong natawa at tumingin saakin pero agad din niyang ibinalik kay Lea ang tingin niya.

"Inagaw mo si Mommy at Daddy, si Gerard, ang mga tito at tita natin tapos pati si Aga inagaw mo! Masyado kang makasarili. Sarili mo lang palagi ang iniisip mo." nanggigigil nitong sabi hinawakan niya si Lea sa braso.

Because It's Love (LeAga SPG Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon