Jiro
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kaklase kita?!"
Cool at kalmado lang si Byron. Nakapamulsa itong naglalakad habang iniikot ako sa school. Vacant period kasi ngayon.
"Huh? Kailangan ko ba ipaalam sa'yo? Minsan, maganda ding hinahaluan ng sorpresa ang mga bagay bagay." pa-inosente nitong sagot sa akin.
May punto siya. With him here, I just realized it is understandable dahil nga program facilitator siya. Nasorpresa lang siguro talaga ako. Tsaka napahiya ako!
"Maliban sa program facilitator ka, bakit kaklase kita? Tsaka second year mo na dito? Ibig sabihin meron ka na ding inassist prior sa akin? O highschool student ka talaga?! At ilang taon ka na?!"
"Woo-hooh! Good question. What do you think?" ito nanaman ang parang mga nang-aasar niyang mga ngiti.
"Ano ka? Babaeng nagtatanong kung anong iniisip nila sa'yo? So ano ka sa dalawa? Higschooler o an adult?"
Palinga linga lang sa paligid si Byron habang sinasagot ang mga tanong ko. Ano ang totoong Byron? Yung bata o yung mukhang kaedad ko? Hindi ko matatanggap na pumirma ako ng kontrata mula sa isang bata kapag nagkataon!
"I have to watch over you the entire time dahil parte 'yan ng mga observation ko para i-report. Sinabi ko na sa'yo, bago lang ang kumpanya namin pero hindi mo ito pwedeng maliitin dahil sa laki ng funds at promise ng experiments na gagawin namin. Actually, as we speak, marami na ngang nagpapadala ng proposals from other countries kahit wala pang solid development. Malamang, my work doesn't end where I go home from school. Marami pa akong ginagawa afterwards. Siyempre kailangan ko din mag-aral. Kailangan ko makipagsabayan. Mahirap na kung maghihinala ang kahit sino sa akin. Huwag ka din mag-alala at ka-edad mo din ako. 28 years old. Gusto ko ma-offend ha. I believe I spoke to you as an adult. Technicalities and all?" natawa nanaman ito.
Okay, I get it. Nakahinga ako ulit ng maluwag.
"Pero kung experiment lang naman ito, bakit kailangan ko din mag-aral?"
I hate studying. Tapos na ako sa phase ng pag-aaral and I have given my exemplary fair share of academic records, more than enough para makapasok ako sa magandang University.
"Pwede ka namang hindi mag-aral. Pero dapat handa ka sa pwedeng maging consequences. Una, pwede 'yang pagsimulan ng duda. Pangalawa, kung okay lang sa'yo na after one year eh wala kang makukuhang trabaho sa amin, by all means do it. Hindi ka ba nakikinig? Kakasabi ko lang kanina na ako nga nag-aaral para hindi mapagdudahan. Ikaw pa?"
"Teka! Wala naman nakalagay sa kontrata natin na kailangan kong mag-aral ah? Sabi lang doon, kailangan ko pumasok sa school on a day to day basis!"
"I know. Pero nakalagay doon na depende sa performance mo kung iaabsorb ka namin o hindi. Studying is also part of your performance." nakangiti nitong sagot.
Damn. So that is what it is all about. Whatever. Madali lang naman ang subjects ng high school.
"Fine. Pero teka, mabuti na lang din at nakausap kita. Meron sana akong pabor sa'yo. Importante."
"Hmm?"
"Pwede mo ba ako bigyan ng drink para bumalik ako sa pagiging adult?"tanong ko sa kanya.
Nagbago ang itsura ni Byron. Naging seryoso ito, "At bakit?"
"Kailangan ko mag-resign ng maayos sa part-time job ko mamaya. Hindi ako makakapag-resign na ganito ang itsura ko."
Pansamantalang napahinto si Byron at tumingin sa kawalan, "Sige. Pero dapat kasama mo ako mamaya."
YOU ARE READING
RESTART
FantasyWhat if one day, life gave you a sudden surprise na paggising mo isang araw, you are back to your 10 years younger self? Ano ang una mong gagawin? Cover by: Rhenee Jasmine Dado