Fall for me again

370 5 0
  • Dedicated kay Bestfriend Panget
                                    

 Now playing: "Tadhana"

Ba't di pa patulan ang pag-suyong nagkulang

Tatong umaasang. hilaga't kanluran 

Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sayo

Siguro nga totoo ang tadhana.

Siguro totoo ang soulmate.

*Sighs*

Sana balang araw makita ko na rin siya. Yung masasabi kong the one and Mr. Right. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na darating siya. Ewan ko ba sa tinagal-tagal ko nang namumuhay eh wala pa rin akong kaboyfriend-boyfriend.  Wala ba akong angking ganda o hindi lang talaga marunong pumili ang mga lalaki?

Andito ako sa court ngayon at nanonood ng basketball, nakakaboring naman.

Tinitigan ko lang ang mga players.

Processing.

Processing.

Processing.

Parang.

Parang.

Parang bumubilis ang heartbeat ko.

Is this the sign? Siya na ba ang soulmate ko?

Ano kayang name niya? Naiintriga ako.

"Uhmm excuse me po ano pong name nung Arellano?" tanong ko kay kuyang katabi ko

"James"

"Ah salamat po" sagot ko

"Wahhhhhhhh. Go James. Go Go Go. Kaya mo yan, kaya mo yan. Shoot lang ng shoot!!!"

"Miss ang ingay mo pwede bang pakihinaan naman yang boses mo." sabi naman nung isang lalaki sa tabi ko

Aba loko to ah. Bahala ka diyan chini-cheer ko pa ang soulmate ko eh. Epal ka.

"Go James. Wooohhhhh"

 Waahhh tumingin siya sa akin tumingin siya. At naka-smile pa. Hayyy. Heaven. Ito na talaga. Ito na talaga yung sign.Siya na talaga. Siya na as in. May bigla namang may umepal sa likod ko.

"Oh my Gosh. Oh my Gosh girl, nakita niyo yun tumingin sa akin si James!!!"

"Oh girl, baka type ka na niya, i'm so happy for you"

"Thanks girl sabi ko naman sa'yo eh"

What the? Ang feeler mo ah. Sa akin kaya siya tumingin, F.Y.I. 

"So girl kapag kayo na ipagpa-autograph mo naman ako.

Ai grabe umiinit na yung dugo ko sa mga 'to. Ang fi-feeler. At hindi na nga ako nakapag-timpi pa. 

"Hoy kayo wag nga kayong feelingera, di kayo type ni James noh"

"At sino ka naman para sabihin yan?" sagot nung mukhang palaka

"Soulmate niya bakit may angal ka?" pasigaw na sabi ko

"Ikaw?" sabi nung mukhang paa.

"Oo kaya wag na kayong mangarap pa"

  

Maya-maya sinabunutan ako nung mukhang palaka. Gumanti rin ako.

 At kapag sineswerte ka nga naman. 

"Prrrrrrrrrt"

  

"Hoy kayo" sigaw sa amin ni manong guard.

Dali-dali namang tumakbo yung dalawa. Tatakbo na sana ako ng bigla akong natakid. At kaya naman napasubsob ako sa kung saan. Pagtayo ko, anak ng.

Yung lalaking sumaway kanina sa akin, ang tumakid sa akin.

"hoy ikaw"

 Hindi ako pinansin.

 "Hoy ikaw sabi eh"

"Ah ako ba?"

 Aba. May gana pa siyang mangtrip ha?

 "Oo ikaw. Ba't mo ako tinakid?"

"Ay. Sorry. Hindi ka kasi marunong tumingin sa dinadaanan mo eh."

Bwisit na to. At ako pa ang may kasalanan. Tatagupakan ko na sana kaso nakita kong malapit na sa akin si manong guard kaya naman kumaripas na ako ng takbo.  Nang makababa na ako sa bleachers. Nagtago muna ako sa ilalim. Paglabas ko. Waaahhhh si James!!! Nasa tapat ko.

"Hi" bati ko

"HI" sagot niya with smile pa. Waahh Thank you po Lord at nakita ko na ang aking soulmate ang taong matagal ko ng hinintay.

"Ikaw ba yung nakipagsabunutan kanina?" 

"Ha? Ah eh ako nga. Haha nakakahiya naman"

 "Hoy" sigaw ni manong guard. 

  

Naku po! nakita ako. 

  

"Sige babay na, ako nga pala si Hannah. Hannah Kristel Santos."

  

Saka ako kumaripas ng takbo palabas ng court. Waaahhhh Best Day ever. Nakita ko na ang aking soulmate at naka-usap ko pa agad. I'm so kinikilig. Love at first sight nga talaga.

Pagkalabas ko, kung sineswerte ka nga naman nakita ko na namang yung lalaking tumakid sa akin. Kaya nilapitan ko naman.

"Hoy ikaw may atraso ka pa sa akin, baka akala mo"

"Miss sorry ah, hindi ko naman kasi kasalanan kung tatanga tanga ka sa daan"

"Anak ng" Uupakan ko na sana. Kaso naharang niya yung kamay ko.

"Ah, ah, ah. Di mo ko kaya, manong guard ito po yung babae oh"

Tumakbo na naman ako. Bwiset na lalaki yun. Argh. Nakakainis nakakainis talaga. Babawi ako sa'yo humanda ka. Ang saya saya ko pa naman at nakita ko na yung soulmate ko tapos sisirain niya lang. How dare him?

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon