Chapter 15: Privacy

499 23 0
                                    

Shanaia's POV

Pagkatapos kong kausapin si Summer ay agad akong sumakay sa aking kotse.

Nakakapanibago talaga siya. Paano niya kaya nakakayanan yung pagiging cold niya? Tapos may pagkasarcastic din siya. Siguro tulad namin--- napansin din ni Harley ang pagiging malamig ni Summer. Summer pa ba dapat ang pangalan niya... o Winter. Hehe.

Mabilis akong nakarating sa W.U. dahil sa wala namang traffic ngayon. Pinark ko muna ang kotse ko bago pumasok sa loob ng University. Tulad ng inaasahan ko, maraming nagtitinginan sa akin na mga stupident at pinag-uusapan ang kabuuan ko. Masaya ako dahil sa mga sinasabi nilang positive hehe. Wala naman gaanong negative akong naririnig.

Naglakad ako sa hallway nitong G10 building at ganon pa rin ang mga bulungan nila. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay wala naman gaanong nag-iingay dahil kakaunti pa lang kami dito sa loob. Napansin ko naman na wala pang nakaupo sa katabing upuan ni Summer kaya naman ay ako na ang umupo doon tulad ng sabi ko sa kanya kanina. Nilibot ko ang paningin ko sa likod at nakita ko si Sabrina na busy sa libro niya. Katabi naman ni Sabrina ang kakambal niya na busy naman sa cellphone niya. Di sila nag-iimikan pareho na kinapabago ko. Tsk, hanggang ngayon pa rin pala di sila nagpapansinan.

Maya-maya lamang ay pumasok na sa loob sina Harley at Summer. Pumunta na si Harley sa upuan niya which is sa left side at umupo naman si Summer sa tabi ko which is sa middle part ng classroom. Inilagay na niya ang kanyang gamit dito sa ilalim ng desk niya at kinuha niya mula sa kanyang bag ang nagkakapalang Math na libro. Wow, hanggang ngayon pala ay desidido siyang malamangan si Sabrina sa pagiging Top notcher.

Tinignan ko siya at saka kinulbit. "Pstt, Summer." Di naman siya nagkailang lumingon sa akin.

"Bakit?"

"Ah kasi ano, pwede ba tayong sabay na mag-break May sasabihin lang ako sayo." Sabi ko at tinabingi niya ang kanyang ulo.

"Mm, sige." Pagpayag niya.

Bago pa man ako ulit magsalita sa kanya ay yun namang pagpasok ni Ma'am Lia.

Nagturo lang siya nang nagturo at saka nagpaquiz. Sa sumunod naman naming lecturer ay ganon din ang pinagawa sa amin. Hanggang sa mag-break time.

Sabay kaming lumabas ni Summer at saka tumungo papuntang Cafeteria. Umupo kami sa bandang gilid ng cafeteria para di masyadong pansinin ng mga stupidents. Nag-order naman siya ng makakain namin. Di nagtagal ay naka-order na siya at agad na umupo sa aking harapan.

Kinuha ko ang isang mocha cake at isang iced tea. Tahimik lang kaming kumakain. Tumitingin ako sa mukha ni Summer habang siya ay kumakain, blangko, blangko ang mukha niya, mapungay din ang mga mata niya at medyo namumutla naman ang labi niya kahit nilagyan niya ito ng liptint.

Hindi ako makapagsalita dahil humahanap pa ako ng tiyempo. Nahihiya ako't natatakot sa kung ano mang sabihin niya sa akin. Iba siya ngayon kaya ang hirap basahin ng mga nasa isip niya pati na rin ang nararamdaman niya.

"If you want to tell me something, hurry up and don't look at my precious face." Sabi niya na kinagitla ko. Nakatingin pa rin siya sa kinakain niya nung pagkasabi niya nun at ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-ah, sorry. I just can't believe that you have t-that k-kind of expression. I'm not used to be like that, l-like that e-expression. N-nakakapanibago." Nauutal at kinakaban kong sabi.

"Tss. Sabihin mo na agad sa akin ang dapat mong sabihin. The time was running." Sabi niya na nakatingin na pala sa akin.

"A-ahm okay," Umayos muna ako sa pagkakaupo ko bago ulit magsalita. "Kasi tulad ng sabi ko, nakakapanibago ka. Actually, di lang ikaw--- pati na rin sina Sab at Sandy. Hindi ako sanay na ganyan kayo, masaya naman tayo dati diba? Bakit nagkaganito? Naguguluhan na ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now