Jiro
Ahhhh aray aray aray! Ansakit ng ulo ko pati ng mukha ko. Dagdagan pa ng araw na ansakit sa mata.
Inabot ko ang cellphone ko at nakita ang oras na alas-otso na ng umaga. Tanghali na ito kumpara sa normal kong gising na ala singko.
Pahinga na lang muna ako siguro ngayon dahil masakit talaga ang ulo at katawan ko. Besides, pihadong babagsak lang din naman ako sa magiging interview ko. Awat na muna.
Makapaghilamos na nga lang. Muta man lang matanggal.
Mabilis kong hinilamusan ang mukha ko para makabalik na ako sa paghahanap nanaman ng trabaho na ma-aaplyan sa diyaryo. May part time naman ako mamayang hapon kaya mabuti na din na ---
ANAK NG--!!!
Ako ba itong taong nakikita ko sa salamin? Siguradong ako ito but something seems off. I examined every feature of my face and it really looked like... me --- 10 years ago! My highschool self!
Nagpapanic na ako. Ngayon ko lang napansin na medyo may kaluwagan ang suot kong pantulog na hindi ko na napansin na nalaglag na pala sa ilalim ng pwet ko ang jogging pants.
Tumakbo ako papasok sa kwarto ko para harapin ang mas malaking salamin at ang parehong imahe ang ipinakita nito sa akin. Ang batang ako.
Hinablot ko ulit ang telepono ko at tinignan ang date. Baka kasi nananaginip lang ako at nasa ibang timeline ako. Baka isa lamang itong joke o nasa isang reality show ako.
Nagpalakad lakad ako sa loob ng kwarto na hindi malaman ang gagawin.
Anong nangyari? Anong nangyari?! Isip! Isiiip!
Puro pukpok sa ulo ko ang ginawa ko. Naiinis ako na nafu-frustrate dahil maliban sa umuwi ako ng mag-isa, wala na akong...
"So I got your attention now? Oh uminom ka muna. Sigurado ako nauuhaw ka."
Ito ang isang bagay na kumatok sa ala-ala ko. Kinuha ko ang suit na suot ko kahapon at mabilis na hinanap ang inside pocket nito.
Nakuha ko mula dito ang isang business card na galing sa lalaking nakausap ko kagabi. Hindi ko masyado maalala ang mukha niya pero sigurado akong may nakausap ako.
"Sigurado ako nauuhaw ka."
Isang hint nanaman ang isinigaw ng utak ko na nagpabilis sa tibok ng puso ko. Nilingon ko ang receiving area ng bahay ko dahil dito ko naaalala kung saan ko madalas na nailalapag ang mga gamit ko pag-uwi, kahit pa lasing na lasing ako.
Halos matapilok ako nang mapatakbo ako papunta sa lamesa ng receiving area nang makita ang isang bote ng sports drink. Wala na itong laman pero may kaunting natirang kulay red na liquid sa loob nito.
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at napasigaw ng malakas!!!
"AAAAHHHHHH!!! WALANGHIYA!!! Papaano ako makakapag-part time pa nito ng ganito ang itsura ko?! Sinong maniniwala sa akin na 28 na ako kung bibili ako ng sigarilyo at beer sa tindahan?! Papaano ako papasok mamaya?! Papaano ako magkakapera at makakapaghanap ng trabaho?! Hayup kang... ano nga ba ulit ang pangalan nun? Asan ba 'yung business card? Ah! Byron! Hayup ka Byron! Anong ginawa mo sa gwapo kong mukhaaa! Kapag nakita kita yari ka akin!!!"
Sa pagwawala ko, nadulas ako sa gulat nang may mag-doorbell sa unit ko. Ansakit ng pwet ko na hindi ako nakatayo kaagad.
Lalo akong kinabahan. Sino kaya itong mga ito? Meron ba akong nagawang hindi maganda nung ininom ko ang sports drink? Shit, baka mga pulis 'to! Yari ako!
YOU ARE READING
RESTART
FantasyWhat if one day, life gave you a sudden surprise na paggising mo isang araw, you are back to your 10 years younger self? Ano ang una mong gagawin? Cover by: Rhenee Jasmine Dado