CHAPTER 10 THE BALL

2 0 0
                                    


Nasa cab na si Ava papunta sa venue ng event at non-stop naman ang pagtawag sa kaniya ni Toni para tanungin kung nasaan na siya. As usual, maaga na naman si Toni.

"Malapit na." Ang lagi niyang sagot sa kaibigan. Hindi pa naman nagsisimula ang event excited lang talaga ang kaibigan niya. Minsan lang din kasi ang ganitong okasyon sa kanila. Medyo naiilang pa siya dahil panay ang tingin sa kaniya ng driver. Hindi niya alam kung nagagandagan o pinandidirihan ba siya nito. Tiningnan niya kung mukha na ba siyang mahalay sa suot niya. Simple, elegant and feeling sexy siya sa suot niyang floor length flowing laced dress with sleeves. Medyo revealing nga lang kasi sweetheart cut at off shoulders ito kaya kitang kita ang kaniyang bountiful na hinaharap.

Ten minutes bago mag-eight-thirty siya nakarating sa hotel. Bago siya tuluyan makapasok sa ball room ay dadaan muna sya sa mga taga-tanggap ng bisita para ipakita ang invitation niya. Matapos ma-confirmed ang pangalan niya sinabihan na siyang isuot ang mascara niya. Hinintay muna nila maisuot niya ito at saka binuksan ang pintuan.

Joke ba 'to? Tanong niya sa sarili. Ang dilim kasi ng napasukan niya at hindi niya alam kung may magbubukas ba ng isa pang pinto para sa kaniya o kung ano man. She extended her hand para kumatok sana pero tela ang nahawakan niya. Parang curtain ng theatre, kaya agad siyang humanap ng slit at hinawi ito.

What she saw made her jaw dropped in awe. She took a step forward. Feeling niya nasa ibang panahon siya. Ang ceiling nagmukhang black canvass at ang mga ilaw ay nagmistulang isinabog na mga bitwin. Maraming lamesa nakapalibot sa lugar, nasa kaliwa ang platform na nagsisilbing stage, sa itaas na parte ay screen na naka wall mount. Nasa bandang kanan naman naka-set up ang live band.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang phone. May tumatawag na sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali, si Toni.

"Toni."

"Nasaan ka na bang bruha ka? Kanina pa kita hinihintay. May balak ka bang magpaka-Cinderella?"

"Nandito na ako sa loob. Nasaan ka ba?"

"Dito sa bandang kanan. Malapit ako sa stage. Ang ganda ng pwesto natin 'day! Ayan nakikita na kita."

"Sige, puntahan na kita diyan." Pagkarating ni Ava sa sa pwesto ni Toni ay bumeso siya sa kaibigan at naupo. Hinanap niya rin ang boss nilang si Leila.

"Parating na rin. Dito rin siya sa atin naka-assign e."

Akala ko by invitation? Ang dami kasing bisita. Ang inaasahan niya iilan lang ang darating since sabi ay by invitiation lang ang event. May mga Nakita siyang mga pamilyar na mukha. Mga pulitiko, businessmen, at yung iba celebrity. 'Yung mga taong sa tv niya lang nakikita ay nandito sa event. Maya-maya pa'y dumating na rin si Leila wearing a laced red dress. Sobrang seductive ng dating ng boss niya. Wala yatang lalaki ang hindi mapapaligon sa ganda ni Leila. Tulad niya, single pa rin ito. Hindi niya nga lang alam kung bakit kasi hindi niya naman din ito nakaka-kwentuhan.

Naiinip na siya nang nakaupo lang at naghihintay kung kaya't niyaya niya na sila Toni at Leila na kumuha na ng maiinom. Humingi siya ng rum coke sa bartender. One of her favorite drinks. Pabalik na sila ng table ng may tumawag sa kaniya. Si Gerard, kasama ang asawang si Victoria na nakasukbit ang kamay sa braso ng una. Nagtanggal sila pare-parehas ng mascara.

"Hello." Bati niya sa lovely couple.

"Ava, I would like to finally introduce you to Victoria, my wife. Honey, this is Ava." Pagpapakilala ni Gerard sa kanilang dalawa. Lumapit naman si Victoria kay Ava. Nagulat si Ava, ang akala niya kasi be-beso lang ito sa kaniya pero niyakap pa siya ng asawa ni Gerard.

Smile In Your HeartWhere stories live. Discover now