Chapter 27: TrueQueen

175 8 0
                                    

Sandy's POV

Hinihingal pa rin ako at di makapaniwala sa mga nangyayari kanina.

Puno ng dugo ang paligid ng kotse ko halatang malaki ang galit ng gumawa noon sa akin. Pero sino naman yun? Wala naman akong natatandaan na nakaaway ko ng grabe. Pero kahit sino pa man yun, dapat mag ingat na ako lagi.

"How are you now? Are you okay?" Tanong sakin ni Kevin. Nandito na kami sa loob at nakaupo sa isang couch dito sa bar. "Sige kumalma ka muna. Oh ito, inumin mo." Binigay niya sakin ang baso na may lamang tubig na kanina pa niya hawak.

Kinuha ko ito at ininom. Naubos ko ito agad dahil sa pagkahingal ko sa pagtakbo pabalik dito sa bar, samahan pa namin ng pagkatakot dahil sa nakita kong dugo sa sasakyan ko.

May trauma ako sa dugo. Malakas ang impact sakin pag nakakakita ako ng dugo. Bigla na lang akong manghihina at mahihimatay pero buti na lang medyo malapit lang sa entrance nitong bar yung pinagparkingan ko ng kotse kaya mabilis agad akong nakabalik dito.

"Sandy, calm down. You're still trembling. Hey, you're safe now. We're here to help you, don't worry. We will report this incident." Pagpapakalma sakin ni Kevin.

"Ayoko sa dugo. Ayoko sa dugo." Nawawala sa sarili kong sabi. I really hate the blood. I don't wanna see a blood.

"Why?" He asked.

"My kuya died infront of us, infront of me and ate Sab. Na...Nakita namin siyang naliligo sa sarili niyang dugo. T-That's why I hate seeing a blood." My young days are full of nightmares.

"Ow, that's why.." Kinuha niya ang baso sa akin at nilagay sa table na nasa harap namin. "Si Clyde na maghahatid sayo pauwi sa inyo. You should take a lot of rest. Don't stress yourself. Don't think too much about it para di ka mastress."

I just nodded. I don't know what to do right now. I just wanna go home and take a rest. This situation is stressing me out.

Nang kumalma na ako ay bigla akong tumayo. Nagulat si Kevin dahil dito.

"Oh saan ka pupunta? Just sit down and wait for Clyde para makauwi ka na." Sabi niya at sinunod ko yun.

Pagkaupo ko ay saktong bumukas ang entrance ng bar at niluwa nito si Clyde na halatang stress na stress na rin.

Tumayo si Kevin at nilapitan si Clyde. Medyo malayo sila kaya di ko naririnig ang mga pag uusap nila pero nakikita ko na seryoso silang dalawa. Di ko na lamang pinansin yun at nilaro ko na lang ang mga daliri ko.

Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako. Sino ba siya? Bakit galit na galit siya sakin? Ano bang nagawa ko sa kanya para gawin niya yan sakin. Arrgggghh!!

"Sandy, let's go. Iuuwi na kita. Si Kevin nang bahalang magreport nitong nangyari ngayon doon sa mga pulis. Ang kailangan lang nating gawin ngayon ay umuwi. At ikaw, kailangan mo nang magpahinga dahil alam kong naguguluhan at nagulat ka sa sitwasiyon ngayon." Sabi niya. Di na ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya.

Nang makarating sa kotse niya ay agad akong sumakay. Ayoko nang alalahanin lahat ng nangyari ngayong gabi.

Tahimik lang ako sa kotse habang nagmamaneho si Clyde. Kahit ayokong alalahanin lahat ng nangyari kanina, di ko pa rin maiwasang alalahanin. Gulong-gulo ako sa lahat ng nangyayari. Bakit...Bakit ganon yung galit sakin nung kung sino mang yon? Alam kong maldita ako pero wala akong nakakaaway na halos magtanim na ng galit sakin. Na parang gusto na akong patayin. Bakit...nangyayari 'to?

"Sandy, don't overthink. We will help you about this. Don't worry. Malalaman din natin kung sino gumawa nito sayo." Biglang sabi ni Clyde na nagmamaneho pa rin.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now