Neville POV:
Bigla nalang namutla ang aking mukha. Hindi nila siya nakikita? Paanong? Baka isa siyang multo! No!
Agad akong tumakbo ng mabilis. Narinig ko ngang tinawag ako ng mga katropa ko pero wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga ay ang makalayo sa multo. Pumunta ako sa garahe upang kunin ang kotse ko at agad pinaandar ito. Buti bukas ang gate at dahil sa bilis ko ay hindi na iyon namalayan ng mga guards.
Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho. Shut that ghost! Ang buong akala ko ay isa siyang stalker pero ang totoo isa pala siyang MULTO. Nung una, may naramdaman akong kakaiba sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko nalang dahil hindi ako naniniwala sa multong yan!
Noooo!!! This is not real.Pagkadating ko sa mansyon namin ay nagtataka sila kung bakit ang aga Kong umuwi. Wala na akong pakialam kung hindi ako nakapasok sa next subject.
"Yaya! Kumuha ka ng isang kilong asin, onion, kamatis at yung bawang gawin mong kwintas. Dalhin niyo sa kwarto ko. Bilisan niyo kundi you're fired!" natarantang sabi ko sa kanila at agad namang sinunod nila 'yun.
Pumasok na ako sa aking kwarto para maghanda sa pagpapaalis ng multo sa buhay ko.
~~~~~Her POV:
Bakit bigla-bigla siyang umalis? Ayaw niya ba ng kiss ko? Tse! Ang kj niya.
Sinundan ko siya pero wala ng kahit anino niya ang nakita ko. Siguro natakot na siya sa akin. Wait! Yes! Natakot na siya sa multong kagaya ko. Pero may isa pa akong misyon para manahimik na ang kaluluwa ko gaya ng sabi niya.Naglakad lang ako sa gilid ng kalsada para mahanap ang kinaroroonan niya dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang bahay niya eh! Trip ko lang maglakad ngayon habang inaalala ko ang sinabi niya sa akin.
~Flashback~
Oh my... Ang ganda niyang multo!
"Hi my dear ghostie!" nakangiting bati niya sa akin.
"Hello din ghostie!" masiglang bati ko.
Tawagan namin ay ghostie dahil magbestfriend kaming dalawa. Ayaw naming tawagan ng bestie dahil pangtao daw yun. Mga multo daw kami kaya Ghostie ang tawagan namin. Diba ang sosyal?
"Ghostie! Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya.
"Ghostie, may sasabihin ako sayo." saka ngumiti ng tipid. Ano kaya yun?
"Gusto mo bang makilala kung sino ka ba talaga?""Oo naman! Alam mo bang kung sino ako?"
nakakunot ang multong noo ko sa mga sinasabi niya."Ikaw ang dapat makatuklas kung sino ka sa tulong ng isang tao. Kapag nalaman o naalala mo na kung sino ka ay bubukas ang pinto sa kabilang buhay kung saan ka nararapat." seryosong tugon niya.
"Ang nakikilala ko lang tao dito ay si..." sino ba? Ah! "Si.. Mr. Pogi po or Neville ang pangalan."
"Iisa lang ang maipapayo ko sayo. Don't fall in love with him. Tandaan mo isa kang multo at siya ay nabubuhay pa. Kahit multo ka ay titibok parin ang pusong ito kaya yan ang iwasan mong mangyari. Masasaktan mo lang siya sa huli dahil iiwan mo rin siya." sabay turo niya sa puso ko. Oh my Ghost! Impossible to happen.
"Hahahahahahah!!!! No way ghostie! Hindi ako maiinlove sa kanya. Hahahhaha!!!" sabi ko habang tumatawa pa.
"Malay mo...tadhana na mismo ang bahala." pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla nalang siyang naglaho.
"Ghostie!"
~End of flashback~
Neville POV:
Kamatis
Onion
Asin na pinalilibutan sa tabi ng kama ko para maalis ang multo. Check!
Kwintas na bawang sa leeg ko. Check!
All check!Hindi ako nakapagpalit ng uniform ko dahil sa paghahanda para sa labanan ng mga masasamang espirito. Kinuha ko ang takip ng makinis na kaldero namin at isang walis. Para akong knight and shining armor nito ah! Para akong baliw pero bahala na para ito sa kaligtasan ng gwapong ako. Ayaw ko pang mamatay sa takot dahil siguradong maraming girls ang umiyak kapag wala na ang The Good Kisser Campus King nila.
Sa katanunyan nga, nagtataka ang mga maid pero pakialam nila. Humanda ka Neville hindi basta-basta ang kalaban mo. Isa siyang baliw na multo. Humanda ka sa akin dahil sa pagpapahiya mo kanina.
Nasa bed ako na nakatayo at parang sasabak sa isang laban. Ganyan ako palaging handa.
"Hi pogi!" ayan na siya kahit natatakot ako at hinanda ko ang sarili ko.
"Mr. Pogi, anong ginagawa mo? Para kang Indian diyan. Hahahaha!" sabi niya habang tumatawa siya. Ah! Humanda ka sa atake ko. Binitawan ko muna ang walis ko at kumuha ng bala.
1...
2..
3...
"Attack!" sigaw ko at kinuha ang mga kamatis at ibinato sa kanya pero tumatagos lang ang mga yun habang siya nakakunot na ang mga noo.
Sunod naman ang mga onions.. Pero ganun parin tumatagos sa kanya.
Hanggang naubusan na aking mga bala kaya hinanda ko na ang sarili ko.
(Continuation!)
Hinanda ko na ang sarili ko at kinuha ang walis at hinawakan maigi ang takip ng makinis na kaldero namin.
"H-huwag kang lalapit!" sabi ko pero siya tumatawa ng malakas. Sa napanood kong video kanina ay magiging ganun ang masamang espirit parang nababaliw.
Ano pa ba? Aha!"Umba umba umba! Oh masamang espirito! Umalis ka na! Alis, Alis, alis! Kadabra!" pakantang sabi ko. Ito kasi ang napanood ko sa video kahit hindi ko kabisado ang lyrics. Ay! Basta bahala na!
"Puto, hukay, chiwawa hamba umba taragumba masamang espirito alis! Umalis!" at pinatugtog ko pa ang takip ng kaldero namin gamit ang walis.Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa at tumahimik. Geez! Ang pangit niyang multo. Nakakatakot!
Kapag kasi tumahimik na raw ang multo ay ibig sabihin aalis na sila. Kaya to do effort si ako sa pagtugtog at pagsasayaw.
"Brason! Cruta! Fita! Oh masamang multo umba umba umba sobra vanish! Awoo!!! Tadan tadan! Umalis ka! Layas na! Now na!"
••••
A/N:
Pati ako natatawa narin sa mga kalokohan ko. Hahahaha Thankies guys! Wait sa next mga multo! 😂
YOU ARE READING
Happy Ghost
ParanormalGenre: Comedy-Horror Meet Neville De La Costa, ang campus king sa La Costa University dahil sa angking kagwapuhan niya. Hindi siya matalino at puro kalokohan lang ang ginawa sa buhay. He is a a good kisser kaya binansagan siyang "The Good Kisser Cam...