Hannah's POV
Maaga na naman akong pumasok at shocks nakasabay ko si James
"Good Morning" bati ko
"Good morning" sagot niya
"Nabasa ko yung article na ginawa mo, grabe ang ganda, parang ikaw lang" dagdag pa niya
Tumawa lang ako
"Oh bakit totoo naman ah" sagot niya
"Sus sinungaling"
"May pupuntahan ka ba mamaya?"
"Ah sa hall lang may meeting ang staffers eh, bakit?"
"Magpapasama lang sana ako sa Mall"
"Ha bakit?"
"Ah basta mamaya, daanan nalang kita sa room niyo. Bye"
Ganun nalang yon, hindi na ako nakasagot. Hahahaha.
Pero bakit kaya sa akin siya magpapasama? Close na ba kami?
Maybe ^_^
Sa room.
Pagpasok ko may agang-agang nangiirita na naman. Sino pa ba?
"Hannah Love!!!"
"Ayieeeee" panguulit ng klase
"Tse"
Ano bang nangyayari dito. Anong Love ang pinagsasabi nito? Nakdrugs ba 'to?
"Love tinatarayan mo na ako, matapos kitang sagutin kahapon"
Sagutin? Ano siya hilo? Lokohin niya lelang niya.
"Wag ka ngang feeler"
"Tinitigan mo pa nga ako eh"
Ano bang nangyayari dito?
"Heh"
"Love you too!"
Anak ng. Sinigaw pa talaga. Akala siguro ng klase totoo yung sinasabi niya.
"Sige Hannah Love alis muna ako ah"
"Mabuti pa nga"
"Ouch naman"
At nagpout pa ang loko.
Maya-maya naman tinabihan na naman ako ni Ciara.
"Yieee ikaw ha, kayo na pala ni Patrick hindi mo sinasabi sa akin, pakipot ka pa kahapon"

BINABASA MO ANG
Fall for me again
Fiksi Remaja"Hindi man maalala ng isip, hindi naman mabubura sa puso"