Chapter 25: The Night of Acquaintance Party 3.0

203 9 1
                                    

Sabrina's POV

Pagkakuha namin ng pagkain ay agad na kaming bumalik sa table namin kung saan nandoon si Jaye.

Ang weird talaga ng kilos niya. Palingon-lingon na siya sa paligid niya na parang may hinahanap. Ano naman kaya yun?

Pagkaupo ko sa area namin ay tinanong ko agad si Jaye.

"Jaye? Is there any problem?" Bungad na tanong ko sa kanya. Lumingon naman agad siya sa akin.

"No, wala." Sagot niya habang umiiling. Di ako naniniwalang wala alam kong meron base sa kinikilos niya.

Dumating naman agad yung tatlong pares. They're holding their foods. They sat after they came here on our table.

Kakain na sana kami nang biglang tumayo si Jaye. "Guys, after ng announcement ng Faces of The Night aalis na agad tayo." Seryosong saad niya.

Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mukha nitong mga katabi ko. I don't know why Jaye is acting so weird right now. Parang wala na sa lugar eh.

"But why?" Sandy asked.

"Basta." Maikling sagot na mas nagpataka sa amin. "Boys, ihatid niyo ang mga girls. Mag-ingat kayo." Dugtong niya. Napakunot naman kaming mga babae ng noo.

"Weird." Sabi ni Summer na nasa gilid ko.

"I know." Tugon ko sa kanya at tumingin ulit kay Jaye na nakatayo pa rin hanggang ngayon.

"Sige, Jaye." Sagot ni Kevin sa kanya.

"At kayo namang mga babae," Tumingin siya sa amin. "Wag na wag kayong aalis sa tabi namin ah?"

"Teka nga, ano bang nangyayari?" Tanong ko. Sa wakas natanong ko na rin. Di ko na kasi kaya yung pagiging weird niya eh.

"Basta makinig na lang kayo! Simple lang naman yung pinapagawa sa inyo eh!" Sigaw niya na nagpagulat sa amin. Sobrang weird na niya, seriously.

"Bakit nasigaw? Nagtatanong lang naman si Sab eh." Sabat ni Shana.

Tumingin si Jaye sa kanya ng seryoso. "Makinig na lang kasi kayo. No buts. No questions. Period. End of discussion."

"O-Okay." Si Shana.

Tahimik kaming kumain dahil sa inasta ni Jaye kanina. Sure akong may nangyari kanina nung wala kami. At ano naman kaya yun?

Pagkatapos naming kumain ay nagtuloy-tuloy na yung activities nitong party. Medyo bumalik na rin yung pag-iingay dito sa table namin pagkatapos nung nangyari kanina. Nag-aasaran, nagtatawanan, ganon kasaya. Di ko alam na ganto pala sila kasayang kasama. Ngayon na lang din namin nararanasan 'to dahil puro pagmamaldita at kaseryosohan lang ang nararanasan nung mga nakaraang taon. I can say that we're now so confortable with them. I really can't imagine that our enemy could be our friends. I know it's so hard to believe but look, we are all so good to each other. No war and I'm so happy about it.

Ilang oras din ang nakalipas at ito na...Ito na ang hinihintay naming moment, ng lahat, actually. Ang Face of The Night.

Bago pa i-announce ang mga mananalo para diyan ay meron munang mga special awards like 'Best in Long Gown', 'Best in Formal Suit', at 'Best Couple'.

"And this is it. The most precious moment. The most awaited moment. We will be announcing the Faces of The Night," Sabi ng MC at nagsihiyawan naman ang lahat. "So now the Face of The Night for the ladies is....None other than... Ms. Sabrina Washington!"

Haha, di na ako nagulat doon.

Habang inaalalayan ako ni Jaye sa pagpunta ng stage ay pumapalakpak naman ang mga tao.

Pagkadating ko sa stage ay tinanggap ko agad ang award at nagbigay ng konting speech. Pagkatapos ng aking speech ay pinaupo naman nila ako sa tinatawag nilang 'Royal Seat' at nilagyan ng tiara sa ulo na parang isang reyna.

Di nagtagal ay inannounce naman nila ang sa mga lalaki at sure akong si Jaye yan. Haha.

"And now, for the gentlemens, the Face of The Night is.... Mr. Jaye Marquinez!" Nagpalakpakan naman agad ang mga tao dito. I knew it.

Umakyat agad si Jaye at tinanggap ang award. Nagbigay din siya ng konting speech at tsaka umupo sa tabi kong upuan. Nilagyan din siya ng maliit na tiara na katulad ng sa hari. Pagkalagay sa kanya ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Bago pa man kami paalisin ay pinicturan muna kami. At halatang tuwang-tuwa sa amin. Hahaha.

Hayst, ang tagal. Baka mahagard ako grr. Ang hirap talaga pag sobrang ganda mo. Tsk.

Shana's POV

Wow! Ang ganda nilang tignan hahahaha! In fairness, bagay sila.

"Ang hari At reyna." Sabi ng katabi ko. Si Kevin.

"Is there any problem, Kevin?" I asked.

"Hmm nothing. Bagay sila. May chemistry." Sabi niya habang nakatingin sa dalawang papalapit sa amin.

"Oh tapos na ang awarding, tara na. Uwi na tayong lahat." Bungad na sabi niya pagkarating sa pwesto namin. Sinunod na lang namin siya.

After packing our things, we went on the parking lot. Nung nasa tapat na kami ni Kevin ng kotse niya ay tinawag siya bigla ni Jaye.

"Kevin." Lumingon naman agad si Kevin sa kanya.

"Bakit, Jaye?" Tanong niya kay Jaye.

"May sasabihin ako."

"Ano yun?" Lumingon si Jaye sa akin at mukhang napansin ni Kevin 'yon At tumingin rin sa akin. Mukhang nakuha naman agad yun ni Kevin.

"A-Ahm, Shana mauna ka nang pumasok sa loob. Susunod ako. Kakausapin ko lang saglit si Jaye." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako at sumakay agad sa loob ng kotse.

Lumayo sila ng kaunti dito sa kotse pero nakikita ko silang nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakita ko na may nilabas na papel si Jaye. I guess color Red Velvet na papel? Nakita ko rin ang reaksiyon ni Kevin pagkakita at pagkabasa sa papel. Gulat at takot. 'Yun ang reaksiyon niya. 'Yun siguro din ang dahilan kaya sobrang weird ni Jaye kanina. Pero bakit? Anong meron sa papel na yun?

Bakit kaya ganon ang reaksiyon ni Kevin? Ano kayang nakalagay sa papel na 'yun?

-------------------------------------

A/N: HELLO GUUUYYYSSS!! OMO NAMISS KO KAYO HAHAHAHA!!! SO ITO SHORT UPDATE PARA SA INYO.

STAY SAFE, GUYS. ❤️

SEE YOU ON NEXT UD. LABYUU. MWAAHHH!❤️

*KATEKATHANASH*

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now