James' POV
"James diba sabi mo nung nakaraang dalawang buwan mahal mo pa rin ako, ba't ngayong sinabi ko sayong mahal pa rin kita bigla nalang nagbago? James ano ba talaga?" Tanong ni Mitch
"Mitch sorry" sagot ko
"Sorry matapos mo akong paasahin?" pagalit niyang sagot
"Mitch pwede namang magbago ang nararamdaman ng isang tao once na masaktan na siya, siguro mahal pa nga kita non pero hindi na ngayon, kung siguro sinabi mo agad sa akin na mahal mo pa ako, hindi na sana ako masasaktan ng ganoon, siguro ngayon masaya na tayo at hindi ako nagkagusto sa iba" sagot ko
"Sa iba?" tanong niya
"Oo, hindi lang naman ikaw ang babae sa mundo, Mitch napapagod rin ako.
Alam mo nung 2nd year gustong-gusto talaga kita, nung 3rd year M.U. na tayo, nung 4th year official ng tayo na, at bago pa man matapos ang taon natin bilang 4th year sinaktan mo ako dahil doon sa walang kwenta mong dahilan"pagalit na sagot ko
"Walang kwenta, naguluhan lang ako non. Sorry James baka naman pwedeng tayo nalang ulit?" sagot niya
"Sorry Mitch pero mahal ko na siya" sagot ko
Pagkatapos noon umalis na ako.

BINABASA MO ANG
Fall for me again
Fiksi Remaja"Hindi man maalala ng isip, hindi naman mabubura sa puso"