Sabrina's POV
Sinabi ko na kay Sandy yung pinagusapan namin ni Dad. Alam ko rin na sinabi na niya yun kala Shana at Summer.
Pumunta na agad ako sa office ni Dad. Di ko na sinama ang mga ka-Queenies ko except my twinnie dahil kailangan ko ng resback kapag napagtulungan na ako.
Kahit na nasa labas pa ako ng office naririnig ko na agad yung ingay ng mga kalalakihan sa loob. Hays, mga pabigat talaga.
Biglang lumabas yung secretary ni Daddy at lumapit sa akin.
"Miss Sabrina, nandyan na po yung mga transferrees and they are four boys." Bungad niya sa akin.
"Okay, then. I think kailangan kong patahimikin ang mga bibig nila." Naririndi na ako sa ingay nila.
"I think, Miss. Good luck." Ngumiti siya nang nakakaloko.
Bago umalis yung secretary ni Daddy may binigay siya sa akin and I think mga listahan 'to ng mga pangalan nung mga pabigat.
Pumasok na ako sa loob ng office ni Daddy habang si Sandy may kinuha lang saglit sa room namin. Pagkapasok ko, biglang tumahimik ang mga pabigat. Pumunta ako sa harapan nila at humarap.
"Oh ba't tumahimik kayo?" Pagtataray ko.
"Eh anong gusto mo Miss? Magligalig kami dito ng buong magdamag?" Sabi nung lalaki na brown ang buhok. Pilosopo 'to ah. Sinusubukan ata ako. Maldita radar is ON.
"Try mo rin." With matching Maldita smile. "Kaso...di ka pwedeng tumigil kahit one second lang." Dugtong ko. Sabay nagtawanan yung mga tropa niya. Biglang bumukas ang pinto.
"Shut up! Ang ingay naman dito!" Sabat ni Sandy. Tumingin sa amin yung nga pabigat na parang nagtataka.
"Why?" Sabay pa kaming nagsabi ni Sandy.
"Jaye, Kambal na maldita." Sabi nung lalaking mukhang adik. Nag-nod naman yung lalaking brown ang buhok na Jaye ata ang pangalan, pero nakatulala pa rin.
"Oh bakit kayo natameme sa kagandahan namin?" Sabat ulit ni Sandy habang naka-cross arm. Napaubo naman yung apat.
"Why? We're beautiful naman ah?" Ayaw talagang magpatalo nito. Napakunot ako ng noo.
"Shut up, twinnie." Saway ko. Then she rolled her eyes.
"Okay. Kaya ako nandito para malaman niyo kung anong section kayo. Idi-divide ko kayo sa two's but before that kailangan niyong itaas ang kamay niyo pag tinawag ko ang mga pangalan niyo." Then isa-isa ko silang tinawag.
"Marquinez, Jaye." Nagtaas ng kamay yung lalaki na brown ang buhok.
"Martinez, Harley." Nagtaas naman ng kamay yung lalaki na I think matino naman.
"Santiago, Clyde." Nagtaas naman ng kamay yung lalaki na mukhang adik.
"Scott, Kevin." Nagtaas ng kamay yung lalaki na Boy version ni Summer. Teka lang... Scott? Parang may kilala akong Scott ang last name. Nevermind.
"Okay, now I will divide you into two's." Paliwanag ko.
"Clyde and Kevin..." Tumingin sa akin yung dalawa. "Both of you deserve at section 11." Nagulat sila sa sinabi ko. Hahaha! I like their reactions.
"What?!" Sabi nilang dalawa.
"Bingi ba kayo? Sabi ko, both of you deserve at section 11!" High blood na ako sa dalawang 'to. Kailangan paulit-ulit pa.
"We know... But why?" Mahinahon na sabi ni Kevin.
"Dahil di kayo bagay sa highest section. Look at yourselves, itsura pa lang di na bagay." Panlalait ko. Nagiging si Summer na tuloy ako. Tumayo si Clyde at lumapit sa akin.
"Grabe ka naman." Sabi ni Clyde. He close his fist na parang susuntukin na ako. Pero bago pa man niya ako suntukin pumagitna na si Sandy.
"Don't you dare to hurt my twinnie or else I will kill you." Then she gave her death glare to Clyde.
Umantras na si Clyde at may binulong. "Babae ka lang kung Hindi..."
"Ano?!" Narinig niya yun? Ang talas talaga ng pandinig niya.
"Hahalikan kita!" Sigaw ni Clyde na napagulantang sa amin ng twinnie ko. Nagtawanan naman yung mga tropa niya. Mga baliw talaga.
Tinignan ko yung reaksyon ni Sandy. Aba! Namumula ang bruha. Hay nako, di ko pa siya nakikitang namumula paano kasi ayaw magka-lovelife. Masyado kasing pinapanagutan ang pagiging Maldita.
Nagtatawanan pa rin sila. Urgh!Nakakabwisit na sila. sumigaw na ako ng malakas. "Shut up!!!!" Napahinto ko naman sila. "Kapag di kayo tumigil, hindi ko kayo tatanggapin sa school na 'to." Dugtong ko. Buti na lang at nanahimik na sila kung hindi papalayasin ko talaga sila dito.
"Sorry, Ms. M." Ms.M? Ano kayang meaning nun? Ms. Maganda kaya?
"Ms. M? Anong meaning ng M?" Kunot-noong tanong ni Sandy. Buti na lang at natanong niya yun kung hindi napahiya na ako. Ngumiti naman ng nakakaloko si Jaye.
"Ms. M for Ms.......... Maldita." Sabay tumawa siya ng malakas at sumabay rin ang tropa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Can I kill them? Urgh! Nakakainis na talaga sila. Mga Abnormal.
Naalala ko na isesection ko pa pala sina Harley at Jaye. Wahahaha! It's my turn. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at nagsalita.
"Okay, stop that stupid things. Harley and Jaye both of you will go in our section. Section 1." I know na may magrereact dito.
" Ha? Section 1?" Eto na naman kami.
"Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang? Yes, section 1 sila." Di pa rin sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Bakit sila Section 1?" Tanong naman ni Clyde. Ay Putspa, paulit-ulit na lang.
Bago pa man ako makapag salita, biglang sumabat si Jaye.
"Matalino daw kasi kami, di ba Ms. M?" Proud niyang sabi. Napaubo naman silang lahat. Isa pang Ms. M papatayin ko na siya.
"Oo naman." Sagot ko habang naka-fake smile.
Magbunyi ka lang pero sa akin pa rin ang huling halakhak. Akala mo ganon-ganon na lang yun? Hinding-hindi ako magpapatalo sayo. Hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo. Isa kaya 'tong Queen and I will never be a Slave.
---------------------------------------
A/N: Sorry kung natagalan bago ulit ako makapag-update. Medyo busy na kasi ako sa school eh. Be patience na lang mga Queenies. Love ya!
AJ, mention ulit kita. Request mo eh. Mention mo rin ako sa story mo.
YOU ARE READING
The Clash of the Gangsters [On-going]
Roman pour AdolescentsMagkakaroon kaya ng CLASH ang dalawang group ng gangsters? O mabubuo dito ang LOVE? Paano kung mabunyag ang lahat ng SIKRETO? Magiging masaya pa kaya sila? What team are you? Team Queenies.... Or... Team KingTrops? Queens Vs. Kings The Clash will st...