PROLOGUE

63 3 0
                                    


Ako si Jiro. 28 years old. Graduate ng college pero nagpapanggap na may maayos na trabaho. Bwisit sa mga bata sa henerasyon ngayon.

Tatlong taon na din akong walang permanenteng trabaho at pa-part time part time lang. Kung hindi lang sana ako nagmarunong sa dati kong trabaho, hindi sana ako nasisante. Ay mali, nag-resign pala ako.

Kaya nakakabwisit ang mga kabataan ngayon. Akala nila madali lang mabuhay. Kung makapagsalita sila akala mo anlalaki na ng mga problema nila.

Ako nga gusto ko na magpamilya pero unang una, wala ako kahit girlfriend. Hindi rin ako panget. May ilan na din na nakapagsabi na gwapo naman ako pero masakit na sa tenga ang kasunod nun.

"Gwapo ka sana, pero wala kang trabaho."

Kapag naririnig ko yung huling sinasabi nagpapanting ang tenga ko. Naba-badtrip ako kasi totoo. Sino nga ba naman ang babaeng magkakagusto sa taong walang trabaho?!

If only I could take at back at least ten years of my life, I will see to it that I will make things right. I will make sure that I am not going to do the same mistakes again.

If only...

RESTARTWhere stories live. Discover now