Chapter 9

76 5 0
                                    

Patrick's POV

Kasama ko ngayon ang barkada sa tambayan.

"Pre kamusta naalala ka na ba ni Kris?" tanong ni Martin

"Hindi"

"Ouch pre, nakalimutan ka na talaga ni Kris" sagot naman ni Martin

"Maghanap ka nalang ng ibang chicks" sabat naman ni Ken

"Ulol hindi ko kayang palitan si Kris"

"Baka naman Pre ayaw mo na sa babae at ako na ang napupusuan mo, Pre wag naman ah hindi tayo talo" 

Walangyang Martin to. Tumawa nalang ako

"Bading ka hahahahaha"

Sa hindi kalayuan nakita ko naman si Hannah ang sama ng tingin sa akin. Hala anong ginawa ko sa kanya. At papalapit na nga siya.

"Hoy ikaw! nananadya ka ba talaga?"

"Huh?" anong pinagsasasabi nito?

"Kunyari ka pa, hindi ba nga nagpasa ka ng article kay Sir, hindi mo manlang sinabi sa akin. Nagpakahirap akong gumawa ng article. At kita mo rin naman diba?"

"Eh yun namang ginawa mo ang ipinasa ko"

*****Flashback********

Hayyy. Nasan na kaya si Hannah. Kukunin ko sana yong article, may idadagdag ako, atleast natulungan ko siya. Ano ba yon uwian na nga hindi pa nag-iintindi.

Wala talaga siya. Matignan na nga lang sa gamit niya.

Nasan na kaya yon. Hala baka nandito sa file case niya.

Booom. Nandito nga. Mapicturan nalang nakakatamad kopyahin.

Maya-maya sumigaw na si Martin.

"Pre tara na"

"Sige nandyan na, teka lang" sagot ko naman

Mag-iiwan na rin lang ako ng note. "Oi ako ng tatapos nito, tsaka ako na rin ang magpapasa kay Sir bukas- Patrick"

Magdamag ko namang ginawa yung article konting revisions lang ang ginawa ko, ang ganda naman na kasi ng pagkakagawa niya parang siya lang.

Hayy. Natapos na rin. Ipapasa ko nalang kay Sir to bukas.

Maaga naman akong nakapasok at naibigay ko na kay Sir.

"Sir heto na po"

"Wow Mr. Santiago I dont expect makakagawa ka ng ganito, hindi po Sir kami po ni Hannah ang gumawa niyan"

"Good job"

"Sige ipapadala ko na to sa publishing house" masayang sagot ni Sir

"Sige po"

*****End of Flashback*****

 "Wala ka namang iniwang papel sa mesa ko ah" pagalit na sagot ni Hannah

"Meron naka-note pa nga doon na ako nalang ang tatapos, kasalanan ko bang wala ka don" sagot ko naman

"Tse! Makaalis na nga"

At nagwalk-out na naman siya.

Sa bahay.

Hanggang ngayon Kris hindi mo pa rin ako maalala

Lahat naman ng nangyari sa atin noon ipinakikita ko sayo ah, bakit hindi ka pa rin makaalala?

Kulang pa ba yong ginagawa ko? ano pa bang dapat kong gawin?

Mahal pa rin kita Kris, Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na balang araw malalaman mong Mahal mo ako. Maghihintay ako Kris, maghihintay ako.

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon