Chapter 7

19 3 0
                                    

Jiro

Nagising ako at isang mataas na kisame at puting kwarto ang bumati sa mga mata ko. Aaahhhh punyeta... Ang sakit ng buong katawan ko! I just remembered na nahulog nga pala kami sa hagdanan.

Binati ako ng maganda, sexy, makinis at artistahin naming nurse, "Gising ka na pala Mr. Magante. Miss Yuri helped us to get the both of you here. Siya kasi ang nakakita sa inyo sa may stairs. Your friend Rhian by the way is okay and she just need a little rest. Though the only problem is, lamog na lamog na ang braso niya at hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi siya pwede mag-compete sa Nationals. By the way, I commend you for being a real gentleman. Girlfriend mo ba siya?"

What the f*ck?!

"Uh no, no. You are mistaken. It was an accident. But ma'am, ang sakit po talaga ng katawan ko. Kailangan po ba talaga na nakabalot ng benda ang katawan ko?"

Lumapit sa akin si Miss Nurse at hinawakan ang dibdib ko to check the bandages.

"Nahihigpitan ka ba?" parang nanlalambing nitong sabi.

Oh my Goooddd! Her hand felt so soft, warm and fuzzy! Pati ang pag-check niya sa pulso ko para akong nilalambing. Damn! Mabilis akong umiwas sa napakalalambot na kamay ni Miss Nurse dahil a certain force started to build up on my manhood. Damn, she is really hot! Not my type, but f*cking hot!

Woooh! Gusto ko mag-yosi! Parang dudugo ata ang ilong ko!

"O-okay na po siguro ako Miss Nurse. He-hehe..." and I covered my manhood as discreet as I can. Else, malalaman niyang may isang manyak ang nakikitira sa katawan ng isang high school student. Shiiitttt. Masakit pa naman 'to sa puson! Ggrrrrr!

"Anyway, may mga pasa ka kasi especially sa likod mo. But don't worry. For someone young like you, you'll be in shape in no time. Nothing serious..." tumingin ito sa relo niya that looked like it reminded her of something "...Wait, lalabas ako sandali ha? Tatawag lang ako sa Pharmacy na pinagkukuhanan natin ng supplies because we are running out of stocks. I'll be back in a sec."

"O-okay."

At lumabas na si Miss Nurse. Luminga ang mata ko at nakita ang bag na lamang ni Rhian na nakapatong sa tabi ng kama niya. Hindi ko na makita ang kulay dilaw na bag ni Yuri na dala niya kanina lang. After all, I was right. Kinuha niya talaga ang bag ni Yuri. Pero ang malaking tanong ko, bakit?

Though isa lang naman ang dahilan na naiisip ko, I was hoping na makausap ko pa din ang batang ito. Kapag nalaman ito ng school admin, pihadong madudumihan ang record niya dahil stealing is a major offense. Kahit saan naman ata saang school, this will never be treated as anything minor.

"Sabi ni Miss Nurse ok ka lang daw. Bakit hindi ka pa umuwi?" biglang nagsalita si Rhian at dahan dahang umupo sa kama.

Hindi ko siya kaagad nasagot. Since mukhang narinig naman niya ang sinabi ni Miss Nurse, hindi ko din alam kung ano ang unang mga salita na ilalabas ng bibig ko. I don't know. Hindi ko din maitago ang disappointment ko sa kanya and maybe, just maybe, it is written all over my face.

"So, sigurado ako sasabihin mo 'to kay Hannes." Pagpapatuloy niya. Wala halong galit ang boses nito but right now, all I am seeing is a girl who is tired of resisting.

Sasabihin ko nga ba? O hahayaan ko na lang na malaman ni Hannes sa iba? Si Hannes kaagad ang unang pumasok sa isip niya. Paano naman si Yuri na ginawan niya ng mali? Hindi pa din ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Pumasok sa isip ko ang blangkong mukha ni Yuri. Ngayon na isa na siyang President, kami pa din ang madalas na magkasama ni Hannes. Paano pa kaya ngayon na nagkaroon ng ganitong pangyayari? I am sure that the awkwardness will be suffocating. Gusto ko na makialam dahil wala namang kasalanan si Yuri kung tutuusin maliban sa pagngiti niya ng mukhang nagbabatang tapusin ang buhay mo.

RESTARTWhere stories live. Discover now