A/N: *Jessica Soho scary voice mode* "Isang nakakahindik na kababalaghan ang bumabalot na misteryo sa isang rooftop dito sa La Costa University dahil isang multo diumano na tumatawang mag-isa na hindi nakikita. Hindi maipaliwanag ng siyensiya kung bakit tumatawa ang isang multo na ang pangalan diumano ay... Happy Ghost? Alamin ang buong paliwanag kapag nabasa mo ang point of view niya."
•••
Happy Ghost POV:
"Hahahahahaha! Grabe! Hahahaha!"
Ang cute ni Neville kanina. Hindi parin ako tumigil sa pagtawa dahil palagi kong naalala ang mukha ni Mr. Pogi nung nagalit siya sa akin. Ganun pala siya magalit kaya ang epek ng mukha niya! Hays! Hahaha!
Nung nahismasan na ako ay napailing nalang ako sa aking sarili. Hindi ko namalayan na sa sahig na pala ako tumatawa kaya tumayo ako upang tignan si Mr. Pogi pero wala na siya. Saan naman nagpunta yun?
Baka iniwan na niya ako. Huhuhu! Napabalik sa huwisyo si multong brainy dahil impossibleng iwan niya ako kasi tutulungan pa niya akong makatawid sa paraiso ng mga multo.
"Hindi effective ang pagbabasa ko ng isip kay Mr. Pogi." malungkot kong saad pero may idea namang pumasok sa multong brain ko na nagpapangiti sa akin.
Kaso wag nalang baka tuluyang mapalayo sa akin si Mr. Pogi. Baka walang tutulong na sa akin kaya dapat makabawi ako kay Mr. Pogi sa para mawala ang galit niya sa akin. Ano kaya? Kiss mula sa akin? Pwede narin. Hmmmm....tanungin ko nalang kaya siya.
Nagteleport ako sa room niya pero wala siya dun. Mukhang nagsiuwian na ang mga estudyante dito. Saan na kaya si Mr. Pogi? Sana hindi niya ako iniwan. Hindi ko paman kabisado ang daan patungo sa mansyon niya.
"Hello po! Ako po si Happy Ghost. Multo rin ako kagaya mo. Alam mo ba kung nasaan si Mr. Po---este si Neville?" Tanong ko sa isang multo na nakasalubong ko malapit sa room ni Mr. Pogi. Hindi ko napansin na meron palang nagmumulto dito. Ayos may new Ghostie na ako!
"Yung pinagkakaguluhan ng mga babae dito?" nagnod lang ako sa sinabi niya tapos tinuro niya ang direksyon na posibleng nandoon si Mr. Pogi.
"Salamat new Ghostie!" sabay alis ko. Ngumiti naman siya. Ayieeh! Ang bait niyang multo.
•••
Rhea POV:
Ang sakit pala na ang lalaking minahal ko ay hindi na ako pinapansin. Parang hangin lang ako sa kanya. I regret everything that I've done in the past.
Pero kahit ganun hindi kita tatantanan Neville dahil akin ka at sisiguraduhin kong walang aagaw sayo kahit pa mismo ang mga babae dito na palagi mong hinahalikan. You are mine forever!
Naglakad ako patungo kay Neville na abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Kailangan kong makuha ulit ang tiwala mo sa akin Neville because from now on hindi na kita sasaktan kagaya ng ginawa ko sayo noon.
"Hi baby Neville! Hey guys!" bungad kong bati sa kanila pero ang mga mata ko ay kay Neville lamang.
Kita ko ang galit sa kanyang mga mata nung makita niya ako. Masakit pero titiisin ko para maakit siya at mapasaakin ng tuluyan.
Maganda naman ako at sexy kaya alam kong hindi makatiis sa akin si baby Neville.Ngumisi naman ang mga kaibigan niya at nagpaalam na umalis. Good thinkers! Gustong sumunod si Neville sa mga kaibigan niya pero pinigilan ko siya at hinalikan ng diin. Puno ng pagmamahal ang ginawad ko sa kanya kagaya nung nangliligaw pa siya sa akin. How I wish na sana ibalik ang panahon na okay kami ni Neville.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero nakatuon ang pansin ko sa kanyang labi na matagal kong namiss na halikan ito. Sa hindi ko inaasahan ay galit niya akong tinulak na ang resulta ay nasalampak ako sa sahig at napadaing nalang ako sa sakit.
YOU ARE READING
Happy Ghost
ParanormalGenre: Comedy-Horror Meet Neville De La Costa, ang campus king sa La Costa University dahil sa angking kagwapuhan niya. Hindi siya matalino at puro kalokohan lang ang ginawa sa buhay. He is a a good kisser kaya binansagan siyang "The Good Kisser Cam...