Chapter 16

80 3 0
                                    

Mitch's POV

So siya pala yung ibang tinutuloy niya "Mrs. Hannah Santos".

"Alam niyo na ang gagawin niyo" sabi ko sa mga bodyguards ko

"Yes mam" sagot nila

"Good"

James'  POV 

Yes! Ang saya ko shet, mag-dadalawang linggo ko ng nililigawan si Hannah. 

At kasama ko siya ngayon dito sa canteen.

"So Hannah, ano na bang desisyon mo?" tanong ko

"Malapit na, sasabihin ko rin sayo" sagot niya

Maya-maya may lumapit sa aking lalaki at may iniabot. 

"Sige James una na ako ha bye :)" sabi ni Hannah

"Sige ingat ka,sunduin nalang kita mamaya pag-uwi" sagot ko naman

"Sige" sagot niya 

Hannah's POV 

Hayyyy. Kelan ko ba talaga siya sasagutin? Naguguluhan pa talaga ako. Ewan ko ba dati naman gustong-gusto kong maging kami pero bakit ngayon na heto na, malapit ng maging kami kung umo-oo na ako, pero bakit parang ayaw ko. 

Tsk. tsk.

Ang boring naman lagi ng klase.

Buti naman at hindi na ako binibwiset ni Patrick. At hindi na niya ako kinakausap o kinukulit. Nakakamiss lang.

Heh! hindi ko siya namimiss noh. Ang saya saya ko pa nga walang bwiset?! Ayos na rin yun para matahimik naman ang buhay. Kaya eto nga ang tahimik, BORING.

Pagtingin ko kay Patrick. Nakikinig kay Sir. Aba naman! Ano kayang nakain neto?

"Anong nakain mo at mukhang seryoso ka sa topic" Tanong ko

"Wala kang paki" galit na sagot niya

"Aba nagtatanong lang ako ah!" sagot ko na medyo napalakas

"Ms. Santos is there a problem?"tanong ni Sir

"Wala po" sagot ko

Tsk. Tinatanong ko lang naman siya ah.

Taray-tarayan ba naman ako. Ano ba siya babae? May PMS?

hahahahahaha

"Muntanga" sabi niya

"Ako bang sinasabihan mo?" tanong ko

Aba't hindi sumagot. Pamura ng isa. Anak ng Pucha oh.

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon