Chapter 8

3 1 0
                                    

Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbabasa ng story ko, sana dumami ang readers ko :-P
Binabati ko pala ang ang lahat ng nagbabasa ng story ko ngayon. At sa mga may b-day diyan, Happy Birthday sayo.

Advance Merry Christmas!🎄

***

LIVIA'S POV


Tuesday palang ngayon at hindi parin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Tita kahapon. Kinakabahan ako at pakiramdam ko ay hindi maganda ang sasabihin ni Tita.



"Tulala ka na naman diyan" bigla akong bumalik sa reyalidad ng biglang nagsalita si Lily



"May iniisip lang" sagot ko



"Ano naman yang iniisip mo?" tanong niya habang nakataas ang kilay




"None of your business" tsaka ko siya inirapan



"Ouch ha, parang hindi mo naman ako pinsan, sabihin mo na dali at magta-time na" hindi niya ako tinigilan sa pangungulit, hindi ko naman siya pinansin at hinintay nalang mag bell. Habang nagkalakad ako papasok ay may iniisip ko parin kung ano ang sasabihim ni Tita. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya nang tinignan ko yun ay si Castrence lang pala. Pagkaupo niya palang ay sumubsob na siya sa lamesa. Ano pa nga ba? =_=



***


Pagdating ng uwian ay sabay kaming umuwi ni Lily. Habang papalapit na kami ng papalapit sa bahay ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.



Pagpasok palang namin ay bumungad samin sila Edward at Castrence.



"Hi guys!" tawag ni Lily sa kanila sabay kaway.



"Hello" sagot ni Castrence



"Anong ginagawa nyo?" tanong ni Lily



"Project" sagot naman ni Edward



"Huh? hindi naman kayo magkaklase ah?"



"Hindi nga" sabay nilang sagot



"Eh paano kayo nagkaroon ng project kung hindu naman pala kayo magkaklase?" tanong ni Lily habang nakakunot ang noo



"Tss fine, nandito siya kasi pinapunta ko, may problema?"



"Wala naman"



"Kung wala kanang sasabihin ay manahimik ka nalang diyan" natahimik nalang si Lily. Habang nakatingin ako sa kambal ay napansin kong nakatitig sakin si Castrence, nang tignan ko siya ay bigla siyang umiwas ng tingin, weird.



Tumungo nalang ako sa kuwarto ko at hinintay na makauwi si Tita. Pagkalipas ng kalahating oras ay narinig ko ang boses ni Tita na kararating lang. Dali dali naman akong bumaba para salubungin siya. Pagbaba ko ay wala na si Castrence, baka umuwi na.



"Hi Tita" bati ko



"Oh, good evening iha, ngayon mo lang ata ako binati ah" biro ni Tita kaya napangiti ako ng konti



"Diba ngayon nyo po sasabihin yung pinag usapan natin kahapon?"



"Ahh, o-oo" sagot nya tsaka umiwas ng tingin



"Hintayin mo nalang ako dito at magbibihis lang ako, may pupuntuhan tayo"



"Saan po?"



"Mamaya ko nalang sasagutin" himintay ko nalang siya, dahil mabilis naman si Tita ay nakapagpalit agad siya.




"Tara na" aya niya. Dumeretso kami sa kotse niya tsaka sumakay. Pinaandar niya yung kotse niya tsaka nag drive papunta sa kung saan man yung sinasabi niya.



Bigla naman akong nagtaka ng huminto kami sa hospital.




"Ano pong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong



"Diba gusto mong malaman kung bakit sumasakit ang ulo mo?" tumango lang ako




"Nandito ang sagot sa mga katanungan mo" aniya sabay ngiti. Seryoso? sobrang kinakabahan na ako dito eh. Habang naglalakad kami ay huminto kami sa isang pintuan na may nakalagay na Dr. Jose Rizal este Dr. Joseph Buenaventura. Bumukas naman yung pinto at may bumati saming lalaki na may idad na. Ito ata si Dr. Joseph. Pero parang familiar ang mukha niya, baka nakita ko na ito noon.



"Take a seat" sabi ni Dr. Joseph



Umupo kami sa tabi ng lamesa kung saan siya naka puwesto



"So what's you're purpose for coming here?" tanong niya





"Doc., siya nga po pala si Livia, siya po yung naaksidente ten years ago" tumango tango naman yung doctor



"At gusto niyang malaman ang totoo" dagdag ni Tita



"Handa ka nabang malaman ang totoo tungkol sa nangyari sa iyo noon?" tanong sakin, napalunok naman ako tsaka tumango



"Well, mukhang handa ka naman. As you can see, noong panahon na naaksidente ka kasama ng magulang mo ay tumama yung ulo mo ng malakas dahil hindi ka naka seatbelt. Nagkaroon rin ng problema diyan sa ulo mo dahil nga sa pagtama nito ng malakas. Akala namin ay wala lang yon dahil ilang taon narin ang lumipas at wala namang nangyaring masama sa'yo. Pero ngayong nabalitaan kong sumasakit ang ulo mo, possible na ang dahilan non ay ang pagkabagok mo noon. Kaya habang maaga pa ay mag ingat ka sa lahat ng ginagawa mo. Reresetahan muna kita ng gamot para mawala ang pagsakit ng ulo mo at iwasan din ang mga bagay na nakakaapekto sa ulo mo. Maliwanag ba?" tumango lang ako, naintindihan ko naman ang sinabi ni Doc. pero naguguluhan parin ako sa iba niyang sinabi.



"Alam kong naguguluhan ka, don't worry, everything will be fine" niyakap ako ni Tita, niyakap ko naman siya pabalik.


Pagkauwi namin ng bahay ay kumain kami. Tahimik lang kami habang kumakain, walang sumasagot ni isa, feeling ko first time lang na tumahimik dahil tuwing kakain kami at laging maingay. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako. Kahit na maaga palang ay natulog parin ako dahil masama ang pakiramdam ko.



***

Nagpapasalamat ako dahil nakapag-update na ako, anyways I hope you enjoyed my story :-*


Don't forget to:
Vote ⭐
Follow +
&
Comment 📝

Eighty Days HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon