Chapter 1 Invitation

4 0 0
                                    


She can hear the birds sing and that's her cue to get up; iyon kasi ang tunog ng alarm clock niya. Though off niya from work ay maaga siyang nagising, sa ganoon na rin nasanay ang body clock ni Ava. Routine na ang ginagawa niya simula nang magkaroon siya ng trabaho at lumipat sa inuupahang apartment; mag-hahanda ng breakfast, huhugasan ang pinag-kainan, maglilinis, maglalaba, magpa-plantsa at kapag natapos na ang lahat ng gawain bahay saka siya ngayon uupo sa harap ng computer para ituloy ang mga iniuwi niyang trabaho. Kapag napagod, magpapahinga saglit or pupunta ng mall para mamili ng mga DVDs. Either chick flicks or horror ang lagi niyang kinukuha, o kaya naman ay pupunta siya sa isang coffee shop at doon magbabasa ng bago niyang na-discover na book.

Boring ba ang buhay niya? Para sa iba oo, pero para sa kaniya siyempre, hindi.

Parang may kulang? Lovelife?

Wala;hindi uso 'yun.

Simula nang ma-friendzoned at ma-brokenhearted ay hindi na siya ulit nag-attempt ma-inlove kahit crush wala. Never na rin niya kinausap ang guy "bestfriend" niya. Ilang beses na rin siyang na set up sa blind date at kung anu-ano pa ang ginawa ng mga friends niya para may makilala siyang bago pero lahat yun epic fail. Walang spark, wala siyang maramdaman. She'll usually tell them "I'm not interested" or "Ang gwapo ay para sa maganda lang and vice versa" at titigilan na nila siya. The heartache that she experienced turned her into someone new.

Busy siyang nagpe-prepare ng merienda niya nang may mag-doorbell. Iniwan niya saglit ang ginagawa at saka lumabas ng bahay. Nakita niya ang isang lalaking naka- bullcap na pula at nakaputing polo shirt.

"Ano po 'yun?" tanong ni Ava sa lalaki kahit hindi niya pa binubuksan ang gate. Aba, mahirap na ang panahon ngayon.

"Miss Mendez? Ava Bella Mendez?" tanong nito pabalik sa kaniya.

"Ako nga ho." Sagot niya na hindi pa rin binubuksan ang gate.

"Ma'am may padala ho kayo." Itinaas ng lalaki ang dala-dalang parcel na kulay gray, saka lang binuksan ni Ava ang gate nang makita ang dala ng lalaki kahit medyo alangan pa rin siya.

"Pakipirmahan na lang 'ho diyan sa may tsek." Pagkasabi nito ay iniabot niya ang clipboard na may mga nakaipit na papel. Pagkatapos niya pirmahan ay ibinalik niya ito sa kartero at saka naman inabot sa kaniya ang dala-dala nitong parcel.

"Thank you 'ho kuya."

"Welcome ma'am."

Pag-kaalis ng kartero ay agad din niyang isinara ang gate, at habang pabalik ay binubuksan na niya ang package. Sa loob ng kulay gray na parang packaging tape ang hitsura, ay isang vintage lace envelope. Pagkakita niya pa lang ay alam na niyang wedding invitation na ito kaya't ipinasok niya ulit ito sa parcel kahit hindi pa nababasa ang nakasulat dito. Pagkabalik niya sa loob ay inihagis lang niya ang package sa center table saka siya bumalik ng kusina. Maya- maya pa'y lumabas na siya rito dala-dala ang ginawa niyang toasted pandesal with butter at siyempre hindi mawawala ang kaniyang kape.

Iniusog niya ang natanggap na invitation at inilapag ang merienda niya saka kinuha ang remote ng t.v. at ini-on ito. Panay rin naman ang lipat niya ng channel dahil sa wala siyang magustuhan na palabas hanggang sa pinatay na lang niya ito at saka muling ibinaling ang atensyon sa invitation.

Isinubo niya ang natitirang piraso ng tinapay na hawak, nagpagpag ng kamay saka kinuha ang envelope. Sa isip niya isa na naman sa mga pinsan niya ang ikakasal. Nang mag-sawa siya sa katititig ay binuksan niya na ito.

Mr. and Mrs. Franco Montgomery

Request the pleasure of your company

At the marriage of their daughter

Victoria Elise

To

Gerard Alfonso

In St. Louis Cathedral, Manila

On Sunday, September 21, 2017

Four O'Clock in the afternoon

Reception will be held in Montgomery Hotel

RSVP

Elizabeth A.

09173336571 – Wedding Coordinator

Napaupo siya sa edge ng sofa, hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Bumilis ang tibok ng puso niya, nanlamig at nanginig ang mga kamay niya.

"THE NERVE!" Ava exclaimed nang malaman niya kung kanino ito galing.

It's a wedding invitation from her ex-bestfriend slash first love. Inis na inis siya, pagkatapos ng nangyari sa kanila ilang taon na ang nakakaraan heto ngayo't iniimbitahan siya sa kasal nito. Kinuha niya ang cellphone, gusto niyang tawagan ang number na nakasulat doon at sigawan kung sino man ang sasagot nito pero napigilan niya rin ang sarili. Muli niyang binitawan ang hawak na papel at nahiga sa sofa. Itinakip niya ang kaliwang braso sa mga mata niya sinusubukan niyang matulog na lang ulit pero nabigo siya.

"Haist...

...kahit kailan ka talaga Gerard!" Sabi niya habang pinandidilatan ang hinablot na invitation at muli niya rin kinuha ang cellphone sa lamesa.

THANKS FOR THE INVITATION BUT I WON'T BE THERE, YOU ASSHOLE! Yan ang nasa isip niya na ise-send niya pero iba ang na-type niya.

THANKS FOR THE INVITATION, I'LL BE THERE.

Buburahin pa sana ni Ava ang message pero imbes na DELETE ay SEND ang napindot niya.

"AY! Tanga!" Sabi niya sa sarili

Wala pang limang minuto ay tumunog ang cellphone niya.

Okay, thank you Ms. Mendez. In case you have any questions please feel free to send me a message.

- Elizabeth

Now she's officially part of the guest list.

Ano ba itong pinasok mo Ava? 'Yan na nga ang tanong niya sa sarili. 

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now