Chapter 8

80 5 0
                                    

 Hannah's POV

Nandito ako ngayon sa faculty para ipasa ang nagawa kong article.

"Sir heto na po yung article"

"Nagpasa na si Patrick hindi niya ba nasabi sayo?"

"Po?" 

Ha? Eh ako lang naman ang gumawa ah. At ano naman ang pinasa niya?

"Sir ano pong sabi niya?" tanong ko

"Iyon na daw ang ginawa niyo and it's really good"

"What Sir?"

"Hindi mo ba siya tinulungan?"

"No Sir, sa katunayan po heto na yung ginawa ko"

"Sorry Hannah nasa publishing house na yong article eh"

"Sir paano naman po itong pinaghirapan ko"

"Hayaan mo na I'll just include you in his work, inilagay ko naman na kayong dalawa ang gumawa noon eh. I know you've given effort too"

What Sir? Hindi naman yung grade ang habol ko eh. Pinaghirapan ko to tapos ganun ganun na lang. At si Patrick hindi man lang niya sinabing may ginawa siya. Plinano niya talaga to? Wala talaga siyang kwenta. Bwiset.

Patrick's POV

Kasama ko ngayon ang barkada sa tambayan.

"Pre kamusta naalala ka na ba ni Kris?" tanong ni Martin

"Hindi"

"Ouch pre, nakalimutan ka na talaga. Iyak ka nalang" sagot naman ni Martin

"Oh di kaya maghanap ka nalang ng ibang chicks" sabat naman ni Ken

"Ulol hindi ko kayang palitan si Kris. Hindi pa rin ako susuko"

"Baka naman Pre ayaw mo na sa babae at ako na ang napupusuan mo, Pre wag naman ah hindi tayo talo. Wag ganyan pre" 

Walangyang Martin to. Tumawa nalang ako

"Bading ka g*go"

Sa hindi kalayuan nakita ko naman si Hannah ang sama ng tingin sa akin.

Hala ano na namang ginawa ko sa kanya.

At papalapit na nga siya.

I can feel something bad gonna happen.

"Hoy ikaw! nananadya ka ba talaga? HA?!"

"Huh?" anong pinagsasasabi nito?

"Kunyari ka pa, hindi ba nga nagpasa ka ng article kay Sir, hindi mo manlang sinabi sa akin. Nagpakahirap akong gumawa ng article buong gabi. At kita mo rin naman diba?"

"Eh yun namang ginawa mo ang ipinasa ko"

Ano bang nangyayari sa kanya?

***Flashback***

Hayyy. Nasan na kaya si Hannah. Kukunin ko sana yong article, may idadagdag ako, atleast matulungan ko manlang siya. Ano ba yon uwian na nga hindi pa nag-iintindi?

Wala talaga siya. Matignan na nga lang sa gamit niya.

Nasan na kaya yon. Hala baka nandito sa file case niya.

Booom. Nandito nga. Mapicturan nalang nakakatamad kopyahin. Para saan pa ang Technology! 

Maya-maya sumigaw na si Martin.

"Pre tara na"

"Sige nandyan na, teka lang!" sagot ko naman

Mag-iiwan na rin lang ako ng note.

"Oi ako ng tatapos nito, tsaka ako na rin ang magpapasa kay Sir bukas- Patrick"

Magdamag ko namang ginawa yung article konting revisions lang ang ginawa ko, ang ganda naman na kasi ng pagkakagawa niya parang siya lang.

Hayy. Natapos na rin. Ipapasa ko nalang kay Sir to bukas.

 Kinabukasan.

Maaga naman akong nakapasok at naibigay ko na kay Sir.

"Sir heto na po"

"Wow Mr. Santiago I dont expect makakagawa ka ng ganito, hindi po Sir kami po ni Hannah ang gumawa niyan"

"Good job"

"Sige ipapadala ko na to sa publishing house" masayang sagot ni Sir

"Sige po"

*****End of Flashback*****

 "Wala ka namang iniwang papel sa mesa ko ah" pagalit na sagot ni Hannah

"Meron! naka-note pa nga doon na ako nalang ang tatapos, kasalanan ko bang wala ka doon" sagot ko naman

"Tse! Makaalis na nga"

At nagwalk-out na naman siya.

Sa bahay.

Hanggang ngayon Kris hindi mo pa rin ako maalala.

Lahat naman ng nangyari sa atin noon ipinakikita ko sayo ah, bakit hindi ka pa rin makaalala?

Kulang pa ba yong ginagawa ko? Ano pa bang dapat kong gawin?

Mahal pa rin kita Kris, Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na balang araw malalaman mong Mahal mo ako. Maghihintay ako Kris, maghihintay ako.

Fall for me againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon