Chapter 4

13 1 0
                                    

Jiro


Ilang taon na din ang nakalipas since the last time that I wore a PE uniform. It felt nostalgic. My inner 28 year old self is laughing dahil sa mga kalampahan ng mga kaklase ko. Nasa likod ako ng pila, nakasandal sa isang puno, habang pinapanood lang sila.

"Muntik ka na nung nakaraan kay Yuri ah." bati sa akin ni Byron na naka-PE uniform din.

"Ah, nakita mo pala 'yon?" sumandal ako sa malaking puno habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko.

"Oo. Kita ko nga kung paano namuti ang mukha mo. Gusto nga kita sanang tawagan para bwisitin. Ang panget mo nun kasi. Hahahahaha!" panunukso ng baliw na si Byron.

"Tumigil ka nga diyan. Pero kinabahan ako talaga dun. Akala ko mabibistado ako."

Tinawag na ang pangalan ni Hannes. Tumayo ito at kinawayan ako.

"Oyyyy! Jiroooo! Tignan mo ang pinaghalo halong kapangyarihan ng kagwapuhan, katalinuhan at kakisigan ko! Wala nito sa Forbes! Tuturuan kita kung paano magpa-inlove ng mga babae at kung paano ka nila sasambahin! Tignan mo kung gaano kataas at kalayo ang tatalunin ko! Watch and learn!" pagyayabang nito sa akin.

Natawa lang ako at tinanguan si Hannes.

Arms crossed, sabi ko kay Byron, "Pupusta ako. He will suck. I've watched this scene for sooo many times."

"Talaga? Mukhang close ka kay pretty boy ah. He will?" natutuwang sagot sa akin ni Byron.

Tumalon na ang mayabang na Hannes.

"Ayan na." sabay naming sabi ni Byron, eyes glued to Hannes.

Feel na feel pa niya pero... dalawang metro lang ang layo ng natalon niya. Dalawang metro na nga lang, nasalubsob pa!

Tahimik na tumawa si Byron ngunit hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Trip ko mang-asar ngayon. Sabi na nga ba eh!

"Looks like you are right after all." Sabi ni Byron na hindi na makahinga kakapigil sa tawa.

"HAHAHAHAHAHA! 'Yun na 'yon?! HAHAHAHAHA! Ilang babae ang nainlove sa'yo sa dalawang metro na naitalon mo? May sumamba ba? Hahahahaha! You are waaayyy below average! Ako ang magtuturo sa'yo! Miss Pia! Call my name next!"

Nakangusong bumalik si Hannes sa pila na pulang pula sa hiya. 'Yan ang napapala mo! Hahahaha!

Takte. Maning mani lang 'to. I am fired up and I will show this youngins how it feels to be great at something! Lagi akong number 1 dito noong highschool so don't take me lightly!

"Okay fine. You are next Jiro. Kayong mga bata talaga." Nakangiti at mukhang natutuwang sabi ni Miss Pia.

Nakipagtitigan pa ako kay Hannes na nanghahaba ang nguso.

"Bleh!" pang-aasar ko sa kanya sabay talon ng mataas!

"Ito ang high jump Hannes! Panoorin mo! Panoorin moooo!" ramdam ko ang malakas na hampas ng hangin sa katawan ko at ang taas ng talon ko. Mainggit kayoooo!

Lumapat na ang mga paa ko sa lupa as I feel all high ang mighty.

"How's that?!" sigaw ko. Hay, I haven't done this in years. Isang talon pa lang ang nagagawa ko hingal na hingal na ako. Haaay, may edad na nga ako.

Tahimik ang paligid at gulat na gulat ang mga expressions nila, lalo na si Hannes. B-but something is wrong. Unti unting nagpulahan ang mga mukha nila.

Ang "surprised" expression ni Hannes ay unti unting napalitan ng isang mukhang mamamatay na any minute... sa tawa.

HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHA! Umalingawngaw sa field ang lakas ng mga tawa nila.

RESTARTWhere stories live. Discover now