Chapter 7

2 0 0
                                    

"Now? Susunod na lang siguro ako, may mga tsine-check pa kasi akong details para sa mga events this month." Sabi ni Ava sa kaibigan niyang si Toni na nasa kabilang linya.

"It's Nicole's birthday, you have to be here. Katapat lang ito ng office 'day! Don't wait for me to go there at kaladkarin kita ha. Kilala mo ko." Sagot nito sa kaniya, alam niya pag sinabi ni Toni na gagawin niya, ay gagawin niya talaga. Na-experienced niya na ito first hand sa same situation. Kinaladkad na rin siya nito nung time na late na wala pa siya sa bar.

"Okay fine, give me thirty minutes. Tatapusin ko lang yung mga kailangan ng approval at konting e-mails."

"Sige, thirty minutes; see you!"

Wala pang thirty minutes ay natapos na niya ang mga dapat niyang gawin. The bar is packed since it is Friday kaya medyo nahirapan siya bago makarating sa pwesto ng mga friends niya. Nakita niyang mukhang tipsy na ang mga kaibigan niya at may isang bagong mukha.

"Nicole! Happy birthday!" bati niya sa kaibigan sabay beso.

"Wow, himala sa himala maaga ka sa sinet mo na time! Very good ka diyan girl." Sabi sa kaniya ni Toni.

"Ang aga pa may tama ka na? Where's Jaz?"

"Nasa bahay kasama si Luke, pinabayaan ko na lang muna. Anniversary daw nila"

"Talaga ba?" sagot ni Ava at nagka-tawanan silang dalawa.

"Sorry, we're being rude. Alfred, this is Ava. Ava, si Alfred, Nicole's boyfriend" pagpapakilala ni Toni kay Ava sa bagong mukha. Gwapo ito, maputi at mukhang koreano, inilahad naman ng lalaki ang kamay niya at ngumiti, inabot naman ito ni Ava.

"Nice meeting you, Alfred.Enjoy the night"

"Nice meeting you too, salamat"

" Eh ikaw, kailan mo naman balak magka-boyfriend?" Tanong sa kaniya ni Toni na may halong pang-aasar.

"Oo nga Ava?" sinundan naman ni Nicole

"Hey, hindi ko gabi ito ha. Hindi ako dapat ang ini-interview niyo" Sagot ni Ava sabay inom ng kanyang favorite cocktail na ipinangalan na sa kaniya dahil sa ito ang lagi niyang ino-order at kilala na siya ng mga bartender doon.

"May kamukha ka, hindi ko alam kung saan pero parang nakita na kita." Sabi ni Alfred, na ikinagulat naman nilang magkaka-ibigan.

"Imposible, hindi ako celebrity." Sagot niya then blew the smoke out of her mouth.

"Sweetheart, baka naman nakasalubong mo na siya since sabi mo ilang beses na rin kayo pumunta ng boss mo sa building na katabi ng office ni Ava."

Napa-ubo si Ava nang marinig ang salitang sweetheart, naalala na naman niya ang palakang prinsipe na 'yun.

"Okay ka lang 'day?" tanong sa kaniya ni Toni

"Yes. I'm okay. So sa Junio Tower ka pala nagta-trabaho?"

"Hindi pa, nire-renovate pa kasi yung office ng boss ko. Pero malapit na rin naman, three weeks ago niya nabili yung building since that day nag-start na rin ng renovation. Kapag natapos na saka kami lilipat."

"That's smooth."

Maya-maya pa ay nag-paalam na sina Alfred at Nicole sa kanila dahil lasing na ang huli. Silang dalawa na lang ni Toni ang natira, this time hard liquor na ang iniinom nila. Tulala lang siya most of the time kahit na ang dami-dami nang kinukwento ni Toni.

"Huy, Madame! Hindi ka na nakikinig, kanina ka pa tulala"

"Sorry, nakikinig ako, medyo tinatamaan na siguro ako."

"Sige na 'day i-splook mo na yan, hindi ka naman lalakas manigarilyo kung wala kang itinatago diyan. Parang hindi kita kilala, ano ba 'yun?"

She let out a deep sigh.

"I went to Ge's wedding yesterday."

Nanlaki ang mga mata ni Toni sa narinig mula sa kaibigan. Alam niya kung ano ang napagdaanan ni Ava noon.

"Wow, bet, martyr ka friend!!!" si Toni, with matching palakpak at standing ovation

"Mamang, okay na rin 'yun. Atleast sarado na ang lahat lahat sa amin ni Ge. I agreed na lang na maging friend niya ulit."

"Like before? Close friends?"

"Hindi naman Mang, just friends. And isa pa, malabo na mag-krus ulit ang landas namin. Pinagbigyan ko lang since kasal naman niya. It's better than being bitter right?"

"Ewan ko 'ha, feeling ko yan pa lang ang simula Ava, magkikita at magkikita pa rin kayo."

"Well, kung ganoon man wala na lang 'yun."

"So ano pa ang nangyari? Kwentuhan mo pa ako."

Ikinuwento ni Ava ang lahat ng nangyari sa kasal pati na rin ang nangyari sa kanila ng palakang prinsipe. Kinilig naman si Toni sa kwento niya.

"Whatever girl, whatever."

"Let's just enjoy the night 'mang."

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now