Part 18

104 7 0
                                    

Jennie POV

Two weeks.Two weeks nang hindi nagpaparamdam si jimin.Kahit isang tawag o text.Kahit sa Bangtan wala din siyang tawag o text.Palagi nalang ako naiiyak tuwing gabi kasi naiisip ko yung sinabi ni Jungkook na nasa states si jimin at Irene.

Miss ko na siya.Miss na miss ko na siya.Sabi niya one week lang siya dun pero ano?Two weeks na siyang wala.
Palagi ko siyang tinatawag pero hindi niya naman sinasagot yung mga tawag ko.

Palagi nalang ganito.Akala ko pa naman tapos na yung problema namin pero hindi pa pala kasi may bagong dating na problema na naman.Hinawakan ko nalang ang tyan ko at pinunasan ang luha na pumapatak sa mata ko.

Tinawagan ko si Taehyung dahil kailangan ko ng kaibigan ngayon.
Kailangan ko ng bestfriend.

Calling Lisa.....

"Hello Lisa"

[Hello Jennie napatawag ka may problema ba]

"Ahmm wala naman namiss lang kita"

[Na-miss ko rin kita yung kakulitan mo jennie]

"Lisa wala pa rin bang contact si jimin sa inyo hanggang ngayon"

[Wala pa eh]

"Lisa diba sabi ni Jungkook nasa states din si Irene?Eh kasi dun ding bansa pumunta si jimin eh.Sana naman hindi sila magkita dun"

[Hindi naman sigurado ang lawak lawak kaya ang states at impossible na magkita sila dun no]

"Salamat lisa ah kasi palagi kang nandyan kapag kailangan kita"

[Ganun ka din naman jennie eh.Lagi ka ding nandyan kapag kailangan kita]

"Sige Lisa bye na matutulog na ako"

[Oh sige bye ingat ka dyan]

"Salamat"

*Toot toot*

Umakayat ako sa kwarto para maligo at matulog na.Sana pag gising ko bukas nandito na si jimin.Sana bumalik na siya bukas.Hindi niya naman babalikan si Irene diba?Mas Mahal niya naman kame kesa kay Irene diba?

Yan yung tanong na pumapasok sa utak ko.Kaya sa pagiisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*Fastforward*

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.Bumangon na ako at ginawa na ang mga ritual ko.Pagkatapos kong gawin yun.bumaba na ako at dumeretso sa kusina pero nagulat ako sa nakita ko.Si jimin!nandito na siya.nandito na ang asawa ko.

Lumapit ako sa kaniya para yakapin pero iniwasan niya lang yung tingin niya sakin.Huh anong meron sa kaniya?Bakit parang ang cold cold niya ngayon.

"Good morning wifey kelan ka pa nakauwi"tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin

"Uy wifey kausapin mo naman ako"Sabi ko at tinusok tusok yung bewang niya pero nagulat ako sa ginawa niya.Tinabig niya ang kamay ko at sinigawan niya ako.Kumakain kasi siya.

"ANO BA NAKITA MO NAMANG KUMAKAIN AKO DIBA?WAG KANG NGA MANGULO"Yan yung sigaw niya sakin.Bakit ba siya nagkakaganyan?
Pumunta lang siya sa States nagkaganyan na siya.

"Jimin hindi ko sinasadya.Bakit ka ba nagkakaganyan"tanong ko sa kaniya.Feeling ko babagsak na yung kuha ko pero pinigilan ko lang.

"Tss wala kang pake"Sabi niya at umalis ng kusina pero napatigil naman siya sa paglalakad ng magsalita ako.

"Kaya ka ba ganyan dahil nagkita kayo ng ex-girlfriend mo na sinasabi mong childhood friend mo si Irene pero nagsinungaling ka sakin na ex-girlfriend mo pala si Irene"Sabi ko at napatingin naman siya sakin at kumunot naman ang noo niya,at hindi naman siya nakapagsalita.

SAVE ME✓(JENNIE x JIMIN)Where stories live. Discover now