Chapter 8 THE BLACK INVITATION

3 0 0
                                    


One month later. Papasok na siya ng building nang mag-ring ang cellphone ni Ava.

"Miss me much?" bungad niya sa tumawag sa kaniya.

"Gaga! Nasaan ka na? Si Toni ang tumawag.

"Naghihintay na ako ng elevator. Bakit? Maaga pa naman ah"

"Nandito kami sa conference room. Nagpatawag ng meeting si boss Martin. Bilisan mo may ipapakilala daw." Halata sa boses ng kaibigan na excited ako sa mga mangyayari. Habang paakyat ay naglaro naman sa kaniyang isipan ang mga posibilidad kung bakit nagpatawag ng meeting ang mismong may-ari ng kumpanya. Isa sa mga naisip niya ay ang pagbenta ng kumpanya. Usap-usapan kasing ibebenta na ni Martin ang kumpanya dahil hindi niya na kayang pamahalaan ito. Maari rin tungkol ito sa promotion ng isa pa nilang boss na si Leila.

Tulad ng bilin sa kaniya ni Toni ay dumerecho siya ng conference room kung nasaan ito. Marami na rin ang naroon. Hinanap niya kung saan naka-pwesto ang kaibigan. Nakita lamang niya si Toni nang kawayan siya nito.

"Anong meron? Bakit kasama tayo dito?" Tanong ni Ava sa kaibigan. Inayos niya ang sarili saka naupo.

"Hindi ko rin alam. Dalawa lang tayong pinatawag ni Boss Lei sa department natin. May important announcement daw si Boss Martin."

Ilang sandali pa ay may pumasok ng isang lalaking nasa mid-40s na naka black suit. Siya si Martin Sy. Ang may-ari at CEO ng MSY Advertisement Agency. Kasunod niya ang isang babaeng naka-crisp white polo na naka-tucked in sa kaniyang black flair slacks paired up with black pumps na si Leila Ramirez. Umupo si Leila sa tabi ni Toni samantalang si Martin ay nanatiling nakatayo sa gitna.

"Good morning. First, I would like to thank you all for coming on a short notice. I'll just make this short. Effective Monday next week, I will no longer be your boss. MSY has been sold to a very good friend of mine."

Nagsimula mag-bulong bulungan ang mga tao sa conference room.

"Mawawalan po ba kami ng trabaho sir?" tanong ng isa sa mga naroon.

"Huwag kayong mag-alala. My friend made sure na mare-retain kayo. Walang mawawalan ng trabaho. Nasa mabuti kayong mga kamay." Sagot ni Martin sa empleyado.

"Kailan po namin siya makikilala sir?" Si Toni naman ang nagtanong.

"Ah, yes. Sa Saturday, we will be having a ball to welcome him. Lahat kayong nandito sa kwartong ito ay invited. Leila will be handing you your invitations later. Sana lahat kayo makapunta. Sayang naman kung hindi kasi this is an invitation only event. Again, it's a pleasure being with you for the past ten years. The memories will be forever in my heart. See you all on Saturday. Meeting adjourned."

Hindi naman maiwasan ni Ava na malungkot dahil sa napakabait na boss ni Martin Sy sa kanila. Nawala naman ang pangamba ng lahat nang malaman nilang walang mawawalan ng trabaho sa kanila. Lalo na siya dahil kung nagkataon, malaking problema dahil pinag-aaral niya pa ang kaniyang kapatid na si Dean na nasa college na. Pabalik na sila Ava at Toni sa pwesto nila nang tawagin sila ni Leila at ibigay ang mga invitations para sa kanila.

"Siya nga pala ladies, doon muna tayo sa mini-conference room pu-pwesto. Pinasimulan na kasi ayusin yung bay natin." Sabi ni Leila

"Aayusin po?" Nagtatakang tanong ni Ava sa boss niya.

"Ang weird nga e. Kasi ang sabi pinaiba raw ng bagong may-ari yung layout."

"Sa pwesto lang po natin?" si Toni naman.

"Yes. Maayos naman daw agad yun bago mag Saturday kasi 'yun lang naman ang pinabago. Anyways, I'll see you later may meeting pa ako. Paki-tapos na lahat ng kailangan kong reports ha." Pagkasabi nito'y umalis na si Leila at silang dalawa naman ay nagpunta na sa mini-conference room.

Mabilis naman na lumipas ang araw. Palabas na sila ng building nang may marinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa kaniya. Paglingon niya, nakita niya si Gerard. May dala itong sling bag, wearing a black jacket with white v-necked shirt underneath, faded jeans and a pair of chucks.

"Ge?"

"Hey." Sagot sa kaniya ni Gerard nang nakangiti.

"EHEM" pagpaparinig naman ni Toni kay Ava.

"Ay! Gerard, this is Toni. Mang, si Gerard, kababata ko." Pagpapakilala niya sa dalawa. Ngiting ngiti naman si Toni sa kagwapuhang nakikita.

"Hello, Toni. It's a pleasure to meet you."

"The pleasure is mine." Pagpapa-cute naman ng kaibigan ni Ava.

"Saan ka pala galing?" Tanong sa kaniya ng dalaga.

"May nirerenovate kami dito. Kanina lang nasimulan. Rush work nga e." Pag-e-explain naman ni Gerard.

"Talaga? Saang floor ka ba?" muling tanong niya.

"Sa 32nd floor. Next week na gagamitin yung office kaya nandito ako para ma-supervise ko mismo."

"32nd? As in sa MSY?"

"Yeah. Why? Doon ka ba nagta-trabaho?"

"Oo kaya. And department namin yung tanging nire-renovate dun."

"Really?" natatawang tanong ni Gerard. Medyo napapailing ito. Habang si Ava naman ay medyo naguluhan sa reaction niya.

"Bakit ka natatawa?"

"Wala naman. It's just nice to see you here."

"Yeah. Sige Ge, we'll go ahead" pagpapaalam niya sa kaibigan.

"Hatid ko na kayo." Pag-o-offer niya sa kaibigan.

"Ah, hindi na. Parating na rin yung na-booked namin na susundo samin."

"Okay. Maybe next time. Take care, okay." Sabi ni Gerard. Ramdam naman sa boses ng lalaki ang sincerity ng kaniyang mga sinabi.

"We will. Ikaw rin." This time, si Toni naman ang sumagot.

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now