Chapter 11: Date with my Kuya

611 21 0
                                    

Sabrina's POV

Nakakapagtaka lang. Bakit kaya magkasama si Summer at Harley? Feeling ko may something sa kanila eh.

Pagkaalis ni Summer ay pumunta na rin kami sa kanya-kanya naming room.

Nilapitan ko agad si Summer para tanungin kung anong meron sa kanila ni Harley.

"Summer, what was that?" I asked.

"About what?"

"Duh! Kayo ni Harley. Bakit kayo magkasama?" I asked again.

"Tsk, about that, kaya kami magkasabay ay dahil magkasama na kami sa isang bubong--- pero magkahiwalay ng kwarto." paglilinaw niya.

"Eh bakit kayo magkasama sa iisang bubong?" tanong naman ni Sandy na nasa likod ko pala kasama si Shana.

"Ito na nga, magkukwento na ako," inayos niya ang kanyang upuan para humarap sa amin. "Kahapon, di ako pumasok dahil sumama nga ang pakiramdam ko. Bago ako umuwi, bumili muna ako ng lunch sa Fastfood. Palabas sana ako ng Fastfood nang bigla akong magcollapse pero may humawak sa bewang ko---"

"Wait, I'll guess of it. Si Harley yung humawak sa bewang mo noh?" Singit naman ni Shana.

"Yes. At, ayun siya ang nagdala sa akin sa condo pero don't make me wrong, wala lang yun. Ewan ko, baka concern lang siya sa akin. Then, ayun, ginawa niyang opportunity yun para makitira sa condo ko kasi nga daw pinalayas siya sa kanila." Dugtong ni Summer sa kwento niya.

I raised my right eyebrow before talking to Summer. "Hmm, Is he trustworthy?"

"I guess he is. Mabait naman siya tsaka may soft-side naman siya. So, don't worry." Sabi ni Summer na nakayuko ngayon.

"May point ka. Tsaka, siguro pinayagan siya ng Kuya mo na makitira sayo kasi diba, kaibigan naman siya ng kuya mo?" sabi ni Sandy.

Nag-nod lang sa kanya si Summer at tsaka humarap na sa harapan.

Pagkaalis namin sa harap ni Summer ay ang pagpasok naman ng aming Filipino Teacher. Umupo na kaming lahat sa aming mga upuan at tsaka siya binati.

Napatingin ako kay Summer. Nakayuko pa rin siya at parang may malalim na iniisip. Ano kayang problema niya? Pinoproblema niya kaya yung pagpapatuloy niya kay Harley? O may iba pang dahilan?

Bakit parang feeling ko na hindi maganda ang pagpapatuloy ni Summer kay Harley sa condo niya? Whatever! That's not my business anymore.

Selina's POV

Grabe, na-hot seat pa ako ng mga ka-Queenies ko. Nakakapressure. Buti na lang at malayo si Harley sa kinauupuan ko kung hindi--- I'm doomed!

Ngayon, lumulutang ang isip ko dahil kay Kuya Kev. Iniisip ko kung bakit siya nagyaya na magdinner. Di naman siya ganyan sa akin since before. Siguro... may sasabihin siya sa aking importante. Ano naman kaya yun?

Pumasok ang isa sa mga estudyante ng susunod naming teacher. "Hello, everyone. I'm Jacel Anne Romero and I am from Grade 10 Section 3, the advisory class of Mrs.Carmeto. I just want you to know that Mrs.Carmeto was absent and she want you to make an attendance and pass it on her table for the extra point. That's all. Thank You." She explained.

Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko at ang iba naman ay nagsayaw-sayaw pa sa kanilang mga upuan. What a nonsense people.

Sa sobrang pagkairita ko sa kanila ay agad akong lumabas ng classroom at pumunta sa Mini Garden nitong W.U. Umupo ako sa bench nitong garden at bumuntong-hininga.

Gusto kong magpakalayo-layo ngayon. Yung pwede mo nang takasan ang lahat ng problema mo. Yung kahit kailan ay hindi ka na pwede pang lapitan ng problema. Pati na rin ang inggit ay mawala na.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now