Jiro
"Bakit apat na buwan lang ang itinagal mo sa dati mong kumpanya?" tanong sa akin ng final interviewer na nangyaring isang site Director.
Pangalawang kumpanya na itong inapplyan ko ngayong araw.
Araw araw akong naghahanap ng trabaho at nag-aapply pero walang tumatanggap sa akin. Lagi akong pumapasa sa lahat ng exams at initial interviews pero dito ako nadadali sa final parati.
Pati sa unit ko, tambak na ang mga dyaryo na may Classified Ads.
"I-I can say, the Director and I are already looking at different directions." Sagot ko.
Pero natutunan ko na ang sagot kong ito ay nagbubukas ng can of worms pero ito pa rin ang pinipili kong isagot, in hopes na maiintindihan din ako ng nag-iinterview sa akin since ito din naman ang totoo.
"Why do you think so?" follow up niyang tanong.
Napadiin na lang ang hawak ko sa mga tuhod ko dahil sa nakita kong reaksyon ng mukha ng taong nag-iinteview sa akin.
Sa dami ng interview na pinagdaan ko, alam kong negative na ako dito. Pero out of courtesy, sinagot ko pa din ang tanong niya ng maayos.
"The Director is looking for the wrong type of success. I don't see myself growing in a company that jeopardizes the safety and dignity of their employees just because." Pagtatapos ko.
Ilang segundong natahimik ang Director na nag-iinterview sa akin habang muling binabasa ang resume ko na karamihan ng nakasulat ay ang mga part-time jobs na napasukan ko.
Nakakatawa nga eh. Graduate akong tao pero nagtatrabaho ako kung saan saan. Traffic aid, waiter, minsan taga-lakad ng mga aso sa umaga, taga-bantay ng mga anak ng mga taong hindi ko kakilala, taga-distribute ng flyers, kahera sa convenience store, taga-linis ng salamin ng building at kung anu ano pa.
Minsan nga ilang linggo ang lilipas, wala akong makukuhang raket.
Gusto ko man tuluyang mawalan ng pag-asa pero kasalanan ko din naman kung bakit ako humantong sa ganito. Malakas ang naging tama talaga nung trabaho ko na ilang buwan lang ang itinagal ko.
"Pwede ko ba malaman kung bakit palipat lipat ka ng trabaho the past three years? I mean, graduate ka sa magandang University at may magandang scholastic records. Bakit nagtitiis ka sa pagpa-part time? Sa ilang buwan mo sa unang trabaho nalaman mo na ang pagkakaiba ninyo ng direksyon ng boss mo?" tanong muli ng may edad nang Director.
Dahil malakas ang pakiramdam kong bagsak naman ako, wala namang mawawala kung sasabihin ko na ang totoo. This way, iniisip ko na lang na para akong nakikipagusap sa isang tao at nagsasabi ng problema kong hindi ko masabi sa iba. Besides, I want this done and over with. Gusto ko na lumabas sa kwartong ito dahil naso-suffocate na ako.
"Because three years ago, I immediately resigned to that company in which I only rendered my service for only roughly five months. So landing a job for my desired position was never a walk in the park because I got the slightest experience to say the least. Hindi ako nahihiyang aminin that I have been doing random part-time jobs dahil nakakakain ako dahil doon. Mahirap, pero sa mga part-time jobs ko nakilala ang mga taong may totoong malasakit sa empleyado. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, makakapagtrabaho din ako sa opisina ulit. That someday, I can be a part of a company that values not only their margins and revenue, but their employees as well." Pagatatapos ko.
Hindi ko matignan ng diretso sa mata ang nag-iinterview sa akin. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Hindi tulad ng ibang mga nag-interview sa akin, wala akong makitang kahit na ano sa mukha niya.
YOU ARE READING
RESTART
FantasyWhat if one day, life gave you a sudden surprise na paggising mo isang araw, you are back to your 10 years younger self? Ano ang una mong gagawin? Cover by: Rhenee Jasmine Dado