Chapter 14: Fix

550 20 0
                                    

Harley's POV

Hello! I'm Harley Martinez. I'm 16 y/o and I'm half Korean. Hehe.

Nandito ako sa Condo ni Summer. Nagluluto ako ng kakainin namin ngayong gabi. Di ko na siya sinama sa pag-uwi dahil kasama niya naman yung mga kaibigan niya at alam ko rin na ihahatid na siya dito nung mga yun. O kaya, baka ihatid din siya ni Kevin.

*Door Opens

Pumunta ako ng sala para tignan ang pumasok.

"Oh, bakit ganyan itsura mo? Para ka namang yelo na galing sa ref." Gulat kong sabi kay Summer pagkapasok niya.

"What do you care?" Inis na sabi niya. Tsk.

"Tss, Sungit." Bulong ko. Akmang aakyat na siya sa taas nang tawagin ko siya. "Teka, sinong naghatid sayo?"

"Nagtaxi ako." Matipid na sagot niya.

"Eh? Dapat tinawagan mo ako."

"Wala akong number mo."

"Edi dapat kinuha mo sa akin."

"Edi wala ka ng number. Di na kita matatawagan."

d0_0b

"What the?! Why are you being sarcastic?!" Sigaw ko sa kanya.

"I'm not in the mood." Malamig niya namang sabi. Grrrr!

"Tsss. I'll give you my number so that you can call me if ever you don't have service going back here." Malumanay kong sabi ngunit wala pa ring reaksyon sa mukha niya.

"Okay."

Binigay niya ang cellphone niya sa akin at nilagay ko naman agad ang number ko.

"Oh ayan, tawagan mo ako o i-text. Baka mamaya may mangyari sayong masama, malagot pa ako sa kuya mo." Sabi ko.

"Tss." At doon na siya tuluyang umakyat sa taas.

Eh? Di man lang kumain? Tsk, mamaya ko na nga lang tatawagin pag tapos na ako magluto.

Bumalik ako sa kusina at tinapos ang dapat gawin. Pagkatapos kong magluto't maghain, umakyat ako sa taas para puntahan siya sa kwarto niya.

*Knock Knock Knock

"Summer, kain na tayo." Tawag ko sa kanya.

"Mauna ka na, mamaya na lang ako kakain. May ginagawa pa ako eh." Sabi niya.

Pagkasabi niya nun ay agad akong bumaba at tulad ng sabi niya ay nauna na akong kumain.

*Briiiiizzzkkk Briiiiiizzzkkk

Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone.

Kevin Calling...

[Hello, Harley?]

"Ye? Yoboseyo?" sabi ko.

*Translation: Yes? Hello?

[Doi! Wag mo akong madaan daan diyan sa lenggwahe mo ah!] sigaw niya na ikinatawa ko naman.

"Hahahaha! Oh eh bakit ka napatawag?"

[Si Summer, o-okay lang ba siya?] tanong niya na may halong pag-aalala.

"Oo, pero may kakaiba sa kanya ngayon eh."

[Ano naman yun?]

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now