CHAPTER 25

2.9K 25 10
                                        

AGA'S POV

"Babes, ang tagal ni Tammy." Bagot sa na bagot na kami sa kahihintay kay Tammy na bumalik halos mag iisang oras na ito simula ng umalis para bumili ng ice cream.

"Baka may dinaanan lang, hintayin nalang muna natin." Sabi ko nalang kahit na nag aalala na ako. Malapit lang naman ang ice cream bar dito sa bahay, 15 minutes lang na paglalakad at mararating mo na ang Ice cream bar.

"Ehh, gusto ko na kumain. Tsaka what took her so long eh sobrang lapit lang ng ice cream bar." Reklamo nito saka tumayo at nag puntang kusina kaya sinundan ko nalang. Wew! Mag susungit nanaman to panigurado.

End of POV

TAMMY'S POV

"So kumusta ka na?" Naka ngiting tanong ni Doc saakin.

"Medyo okay naman na Doc, tsaka hindi naman malala yung nangyari sakin eh." Sagot ko naman at sumubo ng ice cream. Kanina pa kami dito pero ngayon lang niya ako tinanong kung kumusta na ako? Tss. Pauwi na dapat ako kanina pa kaso nag aya siya, ililibre niya daw ako kaya pumayag na ako libre niya naman eh. Hahaha pinalagay ko na muna sa freezer yung binili ko na ice cream para di matunaw.

"Eh yung parents mo? Kumusta naman sila?" tanong niya saakin, as if gusto niya lang itanong kung kumusta si dad, Pfft...

"Hmm they're good. Nothing change Doc, strong as ever." Tumango lang siya at nag madaling ubusin yung kinakain niya at nag paalam na aalis na kaya kiniha ko na din yung binili ko saka umuwi.

"Ang tagal mo naman." Inis na inagaw saakin ni mom ang ice cream ng maka pasok ako.

"Sorry mom, nag kwentuhan pa kasi kami ni Doc Galves eh." Sagot ko sakaniya, napa tingin naman siya saakin.

"Nag kita kayo?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Naka bunggo ko siya, pauwi na sana ako kaso sabi niya mamaya na daw at ililibre niya ako kaya nag stay na muna ako." Pag kwento ko sakaniya at tumango lang siya.

"Babes, movie marathon tayo?" Pag aaya ni dad.

"Ano, tara?" Baling saakin ni mom

"Sige mom, kayo nalang po. Sa kwarto lang muna ako." Sagot umakyat sila sa kwarto nila dahil doon nalang daw sila manonood.

End of POV

Earlier;at the ice cream bar

"Doc?!"

"Ms. Muhlach?!"

"Oh my, I'm so sorry." Paghingi ng pasesya ni Mishi kay Tammy

"It's okay, mag ingat nalang po tayo sa susunod. Sige na po ma una na ako."

"Wait! Pwedeng mamaya na? Mag usap muna tayo, libre kita."

"No need Doc. Bumili na din po kasi ako, actually pauwi na po ako hinahantay po kasi ako ni mom eh." Sabi ni Tammy at ini angat ang kamay para ipakita ang ice cream na nasa paper bag.

"Kahit saglit lang? May gusto lang sana akong itanong sayo." Huminga ng malali m si Tammy bago sumagot.

"Sige na nga po, libre niyo ah?" Sabi nito at natatawang tumango nalang si Mishi

"So ano nga po pala yung gusto niyo itanong doc?" Tanong ni Tammy ng maka upo sila sa may bakanteng upuan sa ice cream bar.

"Uh, are you Familiar with Margarett Vielle Gonzales?" Natigilan si Tammy nang marinig ang pangalang tinanong nito.

"Y-yes, why'd you ask?" Tanong nito.

"Nothing... its just that---ugh hahaha, never mind." Sagot nito at napapailing tumango nalang si Tammy at tumuloy sa pagkain ng ice cream.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because It's Love (LeAga SPG Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon