Chapter 1

152 6 0
                                    

Simula ng makita ko si James parang tinamaan na ako. Kaya naman maaga pa lang nasa school na ako makita lang siya sa court. Nagpapractice kasi siya uma-umaga. At heto ako ngayon nag-iistalk na naman.

"Oh pre" sagot ni James

"Kamusta naman pre, balita ko may nag sabunutan dahil sayo. Ang lakas talaga ng karisma mo" 

"Pogi eh"

"Pero kahit isa ba may type ka sa mga 'yon?"

"Ewan wala pa yan sa isip ko"

"Sus dahil ba yan kay Mitch"

"Di ah, sige alis na ako mag-titime na rin"

"Sige"

Okay? Sino kaya si Mitch sa buhay niya. Hayyy. Siguro ex niya or something.

"Ay kalabaw" nasabi kong bigla

May nakita akong lalaking naka-upo at natutulog sa tabi ng halaman. Wow ang lakas naman ng trip neto. Matulog ba naman sa tabi ng halaman. Hindi ba siya natutulog sa kanila at talagang dumayo pa siya?

"Hoy miss wag ka ngang maingay, natutulog yung tao eh, abala ka."

Tsk. Hindi ko na nga lang to papatulan. Cute naman kasi eh. Ang mala-anghel ng face niya. Kung titignan mo mukhang walang problema. Alam mo yun?

Kaso nang titigan ko may kamukha eh. Aha! Tanda ko na. Ito yung lalaking tumakid sa akin.

Binabawi ko na ang sinabi ko hindi malaanghel ang mukha niya kundi kabaligtaran.

Mwahahahahaha. Humanda ka sa akin. Sinipa ko nga. At kumaripas ako ng takbo.

"Phew. Nakaganti rin"

Buti nga sa kanya. Yan ang napapala ng mga bully hahahahaha

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon