Chapter 9:
~~~
Her POV:Nandito ako sa tabi ng kama niya. Nagbabasakaling maunawaan niya ako.
"Sige na pogi please? Tulungan mo ako." may paiyak effect ko pero siyempre acting lang ang ginawa ko. Haahaha!!! Best Drama Actress Ghost na ako! Yey!
Hindi ko makikita ang reaksyon niya dahil sa kumot. Hays! Bakit kaya siya natakot sa isang magandang multo? Joke lang yun kanina. Bawal bang sumayaw? Multong tsk!
"N-NO!" nauutal niyang tugon.
"YES!"
"NO!"
"YES!"
"I said NO!"
"You said YES!"
"Shut up multo!"
"Shut up pogi!"
••••
"NO WAY!" sabay siyang tumayo at hinagis ang kumot sa kabila.
•••
Neville POV:
Nakakatakot at nakakainis talaga itong multo! Please Neville pumyag ka na sa hiling niya baka gagahasain ka ng multong yan! Nakakapanindig balahibo naman ang iniisip ko. Yuck mga gwapo!
Humarap ako sa kanya at parang malungkot yata ang multong 'to o baka joke lang yan. Hindi talaga effective yung video na napanood ko sa pagpapaalis ng isang baliw na multo.
"Please? H-hindi ko talaga alam kung paano ako pumunta sa kabilang buhay." at nagsimula na siyang umiyak. Parang nasa movie marathon ako ah! Siya yung baliw na multo na kalaban ko habang ang gwapong si ako ay yung bida. Ang weird niya pero... Aaahhh!!!! Nakakatakot yung iyak niya.
"T-tutulungan k-kita!" biglang pagsabi ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at siya naman at lumiwanag na ang mukha.
Saan ko ba nakuha yun? NO!!! Hindi ako papayag... Ayaw ko na sa panaginip na ito."Talaga?!"
"NO!!!!"
Neville POV:
"NO!!!!"
"Akala ko ba tutulungan mo ako?" nakapout niyang sabi. Ang cute niyang multo--- shit! Saan mo ba nakuha yan gwapo? Tsk!!!!
"Kung hindi mo ako tutulungan, mumultuhin kita." dagdag niya.
"P-pero b-bakit a-ako pa?!" saad ko at napangiti naman siya. Shit! Ang gand---- cut it off!...
"Simple lang dahil ikaw ang taong nakilala ko nung muntik mong masagasaan ang magandang multo. Muntik pa nga akong mamatay dun eh!"
Anong klaseng drugs kaya and ginamit nung multong 'to? Powder drugs kaya? Kaya pala maputi siya... Nakakatakot ang maganda este pangit niyang mukha. Kulang pa nga sa suklay. Eek!
"Ay! Patay na pala ako kaya hindi na ako mamatay ulit. Sorry!" sabi niya.
"U--umalis ka na!!!" takot kong sigaw.
"Sige! Pero susundan kita hanggang mapapayag ka sa gusto ko. Goodbye pogi! Umba!" sabi niya at naglaho.
Pak! Pak! Pak! Pak!
Sinampal ko ang sarili ko ng ikaapat na beses. Ouch! Ang sakit sa gwapo Kong pisnge. Sana panaginip ang lahat ng ito. Yung pagbabato ko ng mga kamatis at bawang sa isang multo at yung pagkanta at pagsasayaw ko ng isang Indian style dance para maalis ang multo. Baliw na yata ako. Hindi! Yang utak mo ang baliw.
Ayaw ko na!!! Gusto ko ng matulog baka bukas panaginip lang ito. At let's party kapag mangyari yun.
•••Her POV:
Nandito ako sa garden nila. Nanonood ng mga bituin sa langit. Hays! Sana makapunta na ako sa langit pero paano? Hindi ko alam kung sino ako at ni pangalan walang alam. Sana matulungan mo ako Neville kundi magiging haunted mansion ang mangyari kung ganun.
"Sana makapunta na ako sa kabilang mundo kung saan ako nabibilang." sabi ko sa mga bituin. Yan ang tangi Kong hiling sa isang multo na kagaya ko. Insert maganda... Basta isa kang diyosang multo. Heheheee...
•••••
Here is the update mga multo!!!
#ScaryHalloweenNeville POV:
Good morning mga gwapo! Wooaahh!!!
Maganda ang gising ko ngayon dahil hindi naging totoo ang masamang panaginip ko. TSS...Dumiretso kaagad ako sa kusina dahil hindi pala ako kumakain dahil sa kabaliwan ko kahapon na naghahanda daw ako ng mga kamatis, bawang at iba pa...
"Sir, bakit may bawang kayo sa leeg?" tanong sa akin ng isang maid at tsaka tinignan ang nasa leeg ko. Oh my gwapo! Hindi kaya!!! No and no!
"Sir, nung gigisingin ka namin sa iyong kwarto ay wala ka dun at nadatnan lang namin ang nagkalat na mga bawang, asin at kamatis. Pati yung ginamit mong takip ng kaldero at isang walis." sabi pa niya.
"A-ah! P-project lang namin yun! Tama! Project sa science kung paano gumalaw kusa ang mga kamatis at bawang gamit ang takip ng kaldero at walis. Hahahaha!!!!!!" biro ko sa kanya at napatawa narin ang pakialamerang maid nato.
••
"Magluto ka na! Pwede ba? Nagugutom na ako bilis!" utos ko sa kanya at agad niyang sinununod yun. Tinanggal ko ang kwintas na gawa sa bawang at itinapon sa basurahan. Tutal masamang bangungot lang yun kaya hindi iyon totoo at baka gawa-gawa lang ng utak ko ang yung pagskip ko ng sunod na klase dahil may isang multo raw na gustong magpahalik sa akin at ang paghahanda ko sa isang labanan para puksain ang multo. Yung pagsasayaw ko ng umba dance ng mga Indian at yung pagkanta ko gamit ang takip ng kaldero at walis na parang isa akong---"Good morning pogi!"
"Baliw na pogi!" gulat kong sabi at napatingin ako sa harapan ko. ..Oh no!
•••
Wait sa next mga multo! Sorry sa matagal na update...😊😊😊😉 sa susunod hahabaan ko na ang update.
YOU ARE READING
Happy Ghost
ParanormalGenre: Comedy-Horror Meet Neville De La Costa, ang campus king sa La Costa University dahil sa angking kagwapuhan niya. Hindi siya matalino at puro kalokohan lang ang ginawa sa buhay. He is a a good kisser kaya binansagan siyang "The Good Kisser Cam...