Chapter 3 Montgomery- Alfonso Nuptial

2 0 0
                                    

Wow! Wedding of the year ba?

Sobrang na-amazed si Ava nang makarating siya sa simbahan, bongga ang designs at floral arrangement dito. Ang daming guests, 'yung iba familiar faces kasi relative iyon ni Gerard, 'yung iba naman celebrities at 'yung iba naman marahil ay business partners. Siyempre hindi nawawala ang mga photographers at may mga reports rin galing sa mga kilalang television networks na nasa kani-kanilang mga pwesto to cover the event.

Last time she remembered ay simpleng tao lang ito and she never thought he'll be this big. Ni-remind niya ang sarili niya na mag –research about sa pamilya ni Victoria pagka-uwi niya mamaya.

Papasok na sana siya sa loob ng simbahan nang mapahinto siya. A familiar voice called out her name. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, pati mga kamay at paa niya nanlamig. Nati-tense si Ava hindi niya alam kung haharap ba siya o hindi.

"Ava?"

Napapikit siya, she bit her lower lip. Heto na 'yun, pagkalipas ng ilang taon muli niyang makakaharap ang dating kaibigan, ang unang lalaking nakasakit ng husto sa puso niya. She took a deep breath at hinarap ang taong tumawag sa pangalan niya.

"Gerard" tugon niya habang lakas loob niyang tiningnan ang binata sa mga mata nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya, mukhang aatakihin pa yata siya.

Napansin niyang nag-mature ang hitsura ng dating kaibigan pero gayun pa man nanatili pa rin ang charisma nito. Mas lalo itong gumwapo at nag-mukhang prinsipe sa suot na puting tuxedo. Lahat ng ala-ala nila mula pagkabata ay nag-flash back kay Ava lalo na yung araw na pinaka–ayaw niyang maalala. Nawala lang siya sa trance nang mapansin niyang papalapit ang binata sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit pero she took a step back, na napansin naman ng groom and he decided to stop and maintained the distance. Nakatitig lang ang dalaga sa ex-bestfriend slash first love niya and she doesn't know what to say. Then there's silence.

He was the one to break it.

"Thank you for coming. Akala ko hindi ka na pupunta..." Paumpisa nito, masaya siya na makita ang dalaga.

"Ge-"

Hindi agad nasundan ni Ava ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ng groom.

Malinaw naman niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki kahit yakap siya nito.

"I'm sorry, I'm really sorry Ava."

She gently pushed him back.

"Ge, matagal na 'yon. Okay na."

He was amused with what he heard from her and yes, he can see that. She's very different now, he smiled and started speaking again.

"I've been wanting to tell you this; I swear, Ava. Sobra kong pinagsisihan ang nagawa ko sayo. Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko that time, I'd been a jerk. I tried calling you but you kept on rejecting it. Pumunta ako sa inyo pero sabi ni Tita Candice ayaw mo raw tumanggap ng bisita, inabangan kita sa mga tambayan natin pero hindi rin kita nakita. Nalaman ko na lang na lumipat ka na ng ibang school. I tried everything to reach you pero nawala ka na lang bigla. I must confess, hindi ka nawala sa isip ko. Kaya naisip ko na baka this time pagbigyan mo na ako. Kinapalan ko na mukha ko and called Tita para makuha ang address at number mo. Sabi niya address lang ang maibibigay niya sakin pero okay na sakin yun. Akala ko mamamatay na lang ako na hindi ako napapatawad ng kaibigan ko. I hope you can still forgive me."

Hindi na napigilan ang tawa niya.

"Bakit?" tanong ni Gerard habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago Ge, iyakin ka pa rin"

"Beng naman"

She smiled. Sobra ang iginaan ng pakiramdam niya, nawala ang bitterness sa sistema niya.

"Friends again?" tanong ni Gerard sa kaniya.

"Oo naman. Congratulations nga pala."

"Thank you." He answered.

Maya-maya pa ay tinawag na siya ni Elizabeth, ang wedding coordinator, to inform him na dumating na ang bride.

"I'll be there." Sagot nito sa coordinator. Nauna rin umalis si Elizabeth. Muling hinawakan ni Gerard ang kamay ng kaibigan.

"Thank you talaga, you are one of the reasons kung bakit napakasaya ko ngayon. by the way, you looked so gorgeous!"

Nginitian niya lang ito.

"She's waiting for you." Sabi na lang ni Ava.

Tumango naman ang binata, binitiwan ang kamay niya saka nakangiting tumalikod sa kaniya at umalis. And there he goes, freed.

Pumasok na rin siya sa loob ng simbahan at naupo sa bandang likuran, wala siya sa mood maki-mingle sa mga kakilala niyang naroon sa event kahit na naging ka-close niya rin ang mga iyon lalo na ang mommy ni Gerard na si Giselle. Maya-maya pa'y tumugtog na ang piyanista; papasok na ang bride, siya namang nag-tayuan ang mga tao.

Lumingon siya sa likuran at hindi niya napigilan ang sarili at medyo napanganga siya nang makita si Victoria. Kahit naka-veil ito ay litaw na litaw ang mala-goddess na kagandahan nito na, of course, sa isip niya, wala siya. Heto na naman si insecurity.

Ansaveh ni Kate Middleton? Sabi niya sa kaniyang sarili nang makita niya ng malapitan ang gown ng bride. Heart shaped tube top, embroidered ng mga silver pieces at parang kasal ng goddess na si Aphrodite ang napuntahan niya at ang trail, PAK! Kasing haba ng EDSA. Matapos niyang makilatis ang bridal gown ay napansin naman niya ang katabing ginoo ni Victoria. The father of the bride, he was strikingly handsome kahit pa sabihin na medyo may edad na, ay for sure, may mga babae pa rin na ma-a-attract dito.

What's up with Gerard and all these beautiful creatures?

Sa wakas natapos na rin ang wedding ceremony with the priest announcing,

"You may now kiss the bride!"

Last week she was furious about the invitation, but now, she realized that she's really over him. She smiled at nakipalakpak among the guests. She's feeling satisfied. 

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now