Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa kuwento ko! sana dumami pa ang readers ko, hindi ako magsasawang bumati at magpasalamat sa inyo!
***
CASTRENCE POV
Hi girls! Ako nga pala si Castrence Skyler, anak ng may-ari nitong school. Nagpapasalamat pala ako kay author dahil kung hindi niya ako ginawan ng pov, walang guwapong nilalang ang makikilala ng mga babae. Masyado bang mahangin? ganun talaga pag dating sa kaguwapuhan ko pati ikaw tatangayin.
Well, back to reality. First time kong pumasok ng maaga sa school, ewan ko ba kung bakit sinisipag akong pumasok ngayon at kung minamalas ka nga naman nakabungguan ko pa yung babaeng sinabihan ako ng bobo? alam nyo ba kung gaano kasakit yun?! Ako ang pinakguwapo dito sa balat ng lupa pero sinabihan lang ako ng bobo ng bruhang yon?! ano ako? lego?! guwapo ako pero hindi ko matatanggap na wala akong utak.
Back to reality ulit. Badtrip ako ngayon dahil nakabangga ko nga yung bruha kanina. Sa totoo lang may iniisip ako nun kaya hindi ko siya napansin at ang kinalabasan ay nagkabanggaan kami at ako pa ang masama! =_=
Ting! ting!
Narinig kong nag bell na pero hindi ko lang pinansin, lagi naman akong late pumasok kaya walang problema. Ano pang silbi ng pagpasok ko ng maaga? ewan ko sa sarili ko. Wala ng estudyante sa hallway at ako nalang ang naglalakad, huminto ako sa isang classroom kung saan iyon ang magiging section ko.
"Kyaaaaa!"
"I love you!"
"Ang guwapo mo Castrence!"
"Shet! makalaglag panty!"
Napangisi nalang ako sa tilian ng mga babae, sanay na ako dahil lagi namang ganito ang naaabutan ko pag pumapasok ako. Nilibot ko ang aking paningin sa buong classroom, biglang napako yung paningin ko sa dulo.
LIVIA'S POV
Habang hinihintay namin yung teacher ay biglang nagtilian ang mga babae.
"Kyaaaaa!"
"I love you!"
"Ang guwapo mo Castrence!"
"Shet! makalaglag panty!"
Napatakip nalang ako ng tainga dahil sa lakas ng boses nila, feeling ko puputok na lalamunan nila kakatili. Tinignan ko naman yung mga babae kung sino yung tinitilian nila. Bigla nalang akong nanigas sa kinauupuan ko.
Shit shit shit
Wag naman sana, baka nananaginip lang ako
Pumikit ako talos dumilat, nakikita ko parin siya kaya pumikit ulit ako tsaka umiling-iling at hinihiling na sana panaginip lang ito o baka naman napa praning lang ako. This can't be happening!
"Tch, crazy"
Nagulat ako dahil hindi ko manlang naramdaman yung presenya niyang palapit sakin pero hindi ko pinahalata sa kanya
Umupo lang siya sa tabi ko tsaka siya natulog. Seriously? pumasok ba siya para lang matulog?
Simula pagdating ng teacher hanggang uwian ay hindi kami nag pansinan. Papalabas palang ako ng gate ng biglang may sumigaw.
"Waaaah!"
O______O ???
Pagtingin ko sa may sumisigaw ay si Lily lang pala, tumakbo siya papunta sakin
"Bakit magkaiba tayo ng section? ang daya naman huhuhu" maluha luha niyang sambit
Nag-shrug lang ako sa kanya tsaka lumabas ng gate, buti naman at sumunod siya. Ang OA naman neto tsaka ayaw niya nun? mas maganda nga at magkaibang section kami para walang dakdak ng dakdak sakin.
Nang makauwi na kami ay sinalubong kami ni Tita nw mommy nina Lily
"Buti naman at nakauwi kayo ng maaga, how's your first day of school?" tanong niya samin
"Ayy alam mo ba Mom ang babait nila dun tsaka ang daming guwapo!" sagot ni Lily
"Ikaw talagang bata ka, wala ka namang mapapala sa mukha nila" natawa naman ako sa sinabi ni Tita
"Meron kaya! maraming nagkakagusto sa kanila tsaka pag guwapo ka sikat ka"
"Alam mo anak, kung ako sayo mas pipiliin ko pa yung kahit hindi guwapo ay mabait naman, at yang sinasabi mo ay nagkakagusto lang sila dahil sa mukha nila hindi dahil sa ugali"
"Sabi ko nga" sagot ni Lily sabay nguso. Natawa naman kami sa inasta niya. Aalis na sana kami ng may naalala akong itanong kay Tita
"Tita,pwede ko po ba kayong makausap?" nakita ko naman na parang kinabahan si Tita sa tanong ko
"S-sige" inaya niya naman akong sa garden kami mag-usap
"A-ano ba ang itatanong m-mo?"
"About po sa pag sakit ng ulo ko" deretso kong sagot
"A-hh, sa ulo mo ba?" maang-maangan niyang tanong
"Gusto ko lang po kayong tanungin kung may alam po ba kayo tungkol sa pagsakit ng ulo ko? madalas po kasi akong nahihilo, minsan kumikirot yung ulo ko at hinihintay ko lang na mawala yung sakit"
"L-livia"
"Kung may alam po kayo, please sabihin nyo na po sakin hindi yung lagi nalang po akong nagtitiis sa sakit" malungkot kong sambit
"Gusto mo talagang malaman?" tanong niya ng may halong lungkot sa boses at sa mga mata.
"Opo"
*sigh*
"Sige, bukas ko ipapaliwanag sa'yo pagkauwi mo bukas ng hapon"
"Salamat Tita" sabay yakap namin sa isa't isa
***
Author's Note:
Matagal-tagal pa siguro bago ako makapag-update pero pomise ko sa inyo guys sa padadalasin ko ang update ko sa pasko para sa inyo ^_^ mag-comment din kayo gusto kong mabasa ang mga comment niyo kung nagustuhan nyo. I value your comments.
Don't forget to:
Vote ⭐
Follow +
&
Comment 📝
BINABASA MO ANG
Eighty Days Happiness
Teen FictionA girl named Livia Amherst, with a lonely life. Finding her happiness someday. She thought that she will be lonely forever pero hindi niya inaasahan na babalik ang kanyang kasiyahan dahil sa isang lalaking nakilala nya lamang. Isang lalaking magpapa...