CHAPTER 11 THE NEW OFFICE

2 0 0
                                    


Monday na ulit. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas when she had the shock of her life nang malaman niyang ang palakang prinsipe pala ang bago niyang boss.

"Bakit naman siya pa?" tanong niya sa kaniyang sarili. Ngayon, hindi niya alam kung paano siya papasok sa trabaho na hindi nakakaramdam ng kahit anong awkwardness. Sigurado siya na juicy item na siya sa opisina nila dahil sa nangyari noong sabado.

"Oh shit. Baka kaya pina-renovate ang pwesto namin kasi doon na siya mag o-opisina? Paano na?" Bulalas niya. "Pero, hindi naman siguro. Feeler na ako masiyado nun. Anyways, I'll just act naturally. Parang walang nangyari."

Ganoon nga ang kaniyang ginawa. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago siya lumabas ng elevator papunta sa office. Malapit na siya sa kanilang pwesto nang makita niyang ang daming nagkukumpulan na mga babae sa may pintuan nila.

Nag excuse siya sa mga ito hanggang sa tuluyang makapasok. Nagulat siya sa nakitang malaking pagbabago ng department nila, to think, one week lang ito inayos. Nawala ang mga lamesa at napalitan ito ng dalawang kwarto. Mas malaki ang nasa kaliwa, may lounge sa gitna at ang kwarto sa kanan naman ang naging opisina ni Leila. Nakita niya kasi agad nakasabit na portrait ng lady boss.

"Ava! Buti dumating ka na." Si Gerard. Nasa lounge ito kasama sina Toni, Leila at ang bago nilang boss na si Errol. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Feeling niya nakalinya siya para i-firing squad. Nginitian naman niya si Gerard at napatingin naman siya kay Leila na nakitaan niya naman ng pagtataka sa mga mata nito.

"It seems that you two are well acquainted, Mr. Alfonso." Sabi ni Leila

"Ah, yes. Kababata ko si Ms. Mendez."

"I see, hindi yata ito nabanggit sakin ni Ava before. But that's nice to know."

Wala lang imik ang magkatabi nang sina Toni at Ava. Si Errol naman ay hindi inaalis ang tingin sa dalaga at nararamdaman ito ni Ava. Lalo siyang na-o-awkarwd-an sa nangyayari.

"Okay, ladies. Welcome to our new office and I would like to formally introduce you to Mr. Errol Montgomery, our new boss."

"He-hello Sir." Sabay na bati ng dalawa.

"Hi, ladies." Matipid na sagot ni Errol na hindi pa din inaalis ang tingin sa kaniya.

"No need for formalities, Leila. Nagkakilala na sila noong wedding ko." Pinanlakihan niya ng mata si Gerard para manahimik na sa kakadaldal at sumunod naman ito.

"Well then, let's get back to work?"

Nagmamadaling umalis sa harap nila si Ava papunta sa opisina ni Leila.

"Ava" Pagtawag sa kaniya ni Leila

"Boss?"

"Where do you think you're going?"

"To my work station?"

"Not there. That's Toni's."

"Saan po ako?"

"Here." Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niyang si Errol ang sumagot. Sinundan niya ng tingin kung saan ito nakaturo.

Sa loob?

Tiningnan niya sina Leila at Toni. Sinenyasan lang siya ng mga ito na pumunta na roon. Wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang dahan-dahan na lamang na pumasok sa loob.

Silence. Buong araw tahimik sa opisina kahit na nandoon silang dalawa ay hindi sila nag-uusap. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung bakit ganito ang naging ayos ng opisina nila. Bakit kailangan nasa loob siya ng opisina ni Errol eh, hindi naman siya ang secretary nito. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang katahimikan at nag-lakas loob na siyang nagtanong.

"Sir, Excuse me."

Iniangat naman ng binate ang mukha niya para harapin si Ava.

"Yes?" Nagtatakang tanong nito.

"Uhm... Gusto niyo po ba ng coffee or anything na maiinom?"

Subalit na imbes na sumagot ay natawa ito. Flashing his pearly whites

"Okay lang ako. Don't mind me. Isa pa, hindi mo naman trabaho ang ipagtimpla ako ng coffee. Pero if you want to get something for yourself, sige,isabay mo na lang ako. Thank you."

Damn. This man is gorgeous. 

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now