"Hey!" biglang sigaw ni Lily kay Edward at sa kausap niyang lalaki na si--Castrence?
Anong ginagawa niya rito? tanong ko sa isip ko
Bigla silang napalingon sa'min ni Lily, pagtingin ko kay Castrence ay halatang nagulat nang makita niya ako at parang nagtataka kung bakit ako nandito. Duhh! malamang bahay ko'to =_=
"Ikaw?!" nagulat naman si Edward sa bigla niyang pagsigaw
"Oo" tipid kong sagot
"Ikaw na naman?!!"
"Oo ako nga"
"Magkakilala kayo?" singit ni Edward
"Oo" sabay naming sagot
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ulit ni Castrence habang nakakunot ang noo
"Anong ginagawa ko dito? dito lang naman ako natutulog, kumakain at natutulog in short, dito ako nakatira"
"B-bahay mo ito?" gulat niyang tanong
"Ano ba sa tingin mo?"
Natahimik naman siya at nag-iisip ng maisasagot
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
bored kong tanong sa kanya"Liv, nag-uusap lang kami ni Castrence about sa school at sa pasukan, actually matagal na akong nakapag-enroll hindi ko lang sinabi sa inyo, kung nagtataka kayo kung bakit siya nandito kase kaibigan ko siya"
What???
Magkaibigan sila?how the hell that happened? Hindi ko nga sila nakikitang magkasama ah"Kailan pa kayo naging magkaibigan?" tanong ko
"Since we we're kids" sabay bilang sagot
"May problema ka ba dun?" mayabang na tanong ni Castrence
"Tss, wala naman" sabay irap ko sa kanya. Binuggo ko siya para makapasok na ako tsaka dumeretso nalang sa kuwarto. Harsh ba yung ginawa ko? well, hindi niyo naman ako masisisi dahil ganun talaga ako, masungit sa hindi ko ka close. Humiga nalang ako sa malambot at malaki kong kama at nag-isip ng kung anu-ano hanggang sa makatulog ako.
Tok! Tok! Tok!
Nagising nalang ako nang may marinig akong kumatok sa pintuan ng kuwarto ko kaya agad akong bumangon at binuksan yung pintuan. Tumambad sa'kin ang isang napaka gandang diyosa ng mga aso-----I mean mukha ni Lily na nakingiti ng sobrang lawak halos mapunit na yung bunganga niya kakangiti.
"Hindi ka ba lalabas? maggagabi na kaya, tsaka kakain na din tayo kaya lumabas ka na o gusto mong hilahin pa kita diyan"
"Okay, magbibihis lang ako" isasarado ko na sana yung pintuan nang bigla siyang nagsalita.
"Anyways, sa lunes na pala ang pasukan kaya kailangan na rin nating bumili ng mga gamit natin as soon as possible"
"Okay" sagot ko sabay sarado ng pinto.
Saturday ngayon, ibig sabihin June 14 ang pasukan namin?
So kailangan na talaga naming bumili ng mga gamit para sa pasukan. Sa isang araw na pala ang pasukan kaya kailangan naming makabili bukas. Bakit kasi sa lunes pa? pwede namang next next week nalang?,haysst ang bilis namang lumipas ng panahon.
Nag shower ako saglit tsaka nagbihis ng pantulog, tutal gabi na kaya walang problema sa suot ko at para deretso higa narin mamaya. Lumabas ako tsaka nagpunta sa kusina, nakita ko silang magkakasamang kumakain kaya lumapit na ako sa kanila.
"Couz, dito ka sa tabi ko" sambit ni Lily. Pumunta nalang ako sa tabi niya tsaka sumandok ng kanin at ulam. Saktong pagkasubo ko ng kinakain ko ay biglang nagsalita si Tita.
"Iha, may itatanong lang sana ako sa'yo" aniya
"Ano po yun?"
"Sumasakit ba minsan ang ulo mo?" hindi ko alam kung matatawa o magtataka ako sa tanong ni Tita
"Hindi naman Tita, bakit po?"
"Ahh wala naman, sige ituloy mo nalang yang kinakain mo" aniya sabay ngiti. May naramdaman naman akong kakaiba sa tanong ni Tita, parang may tinatago siya. Ano kaya yun? kailangan kong malaman.
Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng pinagkainan. Wala na kaming katulong dahil kaya naman namin ang gawing bahay. Pagkatapos kong isalansan ang mga niligpitan ko ay pumunta ako sa kuwarto ni Lily, katabi ng kuwarto ko.
"Lily?" kumatok ako ng tatlong beses. Agad namang bumukas yung pinto
"Yes?"
"About sa pagbili natin ng gamit, maybe bukas na? kasi sa isang araw na ang pasukan natin" sagot ko
"Right!, so sa mall tayo bukas ah?"
"Fine"
"Yes! excited na ako bukas!"
"Okay, Good night couz" paalam ko sa kanya tsaka pumunta na ako sa kuwarto ko. Bigla akong napaupo ako sa gilid ng kama dahil sumakit yung ulo ko tsaka ko naalala yung tanong ni Tita kanina. Totoo kaya yun? Pero bakit naman at anong meron dun?
***
#Question
Sa tingin nyo, bakit kaya sumakit ang ulo ni Livia at anong kinalaman non sa tanong ng Tita niya?Comment lang kayo, I value your comments kaya comment as long as you can. Mahilig din ako magtanong sa mga taong magaling mag-observe :-D
Don't forget to vote comment and follow ^_^
BINABASA MO ANG
Eighty Days Happiness
Teen FictionA girl named Livia Amherst, with a lonely life. Finding her happiness someday. She thought that she will be lonely forever pero hindi niya inaasahan na babalik ang kanyang kasiyahan dahil sa isang lalaking nakilala nya lamang. Isang lalaking magpapa...