Sabrina's POV
Nagulat kami nung bigla na namang lumabas ng party si Shana.
"Ikaw kasi doi eh, dapat diyan sa bibig mo lagyan ng panakip, kung ano-ano na kasi lumalabas eh." Sisi ni Clyde kay Harley. Tsk.
"Sorry na, malay ko bang masasaktan siya dun." Paumanhin niya. Natahimik kami bigla pero bigla namang binasag ni Sandy.
"Pero alam niyo? Ang weird niya. Bakit siya masasaktan eh diba ayaw niya naman nang may kapartner kasi ayaw niyang makapitan ng germs?" Nagtatakang tanong ni Sandy.
Sumagot naman ako sa tanong niya. "Duh, obvious naman Sandy. Tayong lahat may kapartner tapos siya lang ang wala. You didn't notice her? She's lonely since we've got here."
Mukhang umagree naman sila. Natahimik ulit kami at nanood na lang muna sa mga nagsasayawan sa gitna. They're already dancing now in a slow beat. Tatlong beses kasi sa party na may ganyan at una pa lang yan ngayon. Ang susunod na ganyan ay mamaya after games at ang huli ay pagkatapos i-announce ang Faces of the Night.
Natauhan na lang kami ng biglang napasigaw si Summer. "Oh my god! She's back with... Kuya Kev."
Napatingin kami sa direksyon na tunitignan niya. Literal na nanlaki ang mga mata namin, hindi dahil sa magkapartner sila, kundi sa magkahawak nilang mga kamay.
Wow, mukhang mawawala na ang pagkamaarte niya ah?
"Hello guys. Sorry I'm late." Sabi ni Kevin pero di pa rin kami umimik at mukhang napansin niya naman ang dahilan. "O-Oh, yeah, Shana is my partner. Please don't make her lonely. And I guess she will not longer be lonely. Right, Shana?" Tanong ni Kevin at tumango naman siya habang nakayuko.
Umupo sila sa gilid kung saan naka-upo si Shana kanina. Mukhang komportable naman 'tong si Shana kay Kev. Hmmm. Mukhang si Kev na makakasira sa mga kaartehan ni Shana ah?
Lumingon na ako sa unahan ko. Mukhang magsisimula na ang games. Ang ibang mga magkakapartner ay pumunta sa gitna at voluntary na sumali.
"Sab, gusto mo sali tayo?" Tanong ni Jaye.
"Ayoko, I don't like playing games. Sorry." Sabi ko. Mukhang naiintindihan niya naman ako at di na ako kinulit pa.
Sa aming apat na magkakapares mukhang walang may balak na pumunta doon sa gitna at maglaro. Sino ba kasing may pasimuno nitong games na 'to? Bakit di ko alam? Tsss.
Sa sobrang bored namin dito, may naisip silang gawin. Spin the bottle. Kung sino ang matapatan ay tatanungin namin kung paano sila naging kapartner ng kanilang partner.
"Ako na magpapaikot." Sabi ni Jaye.
Pinaikot niya ito hanggang sa matapatan ng nguso ng bote si Sandy. Haha, my twinnie.
"Hayst, ako talaga una?" Tanong nito. Tumango kami at siya ay napairap.
"So Sandy, paano kayo naging magkapartner ni Clyde?" Tanong ko.
"Okay so... Ahmm. Ganto kasi yun..." Nakikita ko na napepressure siya haha. "Pauwi na kasi kami nun ni Sab kaso may meeting pala siya tapos naghintay ako sa kanya sa waiting shed nitong school tapos... Pumikit ako ng ilang minuto tapos nagulat ako dahil nasa harapan ko na si Harley tapos ayun, tinanong niya ako kung pwede ko siyang maging partner kaya ayun, umoo ako." Paliwanang niya.
Nagsitanguan naman kami at mukha namang totoo ang sinasabi nitong si Sandy.
"Pero Clyde, wag na wag mong gagawing babae mo yang si Sandy kundi mapapatay talaga kita." Pananakot ko kay Clyde dahil alam ko namang babaero yan tsk.
"Of course, Ms. Washington." Sagot niya. Inirapan ko siya dahil sa nakakalokong ngisi niya.
"Oh sige ako naman magpapaikot tutal tapos na ako." Pagpuputol ng usapan ni Sandy.
Pinaikot niya ang bote hanggang sa matapatan nito si... Summer.
"Paano ko naging partner si Harley?" Tumigil siya saglit at agad namang tinuloy ang sasabihin. "Kasi.... Syempre duh, nasa isang bubong lang naman kami kaya alam niyo na yun kung bakit kami naging partner." Pagdadaretso niya na halata namang ayaw niyang pag-usapan. Tss, bitter summer.
After ng napakawalang kwentang sagot ni Summer ay pinaikot ito agad ni Harley. At ang bote ay tumapat naman kay Kevin.
"Shit, ako na pala." Gulat na sabi niya na mukhang may iniisip ata. "So ahm, di ko na pahahabain pa. Nagkabungguan kami kanina ni Shana. Tinanong ko siya kung bakit siya lalabas at nalaman ko na wala pala siyang partner tulad ko kaya naman niyaya ko na siya agad na maging partner ko." Ani Kevin. At mukha namang totoo ang mga sinasabi niya.
At dahil kami na lang ni Jaye ang hindi natapatan, automatic na kami na ang last na tatanungin. Si Jaye na ang pinasagot ko dahil ayoko nang magsalita pa hehe.
"Naging partner ko si Brina dahil, syempre ayoko siyang mapunta sa iba eh. Yun lang." Napatingin kami sa kanya dahil sa naging sagot niya.
Wtf? Anong klaseng paliwanag yun?
"What? May nasabi ba akong mali?" Tanong niya dahil di pa rin naalis ang tingin namin sa kanya.
"Wtf, bro. Your explanation is very possessive. Sayong-sayo na si Sab, okay?" Sabi ni Harley.
Agad namang sumagot si Jaye. "Syempre naman." Napailing na lamang ako.
Maya-maya pa ay natapos na ang palaro dito sa party. Sino man ang may kagagawan niyan, papalayasin ko dito sa school na 'to. Tsk.
Sumunod na activity namin ay... Kainan. Bago kasi muna magsayawan ulit kailangan muna naming kumain para may lakas pa rin kami hanggang sa matapos ang party.
Tumayo na kaming lahat para kumuha ng kanya-kanya naming mga pagkain sa catering pero naweirdan ako kay Jaye kasi bigla siyang nagpaiwan. Kinuhaan ko na lang siya ng pagkain para di na siya pumunta pa dito at pumila.
Tumingin ako sa gawi niya at mas lalo akong naweirdan sa kanya dahil parang nag-aalala siya.
'Wth, Jaye?'
Jaye's POV
Nagpaiwan ako dito sa table namin dahil parang may kakaiba. Parang may kanina pang nakatingin sa amin. Simula nang magstart 'tong party alam kong may nakatingin sa amin.
Habang nag-iisip ako napatingin ako sa vase. May color red velvet na papel sa loob nito na wala naman ang ibang vase sa ibang lamesa. Kinuha ko ito at tinanggal ang ribbon. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakasulat dito.
'Hey, I'm back. I will get and kill them. Be prepared.' - TrueQueen
"Shit!" Mahina akong napamura dahil dito.
Hindi pwede, hindi pa kami handa. Di niya pwedeng mapatay ang kambal. Kailangan namin siyang maunahan.
'Hindi ko hahayaang kunin mo ang buhay nila.'
—————————————————
A/N: Another UD for you.
Sino kaya ang bumalik para kuhain ang buhay ng kambal? Hmm.
SKL. TXT Comeback ngayon huhu. Run Away.
*KATEKATHANASH*
10/21/19
YOU ARE READING
The Clash of the Gangsters [On-going]
Teen FictionMagkakaroon kaya ng CLASH ang dalawang group ng gangsters? O mabubuo dito ang LOVE? Paano kung mabunyag ang lahat ng SIKRETO? Magiging masaya pa kaya sila? What team are you? Team Queenies.... Or... Team KingTrops? Queens Vs. Kings The Clash will st...