Chapter 22: The Preperation for Acquaintance Party 2.0

358 11 0
                                    

Sadina's POV

Dito kami ni Sabrina nag-ayos sa mansion namin. Dito kasi mas makakapili kami ng maayos na gagamitin namin kaysa dun sa condo niya. Si mommy kasi ang pumili ng designer para sa gown namin at syempre kami naman ni Sab ang namili ng susuotin namin na gown. Si Mommy naman ang siyang nagmake up sa amin kasama ang isa sa katulong namin na magaling magmake up.

Nasa baba si mommy para kumuha ng ipang-lalagay sa buhok namin para mas maging maayos na kaming tignan.

"Sandy, di pa pala kita natanong about sa kapartner mo." Sabi ni Sab. "So... Sino nga ba ang kapartner ng twinnie ko?" Dugtong na tanong niya habang nakacross arm at nakataas ang kilay.

Kinabahan ako bigla sa tanong niya dahil baka magalit siya sa akin kung sasabihin ko na isa sa mga pabigat ang kapartner ko.

"Sandy, ano na? Sino ba?" Pangungulit niya.

"A-ahh si... a-ano... Ahmm.."

"Sino?"

"Si Clyde. Hehe." Kabado kong sagot. Nakita ko naman na hindi siya ganon nagreact maliban sa maliit na ngiti na nasa mukha niya ngayon na parang sinasabi na 'okay'.

Maya-maya pa ay dumating na si mommy dala ang dalawang maliit na tiara. Silver pareho ang kulay nito.

"Sabrina, nandyan na nga pala yung partner mo sa tapat ng gate. Hinihintay ka na." Sabi ni mommy habang nilalagay ang tiara sa naka-bun na buhok ni Sab. Pagkalagay ni mommy ay agad nang nagpaalam ang kambal ko at humalik sa pisngi ni mommy.

Pagkaalis ni Sab ay ako naman ang inasikaso ni mommy. "Sandy, may kapartner ka ba ngayon tulad ng ate mo?" Tanong niya.

"Opo. Siguro padating na rin po yun. Itetext ko na lang po." Sagot ko. Napangiti si mommy habang nilalagay ang tiara sa naka-pony tail na buhok ko.

"Hayst, ang mga baby ko. Dalagang-dalaga na. Alam mo anak? Gusto kong magkaroon na kayo ng boyfriend, sa totoo lang. I know you both already know about your limitations. Right, Sandy?" Tanong ni mommy na kinatango ko. "I just want you to feel being important to the others. Wala lang. Feeling ko kasi anak, both of you are matured enough lalo na si Sabrina. Simula kasi ng nawala yung kuya ZK niyo, nag-iba siya. She became matured. Ikaw naman, ganon din pero nakikita ko na mas nakamove on ka na ng konti kaysa sa ate mo." Paliwanag ni mommy. Napaisip ako bigla.

Tama si mommy, siguro nga time na para maging masaya na ulit kami. Masyado kaming kinain ng lungkot at galit simula nung nawala si Kuya. Si Sab, kahit na nandyan na si Jay-Jay, nakikita ko pa rin na hindi siya masaya. Puno pa rin siya ng lungkot at galit. Ako naman, oo, nagiging masaya naman ako pero hindi pa nga lang ganon kasobra. Nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ni kuya. Hayst.

Kinuha na ni mommy ang mga gamit sa kwarto namin ni Sab. Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago tuluyang lumabas ng kwarto at bumaba.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sana si Clyde pero nagulat ako nung may nakita akong message galing sa kanya.

From: Clyde

Nandito na ako sa tapat ng mansion niyo. Labas ka na Prinsesa ko.

Prinsesa ko? Eh? Hahahaha! Sana all?

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko si mommy kaya naman ay nagpaalam ako. Hinatid ako ng isa sa mga katulong namin palabas nitong mansion at nakita ko si Clyde na nakangiti at nakatingin sa akin. In fairness, haha, gwapo siya ngayon. Bagay ang black suit at red shirt (sa loob) dito sa Black and red na gown ko. Syempre hahaha! Paanong di babagay eh pinag-usapan namin yan kanina.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now