Sorry ulit sa late update, hahabaan ko nalang ang bawat chapter na gagawin ko next time para fair naman.
Advance Merry Christmas!🎄🎉
***
LIVIA'S POV
Gumaan naman kahit konti yung loob ko sa sinabi sakin ni Tita kagabi pero hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. May sakit ba ako? I don't get it kaya binalewala ko nalang yung sinabi ni Doc. kagabi, sana walang mangyaring masama.
Nandito ako ngayon sa canteen, kasama yung kaibigan kong nakasalamin. Yeah, she's my friend and her name is Amber. Bagay sa kanya yung pangalan niya, maputi siya, mabait at mahiyain kaso panira lang yung salamin at brace niya, sigurado akong maganda siya lalo na 'pag tinanggal niya yun. Bakit nga ba siya nagpalagay ng brace? tsaka pwede naman syang gumamit ng contact lens kesa magsalamin.
"Amber bakit hindi ka nalang mag contact lens kesa magsalamim? sigurado akong maganda ka tsaka malabo ba yang mata mo?" bigla kong tanong sa kanya dahil curious ako sa pagkatao niya.
Bigla naman siyang napatingin sakin at nagtataka kung bakit ko yun naitanong
"Ahmm curious lang ako" sabi ko habang nagkakamot ng ulo
"Gusto mo ba malaman?" tanong niya na may halong lungkot sa mata niya. May problema ba siya?
Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.
"Okay, sasabihin ko sayo pero mamayang uwian nalang, deal?"
"Deal" sagot ko tsaka kami nagkamayan, ewan ko basta trip lang naming magkamayaman na para bang big deal yung pag-uusapan namin pero big deal naman talaga, hayss ang gulo ko!
Inubos muna namin yung kinakain namin tsaka kami bumalik sa classroom
Papasok palang kami nang may nagsalita sa harapan ng classroom namin, mga officer.
"Attention everyone! Every teacher in Skyler University will have a meeting in the office at exactly 12:00 pm. We went here to announce that there's no class in the afternoon kaya siguraduhin niyong hindi na kayo papasok. That's all and thanks for listening, goodbye class" sabi ng isang babae. I think siya yung president eh.
Nagkatinginan naman kami ni Amber at parehas kaming napangiti. Mukhang mahaba ang oras na binigay samin para pag-usapan yung deal namin ah.
***
Nandito na kami sa bahay ko, actually napag-usapan na namin kung saan kami mag-uusap at sinabi kong dito nalang, hindi naman malayo yung bahay ko sa bahay nila kaya walang problema. Binati naman namin si Tita nang nasalubong namin at pansin ko sa mata niya ang pag-alala sakin, siguro tungkol ito sa mga nalaman ko pero binalewala ko ulit ito. Umakyat kami ni Amber papuntang kuwarto ko para dun kami makapag-usap ng matagal. Nagdala narin ako ng snacks and drinks para hindi kami ma boring habang nag-uusap. Nag suggest din siya kanina na mag-movie marathon kami pagkatapos mag-usap, pumayag lang ako dahil gusto ko rin.
"Ang ganda ng kuwarto mo Livia" manghang sambit niya
"Syempre naman, ako pa?" nagtawanan lang kami.
"Dito tayo sa kama" aya ko sa kanya. Nilagay ko na rin yung mga snacks.
"So, ano na? bakit mo tinatago yang kagandahan mong taglay?" tanong ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko
"Nung bata pa kasi ako, lagi akong pinupuri ng nanay at tatay ko, maputi ako nun, makinis ang balat, at maraming humahanga sakin tsaka anak mayaman ako" huminto muna siya saglit at tinuloy ang sasabihin "First year highschool ako nun ng nakaranas ako ng pangbu bully, actually halos mga babae ang nang bu bully sakin. Lagi nila akong pinapahiya at sinasaktan, hinayaan ko lang sila dahil hindi naman ako marunong lumaban, sabi nila ang landi landi ko kasi halod lahat ng lalaki ay nagkakagusto sakin. Simula non ay hindi na ako pumasok, kinausap ko yung magulang ko na lumipat nalang ng ibang school, at yun ay ang Skyler University. Pero binago ko yung itsura ko nag disguise nalang ako para wala na ulit mang bully sakin" narinig ko siyang umiyak kaya nilapitan ko nalang siya at niyakap.
BINABASA MO ANG
Eighty Days Happiness
Teen FictionA girl named Livia Amherst, with a lonely life. Finding her happiness someday. She thought that she will be lonely forever pero hindi niya inaasahan na babalik ang kanyang kasiyahan dahil sa isang lalaking nakilala nya lamang. Isang lalaking magpapa...