CHAPTER 7

4K 14 6
                                        

Two weeks. two weeks na ang nakaraan ng mag bonding silang mag kakaibigan at ngayon naman ay balik trabaho na sila.

Aga is busy running their company at si Lea naman ay busy sa tv shows at guestings, same as Tammy.

Today is Thursday. Lea doesn't have work today. So she decided to visit her husband and daughter. She decide to bring them lunch since she's also bored in their house.

Una niyang dinaanan si Tammy na nasa dressing room nagpapahinga bago mag showtime. Pag pasok niya sa dressing room ng anak ay nakita niya itong nakaidlip sa vanity mirror ng dressing room nito. Nilapitan niya ito at hinawi ang buhok na naka tabing sa mukha ng anak, nakita niya ang pagod at stress sa mukha nito, hinalikan niya ito sa noo at ginising.

"nak." tawag niya sa anak, nagising naman agad ang anak at nginitian siya nito.

"Hmmm... Mom" naka ngiting bati ni Tammy sa ina.

"You looked stress baby, you okay?" nag aalalang tanong ni Lea sa anak.

"I'm okay mom, bakit ka po nandito? Diba it's your rest day? Dapat po nag pahinga nalang kayo sa bahay."
tanong nito sa ina.

"wala, I just get bored sa bahay eh. Then I decide to bring you lunch here, tsaka dadaan din ako sa Dad mo mamaya." sagot ni Lea

"talaga? You bring me lunch?" Tammy's face lit up and hugged her mom.

"Opo, kaya heto. Kumain ka." sabi ni Lea at linabas ang pagkain.

"Ikaw po nag luto 'my?" malambing na tanong ni Tammy sa ina. Tumango naman si Lea.

"Ayieee... Na miss ko ang luto mo 'my"

"sige na kumain kana. Ihahatid ko pa tong lunch ng Dad mo" paalam ni Lea sa anak na tumango lang at busying busy sa pagkain. Natawa nalang si Lea at hinalikan ito sa pisngi at noo bago umalis.

Nagmaneho naman siya papunta sa company nila ni Aga. Nang marating niya iyon ay naka ngiti siyang pumasok habang daladala ang paper bag na may lamang pagkain para sa asawa.

Nang marating niya ang pinto ng opisina nito ay pumasok siya pagka sarado niya ng pinto ay lalapit sana siya sa asawa ng may narinig siyang boses ng babae

"oh come on Aga! Hindi mo mahal si Lea, ako ang mahal mo." sabi nito na ikina tigil niya. Sumilip siya sa maliit na pagitan ng mga libro sa bookshelves na nasa tabi niya.

"Hindi kita mahal Margarette. Alam mong si Lea lang ang mahal ko, kaya nga siya ang pinakasalan ko diba?" sagot ni Aga na ikina ngiti ni Lea.

"Akin ka Aga, bakit ba palagi nalang si Lea ang pinili mo? Ito ang tandaan mo Aga, hindi ako papayag na basta basta ka nalng mapupunta sa kaniya. Akin ka." Sabi nito at hinalikan si Aga sa labi na ikina bigla niya. Mabilis namang naitulak ni Aga si Margarette.

"Margarette! Ano ba?! Pwede ba tigilan mo na ako!" sigaw ni Aga at akmang lalabas ng makita siya nito.

"B-babes..." gulat na sambit ni Aga.
Naiiyak na siya pero hindi niya iyon ipinakita sa asawa. Tumalikod siya at mabilis na tinungo ang parking lot at nag drive papuntang Abs, pabalik sa anak. Habang nag d-drive pumasok sa isip niya ang nakita kanina. Alam niyang walang kasalanan si Aga pero masakit, sobrang sakit na makita mong may humalik sa lalaking pag mamayari mo.

Pag dating niya sa DR ng anak ay wala na ito doon, siguradong nasa studio na ito kaya nag hintay nalang siya doon. Pinatay niya ang cellphone na kanina pa nag riring, hindi naman niya sinasagot kasi alam niyang si Aga lang iyon.

Matapos ang ilang minutong pag hihintay ay dumating na din si Tammy.

"mom?" gulat na tawag nito sa kaniya, binigyan niya lang ito ng tipid na ngiti. May namumuo nanamang luha sa mga mata niya pero pinipigilan niya, ayaw naman niyang malaman pa ito ng anak niya.

Because It's Love (LeAga SPG Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon