Chapter 5: Bubuyog

96 3 0
                                    

Neville POV:


Anu ba yang Math na yan! Nakakalito! Kung sino man ang gumawa ng math papatayin ko sa inis. Dapat ang sa math 1 plus 1 equals to 2. Wala na yang mga solution na yan! Nakakabaliw! 

Speaking of baliw, may biglang babaeng nagpapakita sa akin. 

"Hoy! Anu ka ba!!!" gulat na sigaw ko. Tsk! Shit na talaga itong stalker ko.

"Mr. De La Costa, may problema ba?" tanong ng guro namin. 

Hindi ko napansin na lahat ng mga kaklase ko at guro ay nakatingin na sa akin. TsK! Pahamak talaga itong stalker ko.

"Hi pogi! Yohoo!" 

"Umalis ka na nga dito baliw!" Suway ko sa kanya pero siya todo ngiti niya parin.

"Mr. Ikaw na yata ang nababaliw dito. Sino ang kausap mo?" dinig kong sabi ng guro namin pero ang atensyon ko ay nasa babaeng ito.

"Pogi! Magtago ka na." pananakot niya sa akin. Tsk! Sinong niloloko mo? Hindi pa bilog ang buwan para magtago. 

"Mr. Neville! Are you listening?" singhal sa akin ni prof. 

Teka! Hindi ba siya nakikita ng mga students dito? 

"Maam may babae po dito oh! Nangungulit." sabi ko pero lahat sila ay nagtataka. Yan na ba ang sinasabi ko eh! Sa sobrang dami ng polbo sa mukha at puting suot niya ay malamang hindi na siya nakikita. Bigla nalang siya naglaho sa harapan ko. Tsk! Imagination ko nga ito. Imagination mo ang limit. Baka---

"Mr. Neville! Sagutin mo nga ito!" sabay turo sa board.

"Patay!" sabi ko sa aking sarili pero mahina lang baka may chicks pang maturn-off.

"Ako ang patay." may bumulong sa tenga ko na isang malamig na boses. Tsk! Baka bubuyog lang yun na sinasabing patay na patay siya sa kagwapuhan ko. Hahaha!

Cool akong tumayo habang yung mga chicks Kong kaklase ay kinikilig sa akin. Ang hirap talaga maging pogi!

Ibinigay sa akin ng guro namin ang chalk at tumingin sa formula. No! Help me! Ang hirap talaga nito oh! Blanko talaga ang utak ko ngayon. Sana may tumulong sa akin na matalinong bubuyog. Ang hirap talaga! Anu ba nga yun?

"Dude, ang sagot ay 2 square root of pogi."
mahinang bulong sa akin. Yes! Salamat bubuyog kaya yun ang sinagot ko. Done! Kaya umupo na ako sa desk ko. 

"Ano ito Mr. Neville?!" bulyaw sa akin ni prof. "Anong 2 square root of pogi ( 2√pogi)?!"

Patay kang bubuyog ka!

Her POV:

Pagkatapos sabihin ng teacher kay pogi na Mr. Neville pala ang pangalan ay bigla nalang nagtatawanan ang kaklase niya except sa girls na todo kilig pa. Patayin ko kayo eh! May kilig pang nalalaman. Ay! Wag na ayaw kong maging massacre na multo. Nakakatakot yun. 

Nandito lang naman ako sa likuran niya habang tumatawa. Waahhahahahaha!!!! 
Hindi nga kita matatakot pero sa kahihiyan oo. Yes! Success!

Bigla nalang siyang lumingon sa gawi ko kaya biglang nagteleport naman ako. 
Napadpad ako sa isang abandonadong classroom. Yung mga upuan na luma ay pinagpatong-patong dito at nakikita kong alikabok ang bawat paligid. Wala bang general cleaning dito? Teka! Bakit tinawag na general ang cleaning? Magiging general kaya ako kung magcleaning ako? Ewan!

May narinig akong umiiyak na isang babae. Multo siguro yata ito katulad ko.

"Huhuhuhu" wow! Best actress na multo!

"Hoy! Huwag mo akong takutin dahil multo din ako kagaya mo." sabi ko sa kanya at bigla nalang siyang tumigil sa pag-iyak at humarap sa akin....
Oh my.... 

•••
Wait sa next beshy! End na po sa C5 ...
Round to Chapter 6 na tayo mga multo! Awoo!!!

Happy GhostWhere stories live. Discover now