Chapter 13.1

62 1 0
                                    

Neville POV:

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong sigaw sa kanya. Nakakainis na ang multong toh!

"Ay! Hindi ko alam na nandyan ka pogi kasi nacurious kasi ako kaya binuksan ko." inosente niyang sagot sa akin habang nakangiti pa. Creepy!

Bigla nalang ako nakaramdam ng panlalamig sa katawan ko. May aircon bang dala ang mga multo kaya sa tuwing lumalapit sila ay kinakilabutan ako sa lamig? Ay ewan!

"U-umalis ka! Bakit mo ako sinisilipan?"

Napatingin siya sa hubo't hubad kong katawan. Agad ko namang tinakpan ng kurtina ang macho kong katawan. Baka magahasa pa ako niya. Kasuhan ko kaya siya ng eye raping the handsome in the cr.

"Sabi ng umalis ka na eh! Naliligo ako Happy Ghost!" sabi ko ulit sa kanya. Nakangiti siya sakin na parang nang aasar.

"Ang laki ng kaibigan mo! Pwede ko bang mahawakan?" Napakunot naman ang noo ko. Wait---what?!

Bigla siyang naglaho sa harapan ko. Nag-iinit naman ang pisnge ko sa kahihiyan. Waaah! Na-GHOSTRAPE ako! Mommy! Help me!

•••

Happy Ghost POV:

Waaaaaaaaaa!!!!! Huhuhuhu! Hindi na virgin ang mga multo kong mata. Siguro namula na ako sa huling sinabi ko sa kanya. Goshies! Bakit ko ba nasabi 'yun?

Teka! Tumingin ako sa salamin nila dito malayo sa kwarto ni Neville. Tinignan ko kung namula nga ako. Hindi naman ah! Ang puti ko parin.

Nagteleport nalang ako sa bubong nila dahil nakakahiya kay Mr. Pogi. Baka hindi na ako tulungan nun at kapag nangyari yun ay hindi ko na malalaman kung sino ako.

Pero in fairness ang cute ng kaibigan niya sa ibaba. Success yung evil plan ko pero hindi na inosente ang mga multong mata ko. Huhuhu!

Napatingin ako sa kalangitan, nagsimula na itong maging kulimlim at kasunod nun ang pagbagsak ng ulan. Nakakalungkot naman hindi ko mahawakan ang bawat pagdampi nito sa lupa dahil tumatagos lamang ito sa akin. Hays!

'Ang saya daddy! Ang sarap maligo sa ulan!'

'Anak baka magkasakit ka niyan. Halika rito!'

'Come here daddy!'

Bigla nalang narinig ko ang boses na iyon sa aking isipan. Bakit parang pamilyar sa akin? Bakit hindi ko maalala? Ay! Oo nga pala isa akong ligaw na kaluluwa na hindi alam ang nakaraan kaya kailangan ko ang tulong ni Neville, the Mr. Pogi. Hehehe!

"Lord, sana makapunta na ako sa heaven kasama niyo. Hindi lang sa ngayon dahil may unfinished business pa ako dito sa lupa." sabay tingin sa itaas habang lumuluha ang langit.

Bigla kong naalala yung sa ibaba ni Mr. Pogi. Nakakatakot ang laki nun kaya iwinakli ko na ito sa aking multong brain. Pupunta muna ako sa garden nila na puno ng mga bulaklak para makapagrest muna.

Neville POV:

I don't know what to do. Nakita niya yun baka ipinagkalat niya ito sa mga kalahi niyang multo at baka ma rape pa ako ng mga multo. Kailangan kong tumawag ng pulis ay mali spiritista para maalis siya sa bahay ko.

Tsk! Sa tingin niya papayag ako sa gusto niya na tulungan ko siya pwes hindi dahil nakababawas ang kapogian ko. Ano ba ang dapat gawin para mawala siya sa landas ko?

Hindi siya tinatablan ng bawang, kamatis at asin pati ang ritual ng pag-aalis sa kaniya. Nakakainis ang baliw na multong yun, imbes na mapaalis ko siya ay sinabayan pa akong sumayaw. Handsome Neville, umisip ka ng planong hindi papalpak. Aha!


"Yaya, may kakilala ka bang espiritista na yung tumataboy ng mga multo? Meron ho ba?"

"Sir bakit niyo natanong? Ginugulo ka ba ng isang multo sir?" Tsk! Ang daming pahabol na mga tanong! Nakakatamad.

"Never mind." Umalis ako sa harapan nila baka mapagkamalan ba akong baliw na may nakikitang multo na totoo naman. Buti walang pasok ngayon dahil idineklarang holiday at ang mas malala pa ay hindi ako nakapasok kahapon dahil sa pangyayaring kababalaghan.

Hinanap ko ang presensya ni Happy Ghost pero wala siya dito sa mansyon ko. Asan kaya yun? Ayts! Bakit ko ba siya hinahanap? Buti mawala na siya sa buhay ko dahil kahit anong tapang ko ay nakakatakot parin siya. Yaw ko na sa halloween!

Naalala ko ang pangyayari kanina at ang swerte niya dahil siya ang babaeng multo na nakakita sa alaga ko. Naks! Pati multo nagkainteres sa akin kaya kailangan ko siyang paalisin sa lalong madaling panahon. 

"From now on, I'll call you "Happy Ghost". At no stupid choice naman ako k-kundi tulungan kita.." Nagsparkle naman sa tuwa ang multo niyang mga mata dahil sa sinabi ko.

Umiling lang ako sa naalala ko. Happy Ghost eh?! Perfect sa kaniya ang pangalan na ibinigay ko. At hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun. Nakakainis! I need to get rid of her before I will go into mental hospital because of hallucinations that I've seen a ghost. A crazy ghost perhaps.

Happy GhostWhere stories live. Discover now