Chapter 5

7 1 0
                                    


Rhian

Pagkatapos ko mag-practice para sa nalalapit naming tournament sa Arnis Nationals, I walked towards our classroom dahil naiwan ko pala ang isang bag ko doon. Nauna na rin kasing umuwi si Pauline kasama ang mga childhood friends niyang sila Alistair at Justin since magkakapitbahay lang din sila.

Buti pa si Pauline. Buti pa siya. Napaka-happy go lucky niya, walang pakialam sa mundo, minsanan lang mag-practice, pero lagi siyang nakakasungkit ng gold medal sa competitions. Saang sulok ka man ng school tumingin, meron at merong humahanga at nagchi-cheer sa kanya. Paano ba niya ginagawa ang ganun? She's almost effortless pero ang galing galing niya. Basta laro lang siya ng laro.

To be exact, nilalaro niya ang laro.

Ako, I dearly loved this sport. I love it with all my heart. Pero bakit hindi ko mapantayan ang galing niya kahit madalas na akong umuuwi na mukha akong nakipagbuno sa kalye? Kahit anong pagod ko, kahit anong practice ko?

I did well in my subjects too. All of them! Pero kahit sa pag-aaral, kahit anong pagod, hirap at pagpupuyat, meron pa din isang taong mukhang effortless lang din sa kanya ang lahat. She's even mocking me all the time! Mula nang makuha niya ang dati kong position, lagi niya akong nginingitian na para niya akong iniinsulto tuwing may pagkakataon!

Sabihin na natin na halos araw araw niya akong binubwisit! Natatawa siya dahil nakuha niya ang dapat na sa akin? Ako dapat ang President! Ako!

Kapag kinakausap o tinatawag niya ako, I believe I tried my best na maging civil sa kanya. But it all ends up just the same. Lagi niya akong pinagtatawanan! Para niyang sinasabi sa akin na, hindi ko siya kayang labanan sa kahit na ano. I love Arnis pero wala siyang interes dito. Alam niyang being the President also mean so much to me and that is where she is hitting me the hardest!

If she only knew na halos kalahati ng pagkatao ko bilang isang estudyante ang nawala sa akin! Kung alam lang niya! Kung alam lang niya! Pasalamat siya at nakakapagtimpi pa ako!

"Hey!" tawag ng isang boses sa akin.

I suddenly stopped on my tracks. Just looking at him makes me want to cry. He is a constant reminder of something that I lost. A reminder that hindi na ako ang una niyang nilalapitan kapag may mga plano siya sa batch. Hindi na rin ako ang una nitong nilalapitan kapag kailangang kailangan niya ng opinion.

Just because of that stinking Yuri!

"H-hey! After class work?" sagot ko. May mga hawak kasi itong libro na mukhang dadalhin sa Faculty. Ang lagi naming ginagawa after class. Ang trabaho naming dalawa noon.

He greeted me with his usual, cheerful smile "Oo. Ikaw bakit andito ka pa?" sabay baba nito ng mga libro, directly looking at something na hindi kumukurap.

"Galing ako kasi ng practi--- aray!" mabilis niyang itinaas ang sleeve ng uniform ko, showing the bruises I had during practice.

"Ooohhh... Parang mas malala ata mga pasa mo ngayon? Went all out again? Tapos mas malalaki din. Dapat pala pinerfect mo yung test natin para ikaw pa din ang ka-partner ko as President. Hindi ka naman nagkakaganyan dati. Teka, alam ko na! Kasi mas marami kang oras ngayon kaya mas matindi ang practice na ginagawa mo, tama ba?"

God, help me. Gusto ko siyang batukan ng ilang ulit. Kung noon nagagawa ko, ngayon hindi na dahil baka paliparan ako ng papel ng bruha niyang ka-partner ngayon. Kaso... kaso... hindi ko basta ma-take ang katangahan ng lalaking ito! I can't even believe na top scorer namin siya! Nakakagigil ngang talaga!

Kahit pumuputok na ang ugat ko sa inis dahil sa minsanang tindi ng katangahan niya, sinagot ko siya ng maayos dahil ayokong mapapelan. Ngumiti na din ako kahit pilit, baka ipamukha pa niyang siya ang President ngayon at i-power trip pa ako sa pagiging rude ko. Baka hindi rin ako makapagtimpi kapag ginawa niya iyon at mabanatan ko siya ng husto.

RESTARTWhere stories live. Discover now