Jiro
Aaarrggghhh! I am stucked with endless make up tests! Nung talagang nag-aaral pa ako sa highschool, not even once na nag-make up test ako! More like ako pa nga ang nilalapitan ng mga kaklase ko para magpaturo. How many years has it been? Hmmm... wala naman na si Hannes dito sa classroom and he's probably doing some after school works so pwede akong tumakas.
But...
"Oh, ito yung ginawa kong reviewer para sa inyo ni Krista. Though tapos na sa make up tests si Krista at ikaw na lang ang natitirang walang clue sa pinaggagawa mo sa pag-aaral mo. May make up test ka mamaya kaya siguruhin mong papasa ka na. Kung hindi..." at umarte itong naiiyak, "...kukwestyunin ko na talaga ang kredibilidad ko bilang tutor mo at bilang isang estudyante."
Natawa ako at napakamot ng ulo, "Uh-okay. Okay! Pero wala ka naman mamaya diba? Kaya I was thinking na mag-i-skip muna tayo today?"
Nandilim ang aura ni Hannes. Hinawakan ako nito sa isang braso ko, pinandilatan ako ng mata at sinabing, "Pero kahit wala ako, sabi mo you will do your best... DIBA??? Sino din ang maysabi sa'yo na may karapatan kang mag-skip? Huuhhhh?!"
Yikes! Mukhang malilintikan ako kay Hannes kung tatakas ako dahil sigurado din akong hihingiin niya ang papers ko the next day! Baka magalit na sa akin 'yon kapag hindi ko ito ginawa.
Erase! Erase! Erase! Mali! Mali! Mali!
Kaya ito ako, nagsasagot ng mga test. Mag-isa. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Hahaha!
Hay, mainam pa nga na simulan ko na ito at anong oras na din. Gusto ko na umuwi nang makapanood ng news at uminom ng beer habang kumakain ng hapunan.
In every stroke of my pen as I answer the test papers, hindi ko maiwasang mapangiti. This Hannes will really go a long way. For someone his age, kahit napaka-slow sa ilang bagay, I see nothing but an optimistic person. The optimism that I never had in the first place. I just realized, my mind set had become so realistic that instead of thinking that best things are about to come and that I just have to believe in it, worst possible scenario ang iniisip ko and the strategies on how I could avoid or extinguish them.
Because I used to think, wishing is somehow equal to being delusional. Believing is not enough especially if you can't do things by yourself and that proved me wrong in the long run. Believing is actually a strength that only you can do when no one else does, when no one else wanted to, when that is the only choice left for you.
Naalala ko nanaman ang highschool friends ko. Siyempre, Janno and Perry ang primary kong naaalala dahil sila naman ang talagang mga ka-ungguyan ko noon. Naging achiever ako sa school kaya naman laging ako ang unang nilalapitan ng dalawang unggoy. Naging effective sa akin ang pagiisip ng strategies para nga sa mga worst case scenarios. It gave me a huge edge to even nail the position of Student Council President na walang kahirap hirap.
Hindi ako tumakbo but most people of the student body and Faculty members sent their recommendations kaya siguro naging mayabang ako in a way. Once, I was even called "The Strategist" dahil madami sa mga estudyante ang lumapit sa akin nung nagkaroon ng incident of a bomb threat sa Forbes. Even teachers. Lagi ako kasama sa mga meetings and they are willing to hear my thoughts.
Inisip ko na magiging maganda sa portfolio ko ito pagdating ng college pero I never knew that I had to face a lot of consequences. Many people hated me. Many people tried to harass me. Makita lang nila ang aura kong arogante para sa kanila, nararamdaman ko ang talim ng mga tingin nila sa akin; as if they want me dead. Marami ang lumayo sa akin maliban lang kay Janno at Perry; kahit indirectly ko na silang pinagtatabuyan, in fear na baka pag-initan din sila.
YOU ARE READING
RESTART
FantasyWhat if one day, life gave you a sudden surprise na paggising mo isang araw, you are back to your 10 years younger self? Ano ang una mong gagawin? Cover by: Rhenee Jasmine Dado