Chapter 6

95 5 0
                                        

HAyyyy. Nandito ako ngayon sa bleachers iniintay si James.

Waahhhh ang gwapo niya talaga, lalo na pag nagshoo-shoot siya. 

"Hoy maawa ka dun sa tao matutunaw na" 

Tsk. Dumating na naman ang bwiset na si Patrick.

"Pake mo ba ha?"

"Sorry ka wala kang pag-asa sa kanya"

"At bakit? Close ba kayo?"

"Hindi. Pero kahit paano kilala ko siya. At alam kong hindi ka niya type"

"Wag ka ngang mangialam"

Maya-maya natapos na siya. Kaya naman lumapit na siya sa amin.

"Oh wait lang ah bihis lang ako" Sabi niya

"ah Sige"

After 5 minutes dumating na ulit siya

"So let's start"

Ininterview ko na siya. About what's really good about basketball, why is he so good in basketball at marami pang iba. Si Patrick naman umalis na, buti naman. 

"So pano? tapos na diba?" sabi niya

"Ah eh oo"

"Gusto mo ba munang sumama sa akin tara doon oh"

Sabay turo sa tindahan ng fishball. Okay lang naman na lumabas eh, excused naman kasi sa klase. hahahaha

"anong bibilhin mo?" tanong niya

"fishball lang"  sagot ko naman

"ate pabili nga ng 20 pesos na fishball" sabi niya naman kay Manong tindero

 What?? 20 pesos ang dami naman nun???

"Andami naman ata niyan" pagtataka kong tanong

"Hindi lang naman to akin eh, hati tayo"

Wahhhhh. kinikilig ako. Sheemay. "Lub dub" "Lub dub" Hala tumatalon ang puso ko. 

"Oh ba't di ka pa kumakain?" tanong niya

"Distracted ka ba sa kagwapuhan ko?" dagdag pa niya

Wahhh ang hangin naman neto pero totoo naman ang sinasabi niya.

"Feeling mo naman, oh bayad ko pala"

"Wag na libre ko" sagot niya

"Salamat" 

Nagdaldalan lang kami habang papunta sa school. 

Ang daldal niya pala. Ang corny rin.

"May tatlong koala, binaril yung isa tapos nahulog. Ang tanong bakit yung pangalawang koala nahulog rin?"

"Binaril rin?" sagot ko

"Mali. Nakahawak kasi yung pangalawang koala"

Tumawa lang ako.

"Oh isa pang tanong bakit nahulog yung patatlo?"

"Nakahawak rin" sagot ko ulit

"Hindi. akala kasi nung patatlong koala binaril din siya."

What. Anu daw. hahahahaha. Pero ang cute niya nung jinoke nya yun. 

"hahahahaha. Corny mo pala"

"hahahaha. Ang ganda mo pala lalo pag nakangiti"

What did he say? Maganda ako. Wahhhhhh

"O sige Hannah alis na ako ah. Ingat nalang sa pag-uwi. Salamat sa time."

Wahhhh. 

Naiwan lang akong nakatayo dun. Hanggang sa may dumating na epal.

"Muntanga ka"

"Heh"

"Oh tapos mo na ba iyong interview?"

"Oo. Salamat nga pala sa help ha, nakatulong as in"

"Kaya mo na yan. Tsk. Nafeel mo pa nga yung moment eh"

"Heh"

Makaalis na nga at baka mag-expire lang agad yung saya ko. Epal na Patrick yun.

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon