Nandito kami ngayon ni Lily sa SM Mall para bumili ng mga gamit para sa pasukan. Dahil sa kakalibot namin, hindi ko napansing hapon na pala. Alam nyo kung bakit kami natagalan?
Una, nagpunta kami sa sa national bookstore para bumili ng gamit sa school like notebooks, bag, etc. Pangalawa, nagpunta kami sa Watsons para lang makabili si Lily ng make-up. Pangatlo, nag-aya siyang manood ng sine at ang nakakainis, SPONGEBOB?! like what the hell!? ang tanda tanda nya na pero pambata ang pinapanuod? nakakahiya pa sa mga ibang nanonood na bata =_=Pagkatapos naming manood ng spongebob ay tsaka lang kami kumain sa sa restaurant.
After naming kumain ay umuwi na kami ng alas singko ng hapon. Ang kailangan nalang ay maghintay para sa pagpasok namin bukas. I hope walang mangyaring hindi maganda bukas baka manapak ako ng tao.
Alas kuwatro palang ay gumising na ako, syempre first day at ayaw kong ma late kaya kailangan maaga akong pumasok. Pagbaba ko ay nasalubong ko si Edward na nagkakape.
"Good morning" aniya
"Morning"
"Where's Lily?" tanong ko
"Tulog pa" sabi na nga ba eh, ano pa ba ie-expect ko sa babaeng yun? eh lagi namang tanghaling gumising, kapag may pupuntahan lang siya gumigising ng maaga, baka naman tinatamad siyang pumasok? Ano yun? excited kahapon na bumili ng gamit tapos tamad naman na pumasok ngayon? ×_×
"Gigisingin ko nalang siya" tumango lang sya kaya umakyat na at nagpunta sa tapat ng kuwarto niya.
Kumatok ako pero walang sumagot, pangalawang katok ko, wala paring sumasagot. Sinubukan kong iikot yung door knob at bumukas naman. Nakita ko siyang nakahiga sa malaki niyang kama, sarap na sarap sa pagtulog.
Hindi niya ba alam na male-late kami? sinubukan ko syang gisingin, niyugyog ko sya tsaka sinampal sampal pero hindi manlang sya nagising kaya nakaisip ako ng paraan kung paano ko siya gigisingin.
Dali dali akong bumaba tsaka kumuha ng isang tabong tubig, bumalik ako sa kuwarto niya at naabutan ko parin siyang tulog. Napangisi naman ako tsaka unti unting lumapit sa kanya. Tinapat ko sa mukha niya yung tabong may tubig tsaka binuhos sa mukha niya.
Ayun, nagising at nakakabingi pa dahil sa katitili niya.
"Bakit mo'ko binasa?!"
"Kase kailangan mo nang gumising, nakalimutan mo na bang may pasok tayo ngayon, pasalamat ka nga at binasa kita para hindi mo na kailangang maligo"
"Aish! Ewan ko sayo!" padabog syang lumabas kaya naiwan naman ako sa kuwarto niya at pangiti-ngiti, grabe yung itsura niya kanina parang nasabang aso *laugh*
Pagkatapos naming mag-umagahan ay naligo na ako. Nagsuot ako ng maong na pantalon at white t-shirt sa pang itaas. Hinanda ko na din ang gamit ko tsaka bumaba. Sakto naman ng pagbaba ko ay nakababa nadin yung kambal.
"Couz! pwedeng makisakay?" tanong nilang dalawa sabay pa cute
Silang dalawa -----> ^_^
Ako -----> =_=
Tinalikuran ko lang sila tska nagpunta sa driver seat. Naramdaman ko namang tumabi sakin si Lily. Hindi ko nalang siya pinansin, pinaandar ko nalang yung sasakyan tsaka nag-drive
Tahimik lang kami buong biyahe. Ako nama ay nag-iisip kung magiging magkaklase ba kaming tatlo? or kahit sana si Lily lang. Hayss wala pa akong kilala sa school eh.
Pinark ko nalang yung kotse ko sa parking area tapos lumabas na kaming tatlo.
Habang naglalakad kami papasok ay biglang sumakit yung ulo ko. Seriously? wala naman akong lagnat, hindi rin mainit yung noo ko ng hinawakan ko pero bakit ang sakit ng ulo ko? may problema ba ako sa utak?
Tiniis ko nalang yung sakit hanggang sa unti-unting mawala. Ngayon palang ay iniisip ko na na tanungin mamaya si Tita kung may kinalaman ba siya dito sa pagsakit ng ulo ko.
As I expected, pagpasok palang namin ay nasa amin lahat ng atensyon, well hindi naman nila kami masisisi kung maganda kami. Hindi lang namin sila pinansin, tuluy-tuloy lang kaming naglakad hanggang sa may lumapit sa amin na isang pinya na si Castrence.
Kailangan bang nakataas talaga yung buhok nya? nagmukha tukoy siyang si naruto na pinya, di kaya matusok yung mga butiki pag nalaglag yun sa ulo niya?
Nakingiti nitong sinalubong ang pinsan ko, si Edward.
"Hey bro" bati nila sa isa't-isa tsaka sila nag apir.
"Ehem. Aalis nalang kami baka nakakaistorbo pa kami" sagot ko tsaka hinila si Lily palayo.
Habang naglalakad kami ay may nakabungguan akong babae. At kung minamalas nga naman, bigla akong binuhasan ng juice. Hindi ko alam kung pupunasan ko ba itong damit ko basta galit na galit ako ngayon sa kung sino man ang nagbuhos sakin nito. Tinignan ko yung nagbuhos sakin at hindi ako nagkakamali, babae pa pero mukhang bakla.
"That's what you get" aniya abay tawa kasama yung dalawang babaeng nasa likod niya.
Hindi na ako nakapagtimpi kaya agad ko siyang nilapitan at sinuntok sa deretso sa mukha. Napasigaw naman sila sa ginawa ko at dumugo yung ilong nung babaeng sinuntok ko. Tss kulang pa yan.
***
A/N; Marami pang mga pangyayaring hindi niyo inaasahan na magaganap sa mga susunod na chapter. At dito din magsisimula ang paghihirap ng buhay niya kasabay ng kasiyahang matagal na niyang hinihintay.
Don't forget to vote, comment and follow.
BINABASA MO ANG
Eighty Days Happiness
Teen FictionA girl named Livia Amherst, with a lonely life. Finding her happiness someday. She thought that she will be lonely forever pero hindi niya inaasahan na babalik ang kanyang kasiyahan dahil sa isang lalaking nakilala nya lamang. Isang lalaking magpapa...